Chapter 5: Hide a Tree in a Forest

37 4 0
                                    

Meisi

"Ano na naman bang pumasok sa utak mo, Meisindra Clowder!?"

Napapa-ismid na lang ako habang sini-sermonan ng babaeng kasama ko dito sa harding nasa likuran ng girl's dormitory matapos niya akong hatakin kanina papunta rito.

Si Lis naman ay naiwan sa kwarto pagkatapos namin siyang ipuslit kanina papasok sa quarter namin.
"Aatakihin ako sa nerbyos d'yan sa ginagawa mo eh. Paano kung mahuli ka?"

Halos atakihin din naman ako sa puso kanina dahil sa gulat. Sino ba naman ang hindi, paglabas na paglabas namin ni Lis sa tunnel may nakaabang na pala sa amin. Akala ko kung sino na.

"Pasensya ka na, Poppy. Hindi na mauulit." Nag-peace sign ako sabay pilit na nagpa-cute kahit alam kong hindi naman sa kanya tumatalab ang gano'n.

"Yan ka na naman sa hindi na mauulit eh! Ilang beses mo na bang sinabi 'yan?" Muli niyang bulyaw. Pinaningkitan niya ako ng maliliit niyang mata at itinutok sa akin ang hintuturo. Daig pa niya ang nanay ko.
"Pumunta ka na naman ba sa Labyrinth?"

I cracked an awkward smile to answer her, which she immediately understand. Napatampal na lang siya sa noo sabay ibinagsak ang balikat.

"Naku naman Meisi. Alam mo, kapag nahuli ka talaga ng mga Majin sa ginagawa mo, malalagot ka sa'kin."

Ngumisi ako ng nakakaloko. "Wag kang magalala, marami pa silang kakaining bigas bago nila ako mahuli."

Napailing na lang ang kaibigan ko sabay taas ng mga kamay tanda ng pagsuko. "Baliw ka talaga."

"Kaya nga magkaibigan tayo."

Pinagrolyohan niya ako ng mata. Akala ko ligtas na ako nang tumalikod siya, pero bigla ulit siyang humarap sa akin.
"At sino naman 'yong kasama mo? Sigurado akong hindi ko pa siya nakita noon dito sa Grimwald. 'Wag mong sabihing nagdala ka ng taga-labas dito?"

Biglang napuno ng ningning ang mga mata ko at hinablot siya palapit. "Hindi ka maniniwala, Poppy!"

"Ano na naman?"

"Lis ang pangalan niya. Nakita ko siya sa Labyrinth, sa mismong Sacred Tribune. At hindi ka maniniwala sa nadiskubre ko!"

Halata ang pagkairita ni Poppy sa kunot ng noo niya dahil sa pambibitin ko. "Ano ba kasi 'yon?"

Mas lalo akong nasabik sa kasalukuyang paksa ng usapan namin. "Naalala mo 'yung Book of Lost Secrets?"

"Oo. Yung kinuha mo sa library ng Magistrate nung pumasok ka doon ng palihim." Sarkastiko niyang pahayag. "Isa pa 'yan. Hay naku, Meisindra. Masisiraan ako ng bait sa'yo."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy.
"May nabanggit doon tungkol sa isang mundong kakaiba sa mundo natin. Ang Mortera."

"Oooh-kay? At ano naman ang koneksyon noon sa babaeng 'yon?"

"Sa tingin ko galing siya sa Mortera!" I exclaimed excitedly. Mas lalong nagliwanang ang mga mata ko kung posible pa 'yon. Alam ni Poppy kung gaano ako kainteresado sa mga ganitong usapan.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Naniniwala ka talaga sa mga nabasa mo doon? Ano bang malay natin kung gawa-gawa lang ng kung sinong sira-ulo ang librong 'yon?"

"Eh kasi ganito 'yan. Sabi sa libro, isang non-magic zone ang mundong iyon. Ibig sabihin hindi gumagamit ng mahika ang mga Morterian, 'di tulad natin." Bahagya kong inayos ang salamin ko, na nakagawian ko na kapag interesado ako sa isang bagay, bago nagpatuloy.

Matiim ding nakikinig sa akin si Poppy, salubong ang mga kilay ngunit halata ang interes. Ito rin ang isa sa mga gusto ko sa kanya, kahit madalas siyang hindi maniwala sa mga nadidiskobre ko bunga ng naguumapaw kong kuryosidad, lagi pa rin siyang nakikinig sa akin. She never treated me as a weird geek, like most people do. 'Yon nga lang madalas siyang diskompyado.

ANIMA: Spirits and MagicWhere stories live. Discover now