Kabanata 10

296 16 1
                                    


Azulan POV

Noong nakaraang araw ay akala ko maaari na akong muling manirahan sa dagat at hanapin ang daan pabalik patungo sa aking kaharian ngunit noong lalangoy na ako palayo ay biglang umilaw ang aking dibdib at bumalik ang aking mga paa, naging isa ako muling mortal

Habang malalim ang iniisip ay naramdaman kung may kumalabit sa akin "beshy anong iniisip mo?ok kalang ba?"

"Nalulungkot lang ako Janna sapagkat akala ko ay maaari ko ng mahanap ang daan pabalik sa aming kaharian ngunit hindi pa pala, noong muli kong masilayan ang aking buntot ay lubusan akong umasa na makikita ko na muli ang aking pamilya" sunod sunod ang pagdaloy ng mga luha mula sa aking mata. Naramdaman ko naman ang pagyakap sa akin ni Janna ng mahigpit na tila ba sinasabi niyang magiging maayos lang ang lahat

"Wag kang mag-alala nandito kami ni kuya pamilya mo kami tsaka si bossing Clifford halata naman na mahal ka non eh"

Tumingin ako kay Janna at umiling "mahal niya ba akong tunay?paano niya mararamdaman iyon gayong napaka ikli pa ng panahon na kami'y nagkakasama"

Kita ko ang pagkunot ng noo nito at sabay hawak sa aking balikat "sa tingin mo ba mag aalala siya ng ganon at gagastusan ka ng malaki para gumaling kung hindi ka niya mahal?siguro nga kung hingin mo ang mga kompanya niya ibibigay niya eh, try mo nga beh para mayaman na tayo"

Bago pa siya muling makapagsalita ay binatukan na siya ni Kuya Jeff na kadarating lamang

"Aray kuya ha mahal na mahal mo talaga ako" inis na saad ni Janna

"Ikaw kasi eh kung ano-anong tinuturo mo kay Azulan tuturuan mo pang maging balasubas na gaya mo" sagot naman ni kuya habang abala sa kanyang ginagawa

Napakamot na lamang si Janna ng kanyang ulo "Eh kasi kuya itong si Azulan ayaw maniwala na deds na deds aa kanya si poging bossing"

"Hindi ako palagi sang ayon sa kapatid ko pero ngayon sigurado ako nagsasabi siya ng totoo, kita at ramdam ko Azulan mahal ka ni boss Clifford" kita ko ang pagkaseryoso sa mukha ni kuya habang sinasabi ang mga linyang iyon

Sabihin na nating tunay ngang ako'y kanyang iniibig ngunit anong patutunguhan nito? magkaiba kami ng pinagmulan dadating ang araw na lilisanin ko ang mundong ito upang bumalik sa aking kinalakhan, masasaktan ko lamang siya, magkaiba kaming uri ng nilalang kaya't dapat habang hindi pa ito sobrang lalim ay tabunan ko na

"Hindi, hindi niya ako pwedeng mahalin at ganoon din ako sa kanya" nakangiti ngunit puno ng lungkot na saad ko, kahit nararamdaman ko aa aking puso na may nabubuong kakaibang damdamin kailangan ko itong pigilin

"And why is that?" Bigla akong nabigla sa napakalamig na boses na nagmumula sa pintuan

"Oh boss ano pong ginagawa niyo dito?may iuutos po ba kayo?" Tarantang tanong ni kuya Jeff kay Clifford ngunit hindi siya nito pinansin

Lumapit ito sa akin at agad akong hinila, hindi ko alam kung saan siya patutungo

"Sandali saan mo ako dadalahin? kailangan ako ni Janna at Kuya sa bahay" sinubukan ko pang tanggalin ang pagkakakapit niya sa aking kamay ngunit napakahigpit nito.

Maya maya pa ay nakarating kami sa tabi ng dagat, ito ang lugar kung saan ako dinala nina Janna at kung saan tumugon ako sa kanyang halik, bigla akong nakaramdam ng hiya noong bumalik ang tagpo na iyon sa aking alaala. Muli niya akong hinila sa kubo na malapit roon

"Ngayon sabihin mo sa akin kung bakit?" Mababakas ang galit sa kanyang boses

"Anong bakit?"

"Bakit hindi kita pwedeng mahalin?bakit hindi mo ako pwedeng mahalin?" Bulong nito sa aking tenga habang napakalapit ng mukha sa akin

"Kung bakit ay sa akin na lamang iyon basta ang alam ko walang patutunguhan ang nararamdaman mo para sakin" habang sinasabi ko ang linyang iyon ay parang may pumipiga sa aking puso, hindi ko alam kung bakit ni minsan ay hindi ko pa ito naramdaman

"Sa tingin mo papayag ako?akin ka Azulan, simula ng tumuntong ka sa isla na ito akin kana kaya kahit anong ayaw mo mamahalin mo rin ako, hindi ka makakatakas sakin" malakas na pagkakasabi nito

"Walang nagmamay ari sa akin Clifford" sinubukan kong lumayo sa kanya ngunit hinapit niya ang aking bewang, mas lalo lamang naglapit ang aming katawan. Matiim itong nakatitig sa akin sabay haplos sa aking mukha

"You're mine love ako ang nagnanay ari sayo, kahit anong takbo mo mahahabol parin kita" pagkasabi niya ng linyang iyon ay buong lakas ko siyang tinulak

Kita ko ang pagdaan ng sakit sa kanyang mata ngunit panandalian lamang iyon napalitan din agad ng malamig na tingin

"Hindi mo ako lubusan kilala, kapag nalaman mo lahat ng tungkol sa akin ay siguradong mawawala din iyang sinasabi mong nararamdaman para sa akin, hindi ako ang para sayo, magkaibang magkaiba tayo kahit saang anggulo tingnan"

Tila hindi nito nagustuhan ang aking sinabi sapagkat umiigting ang kanyang panga at matalim na nakatingin sa akin

"When I said I love you I'm dead serious, how dare you say those words like my feelings is only a simple crush" saad nito na hindi ko naman naintindihan

"Ano ang iyong sina-" hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng bigla niya akong halikan, ibang klase ng paghalik ito kumpara sa mga nauna, marahas ito na tila pinaparusahan ako, sinubukan kong magpumiglas ngunit wala iyong magawa dahil sa isa na lamang akong mortal

Labis ang aking kaba ng maramdamang bumababa sa aking leeg ang kanyang mga halik kaya't mas lalo akong nagpumiglas, hindi ito maaari

"Bitawan mo ako Clifford pakiusap" umiiyak na pakiusap ko ngunit hindi ito nakinig patuloy parin ito sa kanyang ginagawa. Kahit anong pakiusap ko ay tila bingi ito

"Parang awa mo na wag mong gawin ito" patuloy lamang sa pag agos ang aking mga luha habang nagmamakaawa, bigla itong napatigil sa ginagawa at tila bumalik sa kanyang katinuan

"F*ck I'm sorry love patawad hindi ko sinasadya I'm sorry" kita kong may luhang tumulo mula sa kanyang mga mata ngunut umiling iling lamang ako sabay takbo palabas, malayo sa kanya

Nasasaktan ako, hindi ko alam kung dahil ba sa ginawa niya o dahil sa katotohanang kahit may nararamdaman ako sa kanya ay hindi pwede.

Hindi ko alam kung kailan ngunit alam kong darating ang araw babalik ang tunay na ako, lilisanin ko ang mundong natutunan ko ng yakapin sapagkat hindi ako dito nabibilang. Isa akong sirena at lahat ng nakapalibot sa akin ngayon ay mortal, kahit anong pilit ko ay hindi kami magkatulad

************************************
Follow niyo po ako mga bieh🥰 enjoy reading po!!

The Mafia's Mermaid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon