Kabanata 31

131 10 1
                                    


Ang taong pinakaayaw kong makita sa lahat, narito sa aking harapan habang malamig na nakatitig sa akin.

"So you're still working here huh?"  Walang pinagbago, wala parin siyang emosyon gaya noon, ang pinagkaiba nga lamang ay hindi na siya matamis na ngumingiti tuwing nakikita ako.

"Opo senyorito pero huwag po kayong mag alala, narito po ako upang magtrabaho at hindi para manggulo" nakayukong sabi ko dito.

"Just make sure you won't make any mess here I can easily kick you out"

"DADDY!!!"

"Cronnel careful"

Napatingin ako sa banda na pinagmumulan ng ingay at doon ko nakita ang isang bata na tila kasing laki lamang ni Maliah, kamukhang kamukha ito ni Clifford, hindi maipagkakailang ito ang kaniyang anak. Dama ko ang kirot ng aking puso dahil sa nakikita, akala ko ay masakit na noong nalaman ko mas masakit pala kapag harap harapan ko mismo nasasaksihan. Sa tabi naman ng batang lalaki ay isang binata na may katangkaran, gaya ni Clifford ay walang emosyon itong naglalakad, ito siguro ang isa pa nilang anak na tinutukoy noon,  nakuha nito ang ganda ng kaniyang Ina ngunit sa tindig at pagiging malamig ay namana niya sigurado kay Clifford.

"Daddy, mommy told us na she's going to mall po muna can you tell her to buy me robots and lots of chocolate?" Magiliw na saad ng bata sa kaniyang ama, agad naman itong niyukuan ni Clifford at binigyan ng matamis na ngiti

"Cronnel you can't eat lots of chocolate masisira ang ngipin mo, didn't your mom told you that already?" Malambing nitong tanong sa anak, kung naging ama kaya siya kay Maliah ganiyan din kaya ang kaniyang pakikitungo? Mamahalin din kaya niya ang anak ko kung sakaling nabigyan ako ng pagkakataong maipakilala ito sa kaniya?

"I keep telling him dad but he doesn't listen to me" ani ng binatang anak ni Clifford

Dahil pakiramdam ko ay hindi naman ako kailangan doon at nakakahiya din namang maglinis habang naroon sila ay naglakad na lamang ako paalis

"Hey maid where are you going?"

Saan daw ako pupunta?

"Maglilinis po ako senyorito sa ibang parte ng bahay, bakit po may kailangan po ba kayo"

"Tomorrow, I want you to come with my family , Gio and my men are going to tour them in the island, assist my wife and help her with the kids" wife, asawa, hindi maiwasang kumirot ng aking puso

Ako dapat iyon eh

"Ah kasi senyorito ako po kasi ang mamamalengke bukas kung gusto niyo po ay si Clemente na lamang po ang inyong isama sasabihan ko po siya agad" tarantang saad ko dito

"If I told you that you'll come with us that means you'll come with us, you're a maid here so you don't have the right to disagree"

Napahiya ako sa kaniyang sinabi, oo nga naman, sino ba ako para tumanggi sa utos niya? Isa lamang akong katulong, wala na siyang nararamdaman para sa akin gaya ng dati, tuluyan na nga niya akong kinalimutan.

"Sige po senyorito pasensya na po" agad akong umalis sa pwestong kinatatayuan ko matapos kong sabihin iyon, ayaw kong madagdagan pa ang masasakit na salitang madidinig ko sa kaniya

Napakadaya mo Clifford, nangako ka sakin na papakasalan mo ako, na mamahalin mo ako habang buhay pero anong ginawa mo? Harap harapan mo pang pinakita sa akin ang pamilya mo habang ako ay hindi parin makalimot, napakadaya talaga ng tadhana.

Noong sumapit ang alas 3 ng hapon ay umuwi na ako kahit ala 7 pa dapat sapagkat ayaw ko munang magtagal pa dito, isa pa ay gusto kong makita si Maliah sapagkat sa tuwing naiisip ko kung paano arugain ni Clifford ang kaniyang mga anak ay nakakaramdam ako ng awa sa aking anak dahil hindi niya naranasan ang mga nararanasan ng kaniyang mga kapatid.

The Mafia's Mermaid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon