1 - The School

30.6K 673 29
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

xoxo, shadesofblue.

**

Ashley's POV

Bwisit na lalaki yun ituturo din naman pala, hindi nalang sinabi agad kung nasaan ang Principal's Office nasayang pa laway ko! Nang marating ko yung office, padabog akong kumatok. Nakakabadtrip talaga! Bakit kasi hindi umaayon sa plano ko ang mga bagay. Sobrang nakakairita!


"Come in!" Rinig kong sabi ng tao sa loob kaya naman pinihit ko kaagad ang doorknob para mabuksan ang pintuan.


"Ang tagal mo, psh." Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses na yun, hindi ko pa man nabubuksan ng buo ang pinto naramdaman kong may binato sa diireksyon ko kaya agad akong umatras para hindi ako tamaan ng kung anong bagay na yun. Narinig ko ang paglubog ng bagay na yun sa pinto kaya binuksan ko ulit ito at mabilis na hinanap ng mata ko ang tao sa loob at agad akong nagbato ng kunai sa direksyon niya.

Mabilis kong kinuha ang kunai na tumama sa pinto dahil sa pagsara ko rito kanina. Nagbackflip ako papunta sa table niya at tumuntong duon sabay itinapat ang kunai na kinuha ko sa pintuan sa dibdib niya, "You lose. Again." Sabi ko na may kasama pang sarcastic na ngiti.


"Hanggang ngayon ba naman?! Putragis na yan." Sabi niya at kinuha ang kunai mula sa kamay ko.


"Ashley get down from there!" Galit na sabi ni Papa mula sa pintuan.


"Kasalanan mo to." Sabi ko sa kanya tapos inirapan siya. Tumalon naman ako pababa mula sa lamesa niya.


"Oh, no need to worry sir. It's okay, besides we know each for a long time already. Right?" Sabi niya at pinataas baba pa ang kilay para maasar ako lalo. Hindi na talaga nakakatuwa!


"Chinji mae." Walang ganang sabi ko. (Chinji mae - Go to hell). "Wag ka ngang magpacute may kasalanan ka pa sakin. Hindi ko pa nakakalimutan iyon." Pagpapatuloy ko pa.


"So since you both know each other, we're going now. Just inform her of her what she needs to do okay?" Sabi ni Papa sa kanya. Bakit nila ako iiwan dito?!


"Bye baby—" sinamaan ko nang tingin si Mama. "Ah—hehe, sige bye anak. I'll miss you talaga." Pagdadrama niya pa.


"Ma, yung car ah." Bulong ko sa kanya.


"Yes anak ihahatid na lang daw sa bahay mo." Bulong niya pabalik sakin at kumindat pa. Buti nalang andyan siya palagi para sa akin. Alam talaga ni Mama kung ano ang magpapalubag ng loob ko. Sabagay, pinatapon na nga nila ako dito tapos pagdadamutan pa ako ng bagong kotse?


"Yes! Thanks Ma." Masayang tugon ko. Tapos niyakap ko siya at nagpaalam na sa kanila ni Papa.


"Hoy ikaw lalaki!" Sigaw ko nang makalabas na sila sa Office. Humarap sa direksyon niya itinuro pa ang mukha niya. "Ikaw ang Principal sa school ko? Ugh! This can't be happening. Maayos ba ang pagpapalakad mo dito ha Jansen?" Tuloy tuloy na sabi ko at umupo sa may couch na nasa gitna ng opisina niya.


"Oo naman no! Grabe ka talaga magsalita. O s'ya, isa lang naman ang rule dito eh." Cool, 'di na ako mag-aabala pang magkabisa ng kung anu-ano.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 07, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Cold Merciless Queen [ On-going ]Where stories live. Discover now