Chapter 6: Student-In-Disguise

36 4 0
                                    

Lis

Napapabuntong hininga na lang ako habang naglalakad sa colonnade na nagdurugtong sa right wing ng academy kung saan naroroon ang girl's dormitory, at ng main building ng Grimwald.

Hindi ko talaga alam kung tama ba itong naisip nina Meisi at Poppy na pagsuotin ako ng uniform nila dito sa Grimwald at isama ako sa klase nila.

Pakiramdam ko lahat ng mga nadadaanan naming estudyante sa'kin nakatingin. Hindi ako mapalagay kahit nasa magkabilang gilid ko ang dalawang babae.

Pasimple kong hinila nang bahagya ang skirt na suot ko para takpan ang hita ko. Hindi talaga ako sanay sa mga ganitong pustura eh.

Pinahiram sa akin ni Poppy ang luma niyang uniform na hindi niya nagagamit dahil maliit na sa kanya. Mas matangkad sa akin si Poppy pero hindi ganoon ang agwat kaya naman kahit sa akin ay medyo maiksi na ang palda.

Naramdaman ko ang paghawak ni Meisi sa kamay ko. "Wag kang magalala, Lis. You look amazing. Bagay na bagay sa'yo."

Kinindatan niya ako kaya inboluntaryo akong napangiti. Well that makes me feel a lot better.

Tsaka aaminin ko, maganda din naman talaga ang uniform. Puting longsleeve blouse ang pangitaas samantalang itim na skirt naman ang pangibaba, na tinernuhan naman ng puting knee-high socks at itim na sapatos. The whole outfit creates an awesome rhythm of black and white.

Simple lang ang uniform ng Grimwald. Parang uniporme lang din sa 'mundo' namin. Ang medyo kakaiba lang ay ang itim na cloak na nakapatong sa uniform. Hanggang tuhod ang haba nito. The linings were decorated with gray highlights, and a logo on the left chest of the cloak.

Kahawig lang din ng logo ng Magistrate ang logo ng Grimwald. May idinagdag lang na ibang elemento rito. The head of a fox at the top of two cross swords, infront of an open book, a grimoire, I guess, and two olive leafs below creating an arc.

Ang sa lalaki naman, base sa mga nakikita kong estudyante ay halos parehas lang din ng sa babae. Puting longsleeves na pinatungan ng itim na buttons-up vest ang pangitaas, habang itim na pants at sapatos ang pangibaba. They also don black cloak which is longer than that of the girls'.

Inaasahan kong nakasuot sila ng witch hat dito o kaya gumagamit ng lumilipad na walis tingting pero mukhang hindi 'yon ang kaso dito.

Dumaan kami sa isang bulwagang ayon kina Meisi ay ang Gymnasium ng academy, na kung tutuusin ay mas mukha pang battle arena kaysa gym dahil sa malaking platapormang sentro ng atensyon ng napakaraming estudyanteng nanonood sa nangyayaring laban doon.

Yup. A battle between two individuals, which i think are also students. Parang kaedad lang din namin sila.

Hindi ko napigilang magusyoso sa mga kasama ko. "Ano bang meron?"

"May practical examination ang House Venator at House Bestia ngayong araw," sagot ni Poppy sa tanong ko. "Nangyayari 'yon isang beses kada semester para ipamalas ang physical combat skills nila."

Mukhang military school nga talaga 'to imbis na magic academy.

Naghiyawan ang mga nanonood na estudyante kaya naagaw ang atensyon namin sa nangyayaring laban sa arena.

Parang pinaglalaruan lang ng isa ang kalaban nitong di hamak na mas malaki sa kanya ng ilang beses. Kahit sa bigat ng kalaban, parang walang hirap niya lang itong napapatalsik ng malalakas na suntok at sipa.

The guy's indeed a skilled fighter. Halata naman sa paraan ng paggalaw niya. Discreet yet powerful.

Sa huling suntok na pinakawalan nito, 'yon na rin ang huling beses na nakatayo ang kalaban. Taob ito at mukhang nawalan pa ng malay. The crowd's cheerings roared all over the hall.

ANIMA: Spirits and MagicWhere stories live. Discover now