Chapter 3: Dinner

15.7K 521 48
                                    

TIMMY ALLISON POV.

"GO TROYE!"

"TROYE I LOVE YOU!"

"GO LUCAS!

"GALINGAN MO REID."

Halos paulit-ulit na sigaw ng mga estudyante na babae dito sa gym.

Napapa iling na lang ako. Tss! Kung maka 'I Love You' sila kay Troye kala mo wala ako dito.

Hello? Girlfriend here?

Tsaka ang o'OA ng mga to. Kala mo totoong laro na talaga. Practice pa lang kaya to.

"AAAAHHHHH!!"

"Omg! Nag three points si Troye."

"Omg! Im gonna die. Im gonna die."

Edi mamamatay ka. Joke! Hahaha nakaka stress lang kasi tong mga to. Lalakas ng tili.

Matapos maka three points ni Troye, nag decide muna silang mag break.

Agad silang nagsilapit sa bleachers.

Na upo agad sa tabi ko si Lucas at Troye.

Ramdam ko na naman agad yung mga sama ng tingin sakin ng mga fans ni Troye. Nangunguna na dun si Patricia.

"Ang galing mo talaga Troye." Nakangiti kong sabi.

Napa smirk lang siya saka hinampas ako ng mahina ni Lucas.

"Hoy! Ako ang pinsan mo kaya mas magaling ako." Agad na banat na naman nitong si Lucas.

"Lahat kayo magaling." Natatawa kong sabi.

"Mabuti naman." Agad nilang sabi.

Jusko! Kahit kailan talaga ang mga dito man lang maging humble.

Bigla kong napansin yung pawis ni Troye. Kinuha ko agad yung bimpo na hawak niya saka pinunas yun sa mukha niya.

Bigla akong napa tigil ng sumigaw ang mga fan ni Troye ng "bicth stop that!" saka bigla ring kumunot ang noo ni Troye saka napa iling.

"I told you. Wag mong ipapahiya ang sarili mo. Tsk! You don't need to do this." Agad siyang tumayo saka tinapon yung bimpo sa bleacher kung saan siya na upo, saka niya sinabi sa coach nila na mag practice na sila.

Natahimik lang ako. Agad akong tinapik sa likod ni Lucas saka tumango. Ngumiti naman ako.

"Wag mo na lang intindihin yung sinabi niya. Pagod lang yun." Ngumiti ako saka tumango kay Reid bago siya bumalik sa practice.

Alam ko na sinabi lang niya yun para mapagaan ang loob ko. Pero alam nila't alam ko na totoo naman talaga ang sinabi ni Troye.

Bakit ko nga ba gagawin yun? Girlfriend lang tawag sakin pero parang wala lang naman yun.

Napa ngiti ako ng mapait saka inayos yung bimpo ni Troye pati na rin yung gatoride. Nilagay ko ang mga ito sa blecher. Para kung kailanganin niya man, makikita niya agad.

Napa lingon ako kay Troye bago ako mag desisyong umuwi na. Pagabi na rin kasi baka magalit pa sakin si Mama at Papa.

Ngumiti muna ako saka tuloyan ng umalis.

.

.
TROYE WALDEN POV.

Agad akong ngumiti ng makita ko ang score namin. Tsk! Kahit kailan talaga di nila kami matalo-talo.

"Panalo na naman kayo Troye." Agad tumapik sakin si Reid.

"Galingan niyo kasi minsan." Natatawa kong sabi.

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant