Chapter 32: Gang

10.1K 342 64
                                    

A/N: Sobrang sama talaga ng pakiramdam ko kahapon but okey naman na ko ngayon. So ito na nga, hindi ko alam kung bakit ko to agad in'update kahit hindi pa ko sure kung magulo ba to o ano. Hahaha!

Anyway, humihina ata ang comments niyo. Hahaha! Pansin ko lang. Btw, mag a'update agad ako mamayang gabi pag umabot to agad sa 20 reads. Alam na this. Hahaha! Sarreh! Osya! Ito na talaga. Enjoy. :-)








🔹🔸🔹🔸

Someone's POV.

"Hoy Jerel! Asan na sina Cj? Kamusta na yung pinapagawa ko sa kanila?"

Inis na tanong ko agad kay Jerel ng siya lang ang maabutan ko dito sa hide out namin.

"Papunta na daw sila kaya relax ka lang jan." Sagot naman niya habang busy sa cellphone niya.


"P*ta! Ang tagal naman nila?! Kagabi ko pa pinagawa sa kanila yun ah?!"

"Relax ka lang kasi. Sigurado akong pag balik nila dito may magandang balita na sila sayo."

"Abay dapat lang! Siguradohin lang nila na alam na nila ang buong pagkatao nung Troye Walden na yun. Peste yun! Mapapatay ko talaga yun!"


Napa kuyom na lang ako sa kamao ko ng maalala ko na naman yung nangyari kagabi. Peste yun! Patay na sana yun kung hindi niya lang na agaw yung patalim ko. Pero sisiguradohin ko ngayon, sa oras na malaman ko kung sino ka ba Troye Walden, saka ko pa lang pag iisipan kong anong magandang parusa ang ibibigay ko sayo. Kung papahirapan ba kita bago kita patayin o ang pahirapan ko muna yung babae mo?! Wooaah! Mukhang exciting to ah?!

"Oh! Ayan na pala sina Cj oh."


Agad kong nilingon sina si Cj na halata sa mga mukha nila na hindi sila nasisiyahan sa mga mangyayari.



"Oh! Bakit ba ngayon lang kayo? Nahirapan ba kayong makahanap ng impormasyon sa gagong yun?"

Nag tinginan silang tatlo bago muling tumingin sakin.

"Ang totoo nyan, sobrang dali lang maka hanap ng impormasyon tungkol kay Troye." Sabat ni Jc. Kapatid yan ni Cj kaya binaliktad lang ang mga pangalan nila. Tch!

"Madali lang naman pala eh. Oh bakit kayo na tagalan?" Irita kong tanong sa kanilang tatlo.

"Madali lang ma background check si Troye Walden dahil nagmula siya sa kilalang pamilya. Isa sa mga pinaka mayaman ang kanilang pamilya sa buong Pilipinas. Sikat siya sa kanilang skwelahan dahil siya ang basketball captain ng kanilang team. Maraming taga hanga. At............."


Kumunot ang noo ko sa ginawang hindi pag patuloy ni Marlon sa sinasabi niya.


"At ano? Pabitin ka pa eh!" Sigaw ko sa kanya.


"Dati silang magka grupo ni Harvey."


"ANO?"


"Si Troye ang dating leader ng kanilang gang noon. Hindi ito alam ng karamihan dahil matagal nang iniwan ni Troye ang grupo nila dahil sa isang babae."


Putek! Kaya naman pala mabilis ang isang yun. May nakaraan pala sa pagiging katulad namin.


"Yung babaeng sinasabi mo ba ay yung babaeng kasama niya kagabi?"

"Hindi siya yun. Sa nalaman namin, bago pa lang si Troye at yung babae kagabi."


"Oh ano pa? Ano pang nalaman niyo sa gagong yun?" Inip kong tanong.

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Where stories live. Discover now