Chapter 11: Good Terms

30 4 0
                                    

Lis

“Sabihin mo nga kung saan mo nakukuha ang mga ganitong imahinasyon.”

Sinimulan kaming atakihin ng kakasulpot pa lang na halimaw, ni hindi kami nito binigyan ng pagkakataong huminga. Walang tigil nitong iwinasiwas ang mga kadena sa mga posas na nasa mga kamay nito para patamaan ang kinaroroonan namin.

Sa kabila ng delikadong sitwasyon, nakuha pa talagang mambintang ng Venator na ‘to.

“Pano ka naman nakakasigurong ako ang gumawa niyan?” Inis kong singhal sa kanya habang tumatakbo. "Sa tingin mo maiisipan ko pang mag-ilusyon ng kung anu-ano, eh kanina pa ako inis na inis sa'yo para lang malaman mo.”

“Exactly.” He suddenly stops on his track when he noticed some of the monster’s chains were about to reach us. He waved his hand as if creating something on the air. Isang malaking magic circle ang lumitaw sa harapan niya. “Velum Protectoris – Muros Celestia!”

A sudden burst of energy coming from the magic circle he created engulfed us in a prism. Nagawang harangan ng magic shield ni Kaellus ang atake ng halimaw. Thank goodness. We’ll be safe for the time being.

“Ano’ng ibig mong sabihin?” Tanong ko sa lalaki.

“Gaya ng sabi ko, ginagamit ng lugar na ‘to ang negatibong emosyon mo para gawing totoo ang kung ano mang nasa isip mo. Your  sudden surge of emotion triggered your subconscious to create this monster before you even knew it.”

Well… That really makes sense after all. Eh pero kung gano’n, kasalanan niya din pala. Siya lang naman ang pinanggalingan ng inis ko.

Umatungal ang dambuhalang nilalang, tunog na parang nanggagaling sa ilalim ng lupa. ‘Yon ay kahit wala itong bibig para gawin ‘yon. Things get weirder and weirder here overtime.

Sinimulan nitong paghahampasin ang harang na ginawa  ni Kaellus. Halata kung gaano kabibigat ang mga binibitawan nitong hampas sa malakas na tunog na nagagawa ng pagtama ng mga kadena sa magic shield ni Kaellus. Ramdam din namin mula dito sa loob ang pagyanig dulot noon.

The magic shield started to form several cracks from the outside.

“Naloko na,” usal ni Kaellus.

Sinimulan niyang magpalabas ng kakaibang aura sa kamay niya, papunta sa shield. Napansin ko ang muling pagkabuo ng mga bitak nito. He’s supplying the magic shield with his own, but he’s obviously struggling.

Idagdag pa ang walang humpay na pagbayo ng halimaw sa pananggalang, halos mapaluhod ang lalaki.
“H-Humihina na ang anima ko. Any minute now, this barrier will shatter. A little help would be nice.”

“Walang kaso, pero hindi ko alam kung paano.” Paano ko siya tutulungan kung sarili ko nga 'di ko matulungan. I mean, I won’t hesitate to help, of course, he’s risking his safety to protect the both of us I want to return the favor.

But goodness me, I don’t have the toolkit! Kung alam ko lang na mapupunta ako sa ganitong lugar, eh 'di sana nagpaturo ako ng magic kay David Copperfield. “Paano ko gagawin ‘yon?”

With his evidently exhausted eyes, he look at me with confusion. “Kaya mo naman sigurong gumamit ng magic?”

“S-Syempre naman kaya ko! Sira ka ba, sino ba'ng hindi,” this is getting out hand. Hindi maganda ang kasunod nito.

“Then do it. Alam kong malakas ka kahit isa kang Praeda. Your Blood Petal spell says it all.”

Tinutukoy niya ba ang spell na ginawa ni Meisi noong nakaraang araw? Bwisit, buong Grimwald nga pala ang nakakaalam na ako ang gumawa noon.

ANIMA: Spirits and MagicWhere stories live. Discover now