Chapter 15: Turmoil at the Capital

25 4 1
                                    

Lis

Hindi ko alam ang gagawin sa mga oras na ito habang nakatitig sa dambuhalang apoy na lumamon sa sira-sira na ngayong tindahan.

Si Kael. Ano na ang nangyari sa kanya? Nasa loob pa siya nang tumama ang bola ng apoy sa kinaroroonan ng gusali. Patay na ba siya? Hindi pwede! He's definitely strong, a fire like this can't possibly kill him.

Nagsimulang magsunud-sunod ang pagsabog sa paligid. Mistulang umuulan ng apoy mula sa langit. Tumingala ako kung saan nanggagaling ang mga apoy.

Natigagal ako nang makita ang isang nakakakilabot na bagay sa himpapawid. Sa laki nito, nagawa nitong maharangan ang liwanag ng araw kaya bahagyang dumilim ang paligid.

It was a giant black dragon.

A freaking dragon for Pete's sake! It was big, I guess the size of a house. And its ebony scales which cover its whole body were ablaze with angry flames. Naglalabas ng nagliliyab na asupre ang ilong at bibig nito, at sa kada atungal nito ay siya namang pagbuga ng apoy sa mga gusali.

Anong ginagawa ng isang dragon sa kapitolyo?! Hindi ako makapaniwalang ang isang nilalang na laman lamang ng imahinasyon at kwento-kwento sa mundo ko, ngayon ay nasa mismong harapan ko na.

Naririnig ko ang mga sigawan at ingay ng mga tao, kanya-kanya silang takbuhan. Samantalang ako ay parang nabato na sa kinatatayuan. Hindi ko alam kung ano ang uunahin. Tumakbo, o hanapin si Kael sa gitna ng sunog.

Gulong-gulo ang isip ko kaya't hindi ko agad nakita ang paparating na apoy na ibinuga ng dragon sa direksyon ko. I was caught off guard, and I can't even move my legs. Once again, I felt helpless. I really cannot survive the perils of this world on my own.

Habang papalapit sa akin ang ibinugang apoy ng dragon, tahimik na lang akong nagdasal na sana may dumating para iligtas ako. God knows I hate being the damsel in distress but what else can I do? I'm just a mere mortal.

Napasinghap ako nang may biglang humarang sa paningin ko. Isang bulto ng lalaki. Akala ko noong una si Kael, pero hindi. Mas matanda na ito kumpara sa kanya, sa tingin ko kasing edad ni Headmaster Laperoy. Nakasuot ito ng mahabang puting roba na tumerno sa puti nitong buhok, na hindi ko alam kung natural o pumuti na lang dahil sa edad.

Nevertheless, it's not of my utmost concern right now. But the man's sudden appearance which placed himself as a human shield protecting me from the fire. Bigla akong natakot para sa kanya dahil siguradong matutusta siya ng apoy.

Pero nagkamali ako nang igalaw nito sa hangin ang kamay. Lumitaw ang isang malaking magic circle sa harapan niya, at mula doon ay rumagasa ang nangangalit na tubig na parang along sumalubong sa paparating na apoy.

Malakas na pagsabog ang nagawa nang pagbanggaan ng dalawang atake. Steam covered the whole place, I can't clearly see what was happening. Ang malinaw lang sa'kin ay ang likod ng lalaking nagligtas sa akin.

I was in awe.

The man is standing with his ramrod back facing at me. He's so powerful. That spell he used speak loud of his might, not to mention the intense atmosphere surrounding him.

Lumingon sa akin ang lalaki. "Ayos ka lang?"

Wala akong ibang naisagot kundi tango. Kahit maedad na, halata pa rin ang pagiging mahitsura ng lalaki.

Tumango ito. "Ang mabuti pa lumayo ka na, delikado na rito."

I can't even muster a word to thank him for saving me. Wala na rin akong pagkakataon nang lumapit sa kanya ang dalawang kawal. Kung tama ako, kawal sila ng Magistrate dahil sa suot nilang baluti.

ANIMA: Spirits and MagicWhere stories live. Discover now