"So... so... blah! blah! blah! What you call that?"

Umikot ang bilog ng mga mata ko. "Distant."

"That's it! Distant." Sabay upo nya sa aking tabi. Narito kami ngayon sa university na pinapasukan namin. "Why you're so distant this past two days? Ano bang nangyari? Why are you being... being... blah! blah! blah!"

Ganito sya. Kapag hindi nya mapunto ang nais sabihin ay dinadaan nya sa blah... blah... blah...

"What you call that?" pumitik pa sya sa hangin.

Yamot akong tumugon. "Weird?"

"Iyon, nadali mo!" umayos sya nang upo. "Why are you being weird?" pumangalumbaba sya dahilan para tumalbog ang kanyang baba.

Malaking bulas kasi si Chie-chie at may bilugang mukha. Mayroon syang matabang katawan at malalaking hita, pero makinis siya at maputi. Madalas syang kutyain ng mga kaklase namin dahil may pagkaweird siya at shushunga-shunga, hindi siya katulad ko na kayang magpanggap na matalino kahit shunga rin. At kapag may nang-aapi kay Chie-chie, ako ang nagtatanggol sa kanya. Kilala kasi akong mataray sa university namin kaya walang sino man ang nakakapalag sa akin.

Sumimangot ako sa kanya. "Wala. Masama lang siguro ang pakiramdam ko."

Lagot ako kay Lord K kapag may ibang nakaalam ng mga nangyari. Gustuhin ko man isuplong sya sa kapulisan ngunit sigarudong pag-iinitan naman nya ang pamilya ko. Sa klase kasi ng hitsura nya ay kaya nyang gawin ang lahat. Kung ang pumatay nga ay wala lang sa kanya, iyon pa kayang ipapatay ang mga mahal ko sa buhay. Halang ang kaluluwa ng hot na iyon.

Hot?

Repeat.

Halang ang kaluluwa ng lalaking iyon. Ang pagkitil sa kanya ng buhay ay parang laro lang.

Nagpatuloy si Chie-chie. "I think you should take medicine. Iyong para sa lagnat. Iyong... iyong... blah! blah! blah!"

"Paracetamol?"

"That's it!" hinihingal pa sya. "Take paracetamol para hindi matuloy ang lagnat mo."

Hell! She's nonsense!

Akma pa lang akong tatayo nang hawakan nya ako sa kamay. "Where are you going?"

"Uuwi na."

Kumislap ang mga mata nya. "Sama ako."

I sighed. Parang alam ko na kung sino ang pakay nya sa amin.

"Please, isama mo ako. Miss ko na kasi ang... ang... blah! blah! blah! Nya..."

"Killer smile."

"Yown! Iyong killer smile nya!" napapalakpal pa sya.

Killer smile talaga? Let see.

Umiling-iling muna ako bago ko sya hinila sa kamay. "'Lika na nga!"

...

Si Pektong.

Payat at walang ngipin. Nasaan ang katarungan? Nasaan ang killer smile?

Heto namang si Chie-chie ay parang kinikiliti sa aking likuran habang pinagmamasdan ang lalaking ipinanganak yata ng hanggang gilagid na lang talaga. Ayon sa aming mga kapitbahay, hindi na raw ito tinubuan ng ngipin. Wala tuloy akong ideya kung paano ito nagustuhan ng BFF ko.

Maitim si Pektong at may kapayatan pero kahit paano may itsura rin naman, 'wag ka lang hihingahan!

Hayun si Pektong at nakangiti ilang hakbang ang layo sa amin. Sigurado akong si Ate Rosenda na naman ang pakay nya. Kunwari ay bibili sya sa'ming tindahan pero wag ka, eh, sumisilay lang naman.

Love Me HarderWhere stories live. Discover now