The Beagle Line

14 0 0
                                    


The Beagle Line

More than a month na akong living with EXO and as always, full of fun, fun, fun! Busy ngayon ang karamihan sa EXO members dahil sa individual activities nila. May mga shootings ng movies, CFs, photoshoots, at iba pang pinagkakaabalahan ng isang idol. Pero syempre hindi parin ako naiwang mag-isa, at kung sweswertehin nga naman ako, may kasama akong isang beef lover, isang troll, and isang nakakahawang happy virus.

Binigyan ng two days off ang beagle line ngayon, masyado na daw kasi silang busy these past few weeks. Para na din daw makapag-refresh sila at ma-maintain ang pagiging healthy, mga masisipag na bata kasi eh!

So ang kinalabasan, kasama ko ngayon sila Baekhyun, Jongdae, and Chanyeol. Oh God, please give me enough energy para na din makasabay ako sa kakulitan nila.

"Y/n! Are you done?" tanong ni Baekhyun from outside my room.

"Not yet."

Minadali ko na ang pagbibihis baka kasi mainip na sila. I comb my hair neatly and brought with me a small sling bag with my phone, wallet, and hanky inside. Now I'm ready.

"I'm done!" sabi ko at nagpunta na sa living room.

"Wow, matching liner pa us!" sabi ni Baekhyun. He's wearing a simple shirt topped with a leather jacket paired with black jeans.

"Cutie talaga. Inggit mamaya 'yung isa nito 'pag nag-send ako ng pics." Ngumisi si Chen. Nakasuot siya ng striped long sleeve shirt na black and white ang pattern paired with denim pants.

"Gets ko kung bakit down bad na siya," sabi naman ni Chanyeol at nginitian ako. Siya naman, he's wearing a simple black shirt topped with a white hoodie paired with jeans. He's also wearing a cap. What's new?

"Gomawo..." I said, blushing a bit. "You all look very handsome yourselves."

"Nako, matagal na," sabi ni Chen. Babatukan sana siya ni Baek pero pinigilan niya ito. "Kyungsoo ka? Gaya-gaya!" at nag-asaran pa silang dalawa.

"Yah, hajima!" pigil ni Yeol. "Sabi niyo magpakatino ako tapos kayo naman pala ang hindi. Mas matanda ba talaga kayo sa akin?" sabi niya na medyo natatawa and I agree.

"Tara na nga, hindi na matatapos to eh." Baekhyun ushered us all out.

"Gaja!" I excitedly agreed.

Sumakay na kami sa van at nagpunta na sa aming destination.

Wonder where we're going? Well, hindi ko din alam. Basta gagala raw kami. Sabi nila ay magfu-food trip, para naman daw masulit nila yung day off nila and sawa na daw sila sa luto ni Kyungsoo.

Ang pasaway talaga! Diba dapat pag day off nagpapahinga? Tsaka dapat natutulog nalang sila eh. Sinabi ko sa kanila kanina yan but they refused. Sabi nila boring daw doon sa dorm and para naman daw maiba yung surroundings na makikita nila.

I can't blame them though, mahirap nga namang maging idol. Pero ibang klaseng rest din kasi yung trip nila eh, mas nakaka-refresh daw gumala kaysa humilata. Ibang klase talaga... That's why I love them!

Nang makarating na kami sa destination namin, bumaba na kami sa van. Pero before that, nagsuot muna sila ng disguise. Ako cap lang since hindi naman ako sikat. They wore glasses, pero yung walang grado. Tapos nagsuot din silang lahat ng cap, pinalitan din yung cap ni Yeol kasi yung suot nya kanina is yung madalas nyang gamitin sa mga shows, interviews and guestings. Hindi na sila nagsuot ng face masks kasi imbes na matago ang identity nila, lalo pang mahahalata.

Nang maitapak ko na ang mga paa ko sa place, hindi ko maiwasang mamangha. Ang ganda! Ang daming food stalls and restaurants, iba-ibang kinds of foods! Meron ding shopping places, may mga nagtitinda ng KPop merchandises! I can live here! Magsu-survive talaga ako dito, grabe! Ano na nga bang tawag sa place na to?

"Chan, ano tawag dito?" tanong ko habang naglalakad kami.

"Myeongdong, my favorite shopping place," sabi nya. Ay, oo nga pala!

Parang biglang tumaas yung energy ko dahil dito sa lugar na to, lalo na ng makakita ako ng KPop merchandises! Just wait for me my dearest, mapapasaakin din kayo mamaya. Bwahaha!

Una naming pinuntahan is isang restaurant na parang old fashioned ang style, pagpasok palang namin mararamdaman mo talaga yung historical ambiance niya. Yung interior design ng restaurant is parang yung mga napapanood ko sa mga KDramas, mala-Joseon Dynasty era ang dating!

Umupo na kami and guess what? Yung style namin is yung parang pang-Korean talaga, sa lapag kami nakaupo at pinalilibutan naming apat yung isang table na mababa! Yie! Sila nalang yung um-order kasi wala naman akong kaalam-alam dito eh.

Pagka-serve nung mga foods hindi ko mapigilang mapatitig. Yum! Merong tteokbokki, samgyeopsal at marami pang ibang Korean foods na hindi ko alam ang pangalan. At syempre, hindi pwedeng mawala ang ramyeon! Hindi yung instant ah? Gosh!

"Daebak!" bigla ko nalang nasabi with shining eyes.

"Oh, contain your feels, Y/n," sabi ni Baek ng nakangiti.

"Oo nga, baka mamaya bigla ka nalang magtatalon dyan," sabi ni Chen na medyo natatawa.

I pout a little, can't help it.

"Hajima. Wag niyo ngang binu-bully si Y/n," sabi ni Chanyeol at nginitian ako. Kitang-kita ko yung shining shimmering splendid teeth niya.

"Ne, ne. Let's eat!" sabi ni Baek at kinain agad yung beef.

"Jongdae, is this spicy?" tanong ko sa katabi ko. Kasi yung ramyeon red na red yung sauce.

"Ani," sabi niya with a smile. Alam ko yang smile na yan ah? Teka, baka jino-Jongdae niya lang ako.

"Weh, sure?" tanong ko para sigurado. Tumango naman siya.

Okay, sabi nya eh. Hinalo-halo ko muna yung ramyeon gamit yung chopsticks, tsaka ako sumubo. Ginamit ko yung spoon para matikman yung soup.

Holy kimchi! Ang anghang! Halos mamula na yung buong mukha ko sa sobrang anghang! Epal talaga si Chen! Narinig ko pa yung mahinang pagtawa niya, inabutan naman nya ako ng mango shake na hindi ko alam kung bakit nagkaroon noon kasi wala namang ganun dito sa restaurant. Agad kong ininom yun, wala na akong paki-alam kung kanino man yun.

"Epal ka talaga, Chen!" sabi ko at pinagpapalo siya. Tumatawa pa ang loko.

"You should be thankful kasi pinainom ko sayo yung mango shake ko. Nag-indirect kissing tuloy tayo," sabi pa ni Chen habang tumatawa. Bigla naman akong napatigil at namula lalo sa sinabi niya.

"M-Mwo?"

"Joke lang, kay Chanyeol yun. Kayo yung nag-indirect kissing," sabi niya na hindi pa nakaka-recover sa pagtawa. Lalo naman akong namula dahil doon.

"Mian, Chanyeol!" sabi ko at nag-bow.

"Ano ka ba, okay lang," sabi niya at medyo natatawa pa. "Akin nalang tong natira ha?" Kinuha niya yung mango shake at inubos na.

"Kkaebsong!" sabi ni Baek at mahinang pinalo si Chen. "Baka nahawaan na ni Yeol si Y/n ng ka-abnormal-an nyan!" Nagtawanan naman silang tatlo.

"Grabe ka, Baek," rinig kong sabi ni Yeol.

"Makakarating 'to sa manok mo." Umiling si Chen at ni-picture-an ang empty mango shake cup.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakaka-recover, pasampal nga. Joke lang pala, masakit yun eh. Totoo ba talaga? Ha? Nag-indirect kissing kami ni bias?

NAG-INDIRECT KISS KAMI NI BIAS!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Boys Next Door (EXO)Where stories live. Discover now