Epilogue

4.4K 84 5
                                    

“Mommy i want to eat napo ng cookies.” masayang aniya ng anak ko habang naka buntot sa akin dito sa may kusina. Nag ba-bake kase ako ng cookies at kanina niya pa gusto tumikim pero hindi pa luto.

“Thyne malapit nang matapos si Mommy, wait lang po.” aniya ko sa anak ko kaya tahimik itong naupo sa may upuan habang pinapanood ako.

“Mom, is it already baked?” tanong naman ni Thyme habang nag babasa ng libro. Limang taon na ang nakalipas at malaki na silang dalawa. Limang taon na din kaming kasal ni Tristan dahil pinakasalan na niya ako kaagad nung pag katapos kong manganak. Medyo nakaka nosebleed nga itong si Thyme dahil palaging English ang salita niya at minsan lang mag tagalog.

“Wait lang mga baby ko malapit na siyang ma bake.” aniya ko kaya naupo din siya sa tabi ng kapatid. Ilang minuto din ang nakalipas bago tumunog ang oven at agad kong inilabas yung mga cookies at inilagay ko ito sa isang lagayan.

“Punta na kayo sa living room. Dadalhin ko na lang ito dun.” wika ko at agad naman silang sumunod sa akin at nag punta doon. Sumunod na din ako sa kanila at inilapag ko sa lamesa yung cookies.

“Thank you Mommy.” sabay na ani nung dalawa bago nila ako hinalikan sa pisnge at kumuha ng cookies.

“Mommy could you tell us a story about you and Daddy. I'm curious paano po kayo nag kakilala?” tanong ni Thyme habang kumakain ito ng cookies.

“We have a long love story anak, pero i-kwekwento ko sa inyo ang isa sa pinaka masayang araw naming dalawa.” aniya ko at agad naman silang naupo sa sofa para pakinggan ang i-kwekwento ko.

“Your Daddy and I are just School Officers. Noon pa lang ay may gusto na ako sa Daddy niyo kahit hindi niya ako pinapansin. Palagi siyang naka simangot at minsan ay galit pero kahit ganun ang ugali niya ay mahal ko pa rin siya. Minahal ko siya ng sobra kaya kahit nasasaktan na ako ay hindi ko siya sinukuan. Tinitiis ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko para lang makasama ko siya. Nasaktan ako pero I'm glad that i stay by his side dahil nabuo kayong dalawa. Kayong dalawa ang tanda ng pag mamahalan namin ng Daddy niyo.” pag kwekwento ko sa kanila.

“That means po bad po si Daddy because he's always mad?” tanong ni Thyne sa akin.

“He's not bad baby, ganun lang talaga ang personality ng Daddy mo.” pag papaliwanag ko sa kaniya. Agad naman siyang tumango tango at mukang naintindihan niya ito.

“Naaalala ko pa noon na lagi kong kinukulit ang Daddy niyo at tinititigan. Ang gwapo gwapo niya kase at aaminin ko na pangarap ko siyang maging asawa noon.” namumulang saad ko sa kanila. Bigla tuloy bumabalik yung mga memories ko noon. Kung papaano ako nag papapansin kay Tristan at kung papaano ko siya tinititigan. Ang masasabi ko lang ay inlove na inlove ako sa kaniya noon.

“Mom your blushing.” natatawang saad ni Thyme habang nakatingin sa akin. Nakita niya pa yun? Mag sasalita na sana ulit ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Tristan.

“Daddy!” sabay na ani nila. Agad na tumakbo yung kambal papalapit sa kaniya at nagpa kalong.

“Good Evening mga anak. Good Evening Mahal.” pag bati niya sa amin bago siya naupo sa tabi ko.

“Kamusta ang trabaho?” tanong ko sa kaniya bago kami nag halikan sa labi.

“Okay naman, may panibago akong project with business partners. Kamusta naman kayo dito?” tanong niya bago ibinababa yung kambal.

“Okay naman, kakatapos ko lang mag luto ng cookies.” aniya ko bago ko pinunasan ang pawis niya.

“Daddy is it true that Mommy likes you first?” tanong ni Thyne habang may hawak hawak siyang gatas.

Loving Mr. Snobbish [Completed]Where stories live. Discover now