Bahay ni Oppa

7 0 0
                                    


Bahay ni Oppa

Nagising ako sa isang hindi familiar na bed, in-scan ko yung paligid, hindi din familiar yung room. Naalala ko bago ako mawalan ng malay, nakita ko ang EXO? Baka nananaginip lang ako. Pero wait lang, nagising ako sa isang unfamiliar bed, na nasa unfamiliar room, tapos yung sa EXO...

Nang mag-sink in ang lahat, bigla ko nalang nasabing...

"Nasaan ako?!" to no one in particular. Nagulat naman ako nang may biglang nagsalita.

"Gising ka na pala," sabi ni Suho. Wait, si SUHO?!

Nanlaki ang mga mata ko ng isa-isang pumasok ang mga members ng EXO at pumalibot sa kama. Lalo namang nanlaki ang mata ko nang tumabi sa akin si Baekhyun at tinitigan ako. Ano ba 'yan, nagba-blush na tuloy ako!

"Omo. Gwiyeo!" sabi ni Baekhyun.

"Hoy Baek, umalis ka nga dyan. Ako dyan!" sabi ni Chanyeol at tumabi sa akin.

"Chanyeol-imnida!" sabi nya sabay ngiti from ear to ear. Aww...

"H-Hi..."

"Hey, tumigil nga kayong dalawa. Tinatakot nyo siya eh!" sabi naman ni Suho.

"Wait, marunong kayong mag-Tagalog?" tanong ko.

"Opo," sagot ni Lay.

"Diba nga narinig mo na kaming nag-uusap using Tagalog kanina?" sabi ni Chen.

"At dahil nalaman mo ang tungkol doon, kailangan ka naming kauthapin," sabi ni Thehun este Sehun.

"O-Okay..." medyo kinakabahan kong sagot. Hello, sino bang hindi kakabahan kung kaharap mo na ang mga pinapangarap mo. Hello again, EXO to eh. EXO!

"Wag ka ng kabahan sa amin, wala kaming gagawing masama sayo," sabi ni Luhan.

"Pero kung gusto mong may mangyari, nandito lang naman ako eh. Just call me baby." Kumindat si Kai.

"Hoy Jongin, tigilan mo nga yan!" Binatukan ni DO si Kai. I suddenly giggled because of that.

"Aww... ang cute naman, Noona!" sabi ni Tao at lumapit sakin at pinisil ang magkabilang cheeks ko. Automatic na lumaki ang eyes ko.

"Kawawa naman cheeks niya," saway ni Lay. "By the way, ano palang name mo?"

"Y/n."

"Korean ka?" tanong naman ni Xiumin.

"Half, pero hindi ako nakaka-understand ng Korean. By words lang."

"Okay, back to the topic. Wag mong ipagthathabi yung narinig mo ah?" sabi ni Sehun.

"Thure- ah, eh, sure."

"Yehet!"

"At dahil sa incident na ito, para mapanatiling safe ang aming secret, napag-usapan na naming lahat na..." panimula ni Suho.

"Dito ka na titira!" - EXO

"What?!"

"Hoy, 'di narinig. Isa pa!" utos ni Chen.

"Dito kana titira! Diba masaya yun?" pag-ulit ni Chanyeol.

"Bakit, ayaw mo ba?" Nag-pout si Baekhyun.

"Gusto syempre!" Nanlaki lalo ang mga eyes ko when I realized what I just said. Baka isipin nilang opportunist ako! "I-I m-mean, diba parang it's so sudden lang? Kakakilala nyo palang sakin eh."

"Hindi, okay lang!" Tumango si Tao sa iba pang members.

"Oo nga, mukhang harmless ka naman eh. Besides you're the one who needs to worry kasi all boys dito," sabi ni Xiumin.

"Pero sa kabilang house lang naman ako nakatira."

"Edi ililipat namin gamit mo dito!" - EXO

"Talaga, okay lang?" tanong ko with twinkling eyes, lumalabas na ang fangirl side ko!

"Oo naman!" - EXO

"Kyah! Papuri sa Panginoon!" hindi ko na napigilan ang pagfa-fangirl ko at napatalon na ako. "Ay sorry, happy lang!"

That night, tinulungan na nila akong maglipat ng gamit. Doon ako magi-stay sa isang vacant room nila, pero every weekend doon ako sa own house ko. Pagkatapos, nagpahinga na kaming lahat. Hay, it's been a long day!

DREAM COME TRUE!

My Boys Next Door (EXO)Where stories live. Discover now