Kabanata 11

586 26 0
                                    


Azulan POV

Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa nangyari kahapon, ngunit kahit ganoon ay kailangan kong bumangon ng maaga para sa trabaho namin ni Janna. Hindi ko alam kung paano siya haharapin o baka umiwas nalang ako

"Azulan ano?ready kana?" Tanong ni Janna habang nag aayos ng damit

"Oo maaari na tayong umalis at baka mahuli na tayo"

Pagkarating sa mansion ni Clifford ay inumpisahan na namin ang paglilinis. Hindi gaya noon ay napapansin kong halos hindi matanggal ang tingin sa akin ng mga lalaking naka itim

"Ano pong inyong kailangan" nagtataka na kasi ako na kanina pa sila nakatingin baka may nais silang sabihin o iutos

"Wala po ma'am wag niyo po kaming pansinin" napakunot ang noo sa kanyang sinabi ngunit hindi ko na lakang ito inisip at nagpatuloy sa paglilinis

Sa kalagitnaan ng aking ginagawa ay biglang dumating si Clifford, habang naglalakad siya ay nadarama ang ko ang bilis ng tibok ng aking puso. Papalapit na siya ng papalapit sa akin at noong nasa harap ko na siya ay yumuko ako tanda ng pag galang ngunit ganoon na lamang ang aking pagkadismaya ng nilampasan niya lamang ako, walang ni isang salita o kahit tango man lamang.

Napahawak ako sa aking dibdib ng maramdaman Kong tila may kumukurot dito, nasasaktan ako at ako mismo sa aking sarili ay alam ang dahilan kung bakit. 'Hindi ba't ikaw ang may gusto nito?ang layuan ka niya dahil hindi kayo magkatulad kaya't anong kinasasakit mo riyan Azulan'. Napangiti ako ng mapait, marahil ay sinunod nga niya ang aking nais. Mabuti na rin yon para sa kanya.

"Beshy ok kalang ba diyan?kanina pa kita tinatawag pero tulala ka lang" bulyaw ni janna na siyang nakapagpabalik sa akin sa reyalidad

Ngumiti ako dito sabay kinuha muli ang panlinis na nabitawan ko kanina "ayos lang ako Janna wag kang mag alala"

"Eh kasi baka mamaya di ka pala ok tapos biglang lumabas buntot mo diyan edi lagot na tayo" saad ni Janna habang tinutulungan na ako sa aking ginagawa

"Bilisan na natin para makakain na tayo"

Matapos naming maglinis ay nananghalian na kami, lubos naman anong nagtataka kung bakit kaiba naman ang aming pagkain kumpara sa ibang trabahador, mukhang mas masarap at mas marami ang amin ni Janna

"Yan talagang bebeloves mo kahit may pag iwas na peg hindi ka parin matiis eh" hinampas pa ako nito sa balikat matapos sabihin ang mga katagang iyon

"Bebelabs?peg?anong ibig sabihin non?"

"Bebelabs, ah ano, ibig sabihin niyan amo kumbaga tawag sa taong nagpapasahod sa satin kaya dapat ang tawag mo kay boss Clifford ay bebeloves" sagot nito sa aking katanungan na lalong mas nagpalito sa akin

"Bakit tila wala naman akong nadidinig rito na tumatawag ng bebeloves sa amo nating si Clifford?" Pilit kong inaalala ngunit wala talaga

"Meron beshy yung mga tauhan niya sa ibang lugar ganoon ang tawag sa kanya kasi diba mayaman siya kaya madami din siyang Mansion sa iba't- ibang lugar" patuloy na pangungumbinsi niya sa akin

Lumapit pa si Janna sa akin at bumulong "mas marespeto ang tawag na bebeloves kasi ibig sabihin non ay lubusan mong ginagalang ang isang tao" napatango naman ako sa kanyang sinabi

"Sige sa susunod na makausap ko siya ay iyon ang itatawag ko sa kanya" kita ko naman ang mas lalo pang pagliwanag ng kanyang mukha sa aking sinabi

"Tama yan beshy power" sabay danggil ng kanyang bewang sa akin

"Sa mga susunod na araw na wala tayong trabaho ay maaari bang turuan mo ako ng inyong mga salita ng sa ganoon ay nauunawan ko kayong lahat?" Tumingin si Janna sa akin matapos kong sabihin iyon at mababakas sa mukha niya ang ngiti na para bang wala ng bukas

"Syempre naman beshy tururuan kita kahit ano pang salita Yan" ngumiti ako sa kanyang sinabi at tumango habang siya naman ay panay ang tawa. Ano bang nakakatawa at tila ba napakasaya niya?

Janna POV

Ito talagang si beshy ko kung masamang tao ang kausap niya ay mabebenta siya ng wala sa oras. Kailangan ko na talagang turuan to ng mga salita at gawi ng mga tao para hindi maloloko ng iba. Pero syempre mga guys yung pagtuturo ko may halong pagkakupido, ito kasing si beshy ko eh ayaw pasayahin at bigyan ng chance ang sarili na mainlove kaya ako na gagawa ng paraan for her and boss Clifford. Kasi diba kapag naging sila sasaya na beshy ko dadami pa foods namin sa bahay mindset ba mindset

"Huuuyyy kayong dalawa diyan nagchichismisan lang kayo bilisan niyo nga diyan parang di kayo sinuswelduhan ah" ito talagang si matandang balyena kagandang tanghali naninigaw eh nag lilinis naman kami masyadong OA.

"Oo na po madam gagawa na po" mapang asar kung sabi sabay pispis ng sahig habang nakatingin sa kanya, inirapan naman ako ng bruha hmmmpp tanggalin ko yang mata mo eh

"Kay tapang talaga ng matandang iyon wala naman tayong ginagawang masama sa kanya" kita ko sa mukha ni Azulan ang pagkaasar, abay sino ba namang hindi? naglilinis naman kami sasabihin walang ginagawa

"Hayaan mo na yon wala kasing love life kaya g na g palagi"

"Love life?ano yon?" Hayssttt oo nga pala itong babaitang ito galing sa ilalim ng dagat

"Love life ibig Sabihin buhay pag-ibig" paliwanag ko dito, kita kong kumunot ang kanyang noo

"Eh diba wala ka din naman non Janna?buti at hindi ka natulad sa kanya"

Aba't gago to ah masyadong pinamumukha sa akin na single ako palibhasa may umiirog sa kanya edi sana all bieh

Azulan POV

Narito ako ngayon sa tapat ng kwarto ni Clifford, inutusan kasi ako nong matandang balyena na tawagin siya para sa pagkain, nagalit kasi siya noong nakita kami ni Janna na nagtatawanan sa baba hayyysstt sana makahanap siya ng para sa kanya para naman sumaya ang kanyang buhay

Kumatok ako sa kwarto ngunit walang sumasagot, kumatok ako muli ngunit wala parin hanggang sa nakailang ulit na ako pero wala talagang nagbubukas. Sinubukan ko itong buksan at nagtagumpay naman ako. Pumasok ako sa silid na halos lahat ay itim at puti lamang ang makikitang kulay. Habang naglilibot sa kwarto ay biglang bumukas ang isa pang pinto at doon lumabas si Clifford ng nakahubad at tanging baba lamang ang may takip kaya't agad akong napatalikod

"Pasensya na po sa aking pagpasok rito pinapatawag po kayo ni manang upang makakain na daw" hindi ako komportable na nasa loob ng kanyang silid, napakabilis ng tibok ng aking puso

"Susunod ako makakalabas ka na" iyon lamang ang kanyang sinabi at hindi na muling nagsalita.

"Sige po pasensya na ulit" yumuko ako sa harap nito at bagsak balikat na umalis ng silid.

Ayusin mo ang iyong sarili Azulan, ito ang gusto mo, ang layuan ka niya kaya't hayaan mo na lamang siya hindi ka dapat masaktan, itigil mo na ang nararamdaman mo hindi iyan mabuti.

*********************************
Follow me po💕 enjoy reading 🥰

Mafia Series 1: The Mafia's Mermaid Where stories live. Discover now