Chapter 12: New Hero?

Bắt đầu từ đầu
                                    

"Tara Tim. Tingnan natin."

Sasabihin ko sanang 'wag na' kaso hinatak niya naman agad ako palapit dun sa bulletin.

Dahil hindi talaga ako mahilig sa pakikipag siksikan, hinayaan ko na lang si Kath na siya na lang ang tumingin kung ano man ang pinagkaka gulohan ng mga estudyante.

"Psh. About lang pala sa camping." Binalot na naman ako ng kaba. Eh! Tuwing naririnig ko yung salitang 'camping' parang binubuhosan ako ng malamig na tubig.

"Ano naman daw?" Walang gana kong tanong.

"So ayun nga, dapat daw mga 5:30 am bukas nandito na tayo sa school. Para saktong 6:00 am ay maka'alis na tayong lahat. At kailangan na nating ipasa tong waver kay Maam."

"Ang aga naman ng 5:30 am. Sure akong hindi pa tayo makaka alis ng 6:00 am. Mga 8 am siguro."

Tumaas naman kilay niya saka na tawa.

"At bakit naman?"

"Hello? Remember? Philippines time." Sinink niya muna sa isip niya yung sinabi ko saka na tawa.

"Nga naman no? Hahaha! Basta halika na. Punta na tayong faculty room. Ipasa na natin to."

"Bakit hindi na lang natin hintayin si Maam sa classroom? Total papasok rin------------"

"No need na Tim. Di na tayo papasok today kasi dineclare na ring walang klase." Masaya niyang sabi.

"Huh? Bakit naman?"

So ano yun? Nag punta lang kami dito para sa waver na yun? Tss!

"Anong bakit naman? Ayaw mo nun? May time pa tayo para mag ready." Na eexcite niyang sabi sabay hila sakin papuntang faculty room.

Bawat classroom na madada'anan namin halata sa mga boses ng mga estudyante ang sobrang pagka excite. Samantalang ako, nagdadasal na sana wag na lang matuloy.

At dahil sa faculty room nga kami papunta ngayon, syempre dadaanan namin ang soccer field.

At pag dumaan kami sa soccer field, it means madadaanan rin namin sina Troye.

Hindi pa man kami nakakalapit ng husto sa soccer field, kitang-kita ko na si Troye na tawang-tawang kasama sina Lucas at Reid pati na rin yung apat niya pang ka team mates sa baskteball.

Mukhang masaya yung pinag kwe'kwentohan nila ah?

Sabi ko kay Kath na dire-diretsyo lang kami ng lakad dahil ayokong makita ako ni Troye.

Kaso nga lang, sadyang malikot lang talaga yung mata nitong pinsan ko kaya agad niya kaming napansin kahit di pa man kami tuloyang nakaka daan sa pwesto nila.

"Oh Pinsan! Ipapasa niyo na ba yung waver niyo?"

Pinilit kong di tumingin kay Troye baka mamula na naman ako sa sobrang kilig. Tsaka nahihiya talaga ako sa kanya.

"Oo. Kayo? Pinasa niyo na ba yung sa inyo?" At dahil sa tanong kong yun, napa lingon na rin ako kay Troye.

Agad naman siyang ngumiti sakin kaya napa takip agad ako sa labi ko.

"Sige guys. Una na kami. Bye!" Dali-dali kong sabi sabay hatak na kay Kath.

"Parang kakaiba ngayon si Tim. May nangyari ba kahapon Troye?"

Halos manlaki na ng sobra-sobra yung mata ko sa narinig kong tanong ni Reid.

Naman kasi! Bakit ko pa kasi kailangang marinig yun.

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ