I bit the side of my cheek because I wanted to smile so bad while looking at Tarian. Kaya lang ay  pinigilan ko. Nilingon ko si Troi at tinaasan ng kilay. Tarian can make me smile but his presence is enough to bring out all the bad and evil spirits inside me.

"Oh?" walang ganang sambit ko.

Bumagsak ang tingin niya kay Tarian at napapagod na bumuntong-hininga. I know that he's hurt by the way I acted like our son's presence is nothing to me. Naisip ko na nga na baka iwanan niya na ako rito at ihagis ang mga bag ko pero hindi niya ginawa.

"Sa unahan ka," aniya bago ako iginiya roon.

Gusto ko sana magreklamo at sabihing sa likod na lang ako dahil ayaw ko siyang makatabi. Kaya lang ay baka isipin niyang gusto ko makatabi si Tarian.

Well, I do! But I need to act! I need to do this! Napag-usapan na namin ni Tarian 'to and I am thinking that he understands me.

Walang kibo akong pumasok sa front seat. I tried glancing at him to see his reaction. Madilim ang buong mukha niya at ang mata ay tila galit dahil sa magkasalubong na kilay. Bumalik sa akin ang tingin niya at iniwasan ko iyon. Bumaling ako sa harapan at nagpatay-malisya na lamang.

Umikot siya at nagtungo sa driver's seat. Pinakiramdaman ko lang siya hanggang sa paandarin niya ang makina. Sa gilid ng mata ko, nakita kong itinaas niya ang parehong sleeve niya. Hindi umabot hanggang siko. Sapat lang para makita ang maugat niyang bisig.

He maneuvered the steering wheel without throwing a glance at me. Naligpasan ang sasakyan ko. I took that chance to speak just so I could ease the tension.

"Paano ang kotse ko?" mataray pa rin ang boses ko pero hindi na sobra.

"I'll have someone to look for it. Tatawagan kita kapag maayos na." Seryosong-seryoso ang mukha niya habang sinasabi iyon. Ni hindi ako nilingon.

Ngumiwi ako nang 'di iyon nagustuhan.

"Hindi ko ibibigay sa iyo ang number ko," sambit ko.

Hindi siya kumibo. Nilingon ko na siya.

"Just leave it here. Babalikan ko bukas," sabi ko uli.

He nodded and didn't speak again. Umakyat ang iritasyon sa ulo ko.

"Ibaba mo na lang ako at magta-taxi ako..." madiin kong sambit.

Noon lang niya ako nilingon. Malamig ang mata niya. I feel like he has something to say to me but he's stopping himself. Umigting ang panga niya at pinukol ako nang madilim na titig bago bumaling sa harap uli.

Kumuyom ang kamao ko sa inis. Umusog ako ng upo dahil malaki ang front seat para sa maliit kong katawan. Idinekuwatro ko ang hita ko at pinagkrus ang kamay sa dibdib.

"We both know we don't like each other's presence. Bakit kasi nagpumilit ka pang ihatid ako?" pagalit kong tanong.

Matalim ang tingin ko sa kaniya. I don't know what's gotten in to me. I just feel enraged because he's not talking to me. Siya naman ang nag-insist na ihatid ako!

Pinaglandas niya ang dila sa labi niya bago ako nilingon. Sumulyap siya sa kandungan ko at lalong dumilim ang anyo. Sinulyapan ko rin iyon at nakitang exposed na exposed ang hita ko.

"Hindi ka ba nilalamig?" His voice sounds iritated.

I smiled to taunt him and shook my head.

"Hindi. Sanay ako sa ganitong suot kahit sa ibang bansa. Naka-aircon lang naman 'tong kotse mo, so no worries."

I bit my tongue when I realized that I talked too much. Tumango siya at hindi sumagot. Sumulyap siya sa likuran nang marinig ang kaluskos doon. Ganoon din ang ginawa ko.

Del Rico Triplets #2: Retracing The StepsWhere stories live. Discover now