Kabanata 6

39.9K 744 106
                                    

Memories

Napakahaba ng araw na 'to para sa akin. Napakatagal sumapit ng gabi. Kaya lang, noong naging gabi na, wala rin namang nagbago.

Walang nagbago! I was still alone here! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa loob ng bahay. I tried cooking and I wasn't satisfied. Nauwi lang din sa loob ng refrigerator iyon. I tried watching but after a couple of minute, pinatay ko rin ang TV. Ganoon din ang nangyari sa pagbabasa.

I was checking the wall clock. Alas otso na ay wala pa ring Troi na dumarating. I tried sleeping already but I can't. Pabiling-biling lang ako. Sa huli, nang maisipan kong sumilip sa balkonahe ay nakita ako ang pagkislap ng tubig sa may swimming pool.

Doon ako nakaisip na maligo. Nagtungo ako sa may walk-in-closet at naghanap ng masusuot. There's a lot of swimsuit there. Walang conservative doon. Nakangiwi kong kinuha ang stringed two-piece.

Wala namang makakita sa akin. Maybe. Troi is in Manila again. At kung darating siya, baka gabing-gabi na. Sandali lang naman akong maliligo.

Inilapag ko ang maliit na speaker sa gilid ng pool. Tumutugtog ang isang masayang kanta roon.  Sasayaw-sayaw pa akong lumayo para makapunta sa kabilang side ng pool.

Nilukob ng lamig ang katawan ko nang inihulog ko ang katawan doon sa tubig. Ang swimming pool ay slanted. May malalim na parte at may mababaw. Doon ako sa malalim nagpabagsak.

I know how to swim. Kaya nga ba nalibang ako roon sa kalalangoy at 'di na alintana ang oras. Umahon lang ako nang naramdaman ang bahagyang panginginig ng katawan.

Dinampot ko ang tuwalya at ibinalabal sa katawan. Matapos iyon ay pinatay ko ang speaker at binitbit patungo doon sa shower room. I washed myself. Pag-akyat ko, nakabalot lang ako ng tuwalya kaya naman nanunuot ang lamig na lumalabas sa aircon.

Nanginginig ang mga binti ko habang tinatahak ang hagdan pataas. Pinihit ko ang doorknob at walang habas na binuksan ang pinto.

Ganoon na lamang ang gulat ko nang tumambad sa harap ko si Troi. He has no more top. Tanging ang suot na pants na lang. Namumula ang tenga niya at dibdib.

His eyes... is drunk.

"Where have you b-been?" he uttered drunkly.

I smelled the liquor on his breathe. Isinara ko ang pintuan bago siya sinagot.

"Naisipan ko lang maligo sa pool..." pahayag ko.

Humarap akong muli sa kaniya.

"M-matulog ka na. L-lasing ka..." utal-utal na sambit ko nang humakbang siya palapit.

"You swimmed alone?" lango pa rin ang boses na tanong niya.

Sunod-sunod ang naging pagtango ko. Bahagya ko siyang itinulak palayo para magkaroon ako ng espasyo paalis. Nagawa ko naman.

"Matulog ka na. Magbibihis lang ako," sambit ko saka naglakad patungo sana sa may walk-in-closet.

Kaya lang, baka pa ako tuluyang makalaro ay natigil na ako nang maramdaman ang mainit niyang katawan sa likod ko. Pumulupot sa baywang ko ang dalawang braso niya.

Naramdaman ko ang mga mumunting halik sa batok ko.  Umakyat ang kilabot mula sa puson ko hanggang sa batok. Hindi ko alam kung dahil malamig o dahil sa ginagawa niya.

"T-troi... magbibihis ako," nanginginig ang boses na sambit ko.

His kisses didn't stop. Tumatama ang init ng hininga niya ngayon sa leeg ko.

"But you sleep without those..." he uttered hoarsely.

Sunod-sunod ang paglunok ko nang paglandasin niya ang dalawang kamay mula sa siko ko hanggang sa balikat ko. Mayamaya pa ay inikot ako paharap sa kaniya gamit ang sariling lakas.

Del Rico Triplets #2: Retracing The StepsWhere stories live. Discover now