Kabanata 20

193 9 0
                                    


Azulan POV

Dalawang araw na mula noong nangyari ang gulo, dalawang araw narin mula noong iwasan ako ni Clifford, gustong gusto ko siyang makausap ngunit natatakot ako sa posibleng kanyang maging sagot sa akin. Galit siya, mababakas yon sa kanyang pakikitungo sa akin at sa totoo lang nasasaktan ako, na baka gaya ng aking iniisip ay hindi na niya Talaga nais ang isang tulad ko.

Wala na ako ngayon sa bahay ni Clifford, mas pinili ko na lamang sumama kina Janna pauwi sapagkat hindi ako kumportable na manirahan sa mansyon gayong hindi naman ako kinakausap ng may ari

"Azulan ayos kalang ba?kanina kapa tulala" tanong ng kadarating lamang na si Kuya Jeff, nginitian ko ito at tinanguan

"Maayos lamang ako kuya Jeff, salamat sa pag aalala" sagot ko dito

"Basta kapag may kailangan ka tumawag ka lang nandoon lang kami sa baba ni Janna" saad nito na agad ko namang ikinatango

"salamat ulit" nakangiti kong sabi na sinuklian din niya ng ngiti bago nilisan ang aking silid

Hindi pa nagtatagal mula noong umalis si Kuya Jeff sa aking silid ay nadinig ko ang sigaw ni Janna

"Beshywaps halika sa baba may delivery for you" sigaw nito

Delivery?ano ang bagay na iyon?tanging paanyaya niya lamang pababa ang aking naunawaan kaya't sinunod ko na lamang ito

Pagkarating ko sa baba ay sumalubong sa akin ang napakaraming pagkain, sandali,may pagtitipon bang gaganapin ngayon?mayroon bang mga magiging bisita?bakit napakarami naman nito

"Janna may paparating bang mga bisita? kailangan mo ba ang tulong ko sa mga gawain?" Tanong ko dito

Lumapit ito sa akin habang umiiling tanda ng di pagsang ayon sa aking sinabi "walang bisita ngayon, iyan lahat ng pagkaing nakikita mo padala yan ng bebeloves-este ng amo natin na si Boss Clifford, dinala yan ng mga tauhan niya tapos umalis din agad sabi ko sayo eh mahal ka non isip isip kapa diyan"

Napangiti ako sa kanyang tinuran sapagkat may posibilidad na tanggap niya ang aking uri, na mahal niya parin ako kahit na ako ay naiiba. Nagagalak ang aking puso na malamang iniisip niya parin ang aking kapakanan kahit tila galit siya

"Uyyy si beshywaps todo ngiti kinikilig siya oh dalaga na siya" tuwang tuwa na sabi ni Janna habang sinusundot ang aking tagiliran, marahil ay Hindi na naman ito nakainom ng gamot gaya ng palaging sinasabi ni kuya Jeff, baliw daw kasi ito minsan kaya kailangang maagapan, napailing na lamang ako, kawawa naman di Janna

"Bakit todo iling ka diyan? kinikilig ka naman talaga eh" saad nito sa akin habang nag uumpisa ng kainin ang mga pagkaing pinadala sa akin, Hindi ko tuloy mawari kung tunay bang sa akin pinadala ang mga pagkain o sa kanya, pakiramdam ko ngayon kung hindi pa kami kakain ni kuya Jeff ay uubusan kami ni Janna

"Ano ba kasi ang kinikilig na iyan?" Tanong ko rito sapagkat tunay namang Hindi ko iyon alam

"Kinikilig, iyon bang bumibilis ang tibok ng puso mo tapos parang may nagwawala sa tiyan mo tapos parang nangingiti ka sa sobrang saya dahil sa isang tao, parang ako laging kinikilig kay Gio pero syempre diko pinapahalata noh" mahabang paliwanag nito, ito talagang si Janna napakaraming alam, napakatalino niya sa ganitong bagay, buti na lamang wala dito si Gio kung hindi ay nakakahiya si Janna

Tinawag ko na si Kuya Jeff na nasa labas para makakain na kami ng sabay sabay at para rin di maubusan ni Janna

"Oh Azulan bakit ang bilis bilis mo atang kumain ngayon?baka maluugan ka" sabi ni Kuya Jeff sa akin, napansin nito ang pagmamadali kong kumain, napagdesisyonan ko kasi na magtungo ngayon sa mansyon upang kausapin si Clifford, nais kong maklaro ang lahat sa pagitan naming dalawa

The Mafia's Mermaid Where stories live. Discover now