Chapter 1: Unconditional

69 7 0
                                    

Lis

"VIVAT INARI!"

Bigla akong napabalikwas mula sa pagkakaidlip dahil sa huling sigaw na iyon.

Ang panaginip na namang yon.

Huminga ako nang malalim para ikalma ang sarili habang pinupunasan ang malalaking butil ng pawis sa noo ko.

Hanggang ngayon ginugulo pa rin ako ng eksenang iyon, na sa pagkakaalala ko ay laman na ng panaginip ko simula pa siguro nang magkaisip ako. And it circles around that particular scene everytime.

Magsisimula sa nasisirang kastilyo na sigurado akong hindi ko pa nakita sa buong buhay ko. Mapupuno ng mga nakakaligalig na sigaw at pagiyak. Pagkatapos ay ang huling sigaw na iyon ng babae.

Sa bawat pagkakataong magigising ako galing sa panaginip na yon, pinipilit kong alalahanin ang mga nakita kong mukha dun, pero sumasakit lang ang ulo ko kapag sinusubukan ko.

Isa lang talaga ang malinaw kong naaalala.

Inari.

Pero hindi rin naman pamilyar sa akin ang pangalang iyon. Isa ba yong pangalan ng tao, lugar, o kung ano?

Kung ano man yon, alam kong hindi lang dala ng pagkakataon ang panaginip kong iyon. Sigurado akong may dahilan. Pero kung ano, hindi ko din alam.

Muli akong bumuntong hininga sa huling pagkakataon bago tinignan ang taong nakahiga sa kamang nasa tabi ko. Mahimbing pa rin ang tulog ni mama dahil sa gamot na itinurok sa kanya kanina.

Mukhang napasarap din ang tulog ko. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng jeans ko at tinignan ang oras.

It's already past 10 am.

Magiisang oras na pala akong naidlip.

Napansin ko ang sangkatutak na missed calls mula sa isang unregistered number. Pero kahit walang pangalan, kilala ko kung sino yon.

Muling rumehistro ang numero sa screen ko, tumatawag. Inboluntaryong nangunot ang noo ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. Nevertheless I slide the screen to answer it.

"Jake," walang ganang bungad ko.

"Bakit di ka sumasagot, kanina pa ako tawag nang tawag." Kahit kailan talaga nakakairita ang lalaking ito. "Nasaan kana ba? Ikaw na lang ang hinihintay, sasama ka pa ba?"

"Oo naman." Tinignan ko ulit si mama sa kama. "Papunta na ako."

"Dapat lang. Bilisan m-"

Hindi ko na hinintay na matapos si Jake at ibinaba ang tawag. Dami pa kasing sinasabi.

Marahan kong hinaplos ang buhok ni mama. I forced a smile, but ended up grimacing. Alam kong di siya papayag sa gagawin ko. Pero kailangan ko itong gawin para sa kanya.

Sana mapatawad mo ko.

Dinampian ko siya ng marahang halik sa noo bago tumayo. Hinablot ko ang itim na leather jacket sa mesa bago tinungo ang pintuan ng kwarto.

***

Pahigpit nang pahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela ng Ford Transit kung saan ako nakasakay habang nagpapalipat-lipat ang tingin ko sa side mirror nito at sa convenient store sa harap.

Bakit ang tagal nila sa loob?

Gaano ba kahirap kunin ang pera sa kaha ng tindahan? Para sa isang taong maitim ang budhi kagaya ni Jake, madali lang niyang magagawa yon gamit ang pagtutok ng baril.

Bakit ba kasi ako ang look out nila? Parang mas nakakatensyon pa ang trabaho ko kaysa sa kanila. Pero ayoko din namang sumama sa loob at mangholdap ng lantaran.

ANIMA: Spirits and MagicWhere stories live. Discover now