Neighbours

19 1 0
                                    


Neighbours

Good morning!

Pagkagising ko, nag-ayos na agad ako. Nagsuot ako ng sky blue shirt over a white tennis skirt, tapos ay 'yung favourite Converse ko. Nagsuklay ako, kinuha ang bag with phone, wallet, other stuff and a map. Ready to go na!

Una kong pinuntahan ay isang Korean resto, nag-try ako ng mga sikat na Korean foods. Pagkatapos nagpunta ako sa isang Kpop store, sa EXO section.

"Oh my gosh, EXO!"

Halos maiyak na ako nang makakita ng EXO merch, hindi kasi ako makabili sa Philippines. Wala akong pera since all I ever do is stay cooped in my room studying and being a Koreaboo. My mum and dad just let me kasi I'm a good girl with really good grades which is a very huge bragging right for Asian parents. Taking pity on me because all my allowances they give end up being spent on food, pinapili nila ako between South Korea or EXO. Syempre SoKor! Kasi dito pwede ko pa sila makita ng personal. Just you wait, my loves!

I met EXO when my family went to the beach for a weeklong vacation just before I started college. Alam niyo 'yung tao na magiging friend niyo sa bakasyon tapos makakalimutan niyo na forever? I had one and siya ang nag-introduced sa akin sa EXO. Muntikan pa akong malunod nang makita ang mukha nila, but they saved me from death with their godly visuals. After that week, nakalimutan ko na kung sino man ang tao na 'yun pero I never forgot about EXO. I've also been begging my parents to let me go to South Korea ever since but they just won't let me. Sabi nila kaka-KPop ko daw kaya muntik na akong mamatay pero kasalanan ba ng mga oppa ko na hindi ako marunong lumangoy? Medyo unfair nga na they made me wait for three years tapos three months lang ang kapalit, but I'll take what I can get for EXO!

Kaya sinulit ko na, binili ko na lahat ng gusto ko. May binigay naman sa aking allowance eh.

Nang na-satisfy na ako, umuwi na ako para iwan ang mga pinamili ko. Pagkatapos ay lumabas ulit ako dala ang phone at wallet. Nagpunta ako sa isang convenience store. Doon na ako nag-dinner, nakalimutan ko kasing bumili ng stock ng foods kanina. Inuuna kasi ang EXO! Okay lang naman, para maranasan ko rin 'yung mga ginagawa nung KDrama female leads kasi ang cute ng convenience stores dito compared sa Philippines.

Naglalakad na ako pabalik nang mapadaan ako sa harap ng bahay ng kapitbahay ko. Bakit kaya ang ingay nila? Kanina pa 'yan, baka hindi ako makatulog nito.

Out of curiosity, nagpunta ako sa harap ng pinto nila at kumatok ng dahan-dahan para na rin masabihan. After five minutes hindi parin bumubukas ang pinto, baka hindi nila ako narinig. Kumatok ako ulit, this time mas malakas na. Nang bumukas ang pinto, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

HALA.

EXO?!

Si Tao ang nagbukas ng pinto! Biglang nanlaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Is this real or am I just dreaming?!

"Hyung, thino siya?" narinig kong tanong ni Sehun. Hala! Si Sese!

Pero teka lang... Tama ba yung narinig ko? Nag-Tagalog siya? Goodness gracious.

"Heol," ang tangi kong nasabi bago nagdilim ang buong paligid.

My Boys Next Door (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon