Chapter 2

3K 83 1
                                    

Kasalukuyan akong tahimik na nag ce-cellphone dito habang si Tristan naman ay tuloy tuloy ang pag mamaneho. Kanina pa kami nag bibiyahe at naiinip na ako. Kung alam ko lang na ganito katagal bago makarating sa Batangas sana hindi na lang ako sumama. Kanina pa ako nagugutom kase hindi ako nakakain ng tanghalian. Kakain sana ako ng lunch kanina sa food court na pupuntahan namin ni Jiro pero hinigit ako nung lalaking ito. Kaya heto ako ngayon nakanguso dahil nagugutom na.

Hindi ko naman kase inaasahan na ako ang isasama niya. Pero masaya din ako dahil ako ang kasama niya hindi si Charise. Kilala ko kase yung babaeng yun, baka landiin niya si Tristan. Naku!! Iniisip ko pa lang nag seselos na agad ako. Nag seselos pero walang karapatan. Ouch! That's me.

“Why do you keep pouting? You look so ugly.” malamig na saad niya. Ouch ha. Hindi ba bagay sa akin ang ngumuso.

“Paanong hindi ako ngunguso eh nagugutom na ako. Bakit mo ba kase ako hinigit? Kung hindi mo sana ako hinigit edi nakakain na sana ako.” naiinis na aniya ko. Nakakainis talaga tong lalaking toh!

Ilang minuto din ang nakalipas pero hindi na niya sinagot yung tanong ko. Siya pa talaga may ganang magalit? Kanina pa ako naka upo dito ang sakit na ng pwet ko.

Habang nag mamaneho siya ay nagulat ako ng biglang tumigil yung kotse niya. Nakarating na ba kami doon sa resort? Pero nabigla ako nang makita kong walang ka bahay bahay kung saan siya tumigil.

“F*ck!” mura niya habang may kung ano anong ginagawa. Anong nangyayari? Wait? Don't tell me may nabangga kami? Eto kase si Tristan hindi nag iingat!

“Anong nangyayari? May nasagasaan ba tayo?” kinakabahang tanong ko sa kaniya. Sana naman wala siyang nasagasaan.

“What? Nasagasaan? Siraulo ka ba babae? Naubusan tayo ng gasolina. F*ck nakalimutan kong magpa gasolina kanina dahil sayo.” inis na asik niya. Grabe naman siya. Paano namang ako ang naging dahilan kung bakit hindi siya nakapag pa gasolina? Lahat na lang ata ng problema niya ako ang may kasalanan.

“Stay there tatawagan ko lang si Raven.” aniya nito bago lumabas ng kotse. Teka iiwan niya ako dito? Hindi ako papayag! Ang dilim dilim dito, baka may multo.

“Huwag mo naman akong iwan dito, nakakatakot sobrang dilim. Baka may multo dito.” natatakot na saad ko pero hindi niya ako pinansin at lumabas siya at nilock niya yung pinto. I—Iiwan niya ako?

“Tristan huwag mo akong iwanan dito please, hayaan mo akong sumama sayo.” tang*na, iwanan mo na ako sa gitna ng kalsada huwag lang sa dilim. May phobia ako sa dilim, hindi ko kakayanin toh.

“Don't be such a drama queen Keisha, first place ikaw ang dahilan kung bakit ako nawalan ng gasolina.” galit na aniya niya bago siya nag lakad papalayo. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na yun. Pilit kong nilalakasan ang loob ko kahit sobrang dilim. Kung ano anong mga nakakatakot na bagay ang pumapasok sa isip ko kaya agad kong tinakpan ang aking mata.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak dahil sa takot nararamdaman ko. Hindi ko talaga ito kaya, sobrang dilim gusto ko nang umuwi. Nanlalamig na ang aking mga kamay habang umiiyak ako. Dahan dahan kong ipinikit ang aking mga mata. Ipinikit ko na lang ito para wala akong makita.

_

Nagising ako nang maramdaman kong may humahaplos sa aking pisnge. Nang imulat ko ang aking mata ay bumungad sa akin ang nag aalalang muka ni Tristan habang nakatingin siya sa akin. Pinapahidan niya ang aking mga luha habang hinihimas niya yung ulo ko.

“I'm so sorry Keisha, bakit ka umiiyak? May fear of darkness ka ba?” nag aalalang tanong niya. Agad akong tumayo at pinunasan ang natitirang luha ko. Galit ako sa kaniya, iniwan niya ako sa dilim without knowing na may phobia of darkness ako.

Loving Mr. Snobbish [Completed]Where stories live. Discover now