Chapter 9

2.5K 65 1
                                    

Kasalukuyan kaming naka upo ng pabilog ngayon habang umiinom ng alak. Tumigil na kami sa paliligo dahil lumalamig na ang simoy ng hangin. Hindi ko pa rin makalimutan yung pangyayari kanina. Parehas na kase kaming nilalamig ni Sevy nang lumapit sa amin si Tristan. Nasaktan ako dahil kay Sevy niya ibinigay yung jacket niya at hindi sa akin. Kaya ayun kung hindi pa ako pinahiram ng jacket ni Sir Cyrus baka inuubo na ako ngayon.

Aaminin ko na sobrang bango ng jacket niya kaya hanggang ngayon ay suot suot ko pa rin ito. Hindi pa kami nag papalit ng damit at naka swimsuit pa rin kami.

“Tara laro tayo ng truth or dare” pag aaya ni James kaya agad naman kaming lahat pumayag. Muka kaseng magiging exciting ang mga mangyayari ngayong gabi. Pinaikot na ni Crystal yung bote at tumigil ito sa kaniya.

“Truth or Dare?” tanong sa kaniya ni James kay Crystal at umakto itong nag iisip. Ano kaya ang pipiliin ni Crystal?

“Dare na lang James.” lakas loob na ani ni Crystal.

“I dare you to hug the most attractive man here.”utos ni James. Kaya agad na tumayo si Crystal at lumapit kay Sir Andrew at niyakap niya ito. Halos kiligin naman kaming lahat ng yakapin siya pabalik ni Sir Andrew. Kainggit, mapapa sana all na lang talaga ako.

Nang matapos na ang dare ay pinaikot itong muli ni Crystal at saktong tumigil ito kay Sevy. Dare ang pinili niya kaya agad na umisip si Crystal nang ipapagawa niya dito.

“Uhm Sevy I dare you na halikan mo si Tristan sa pisnge for 15 seconds”utos ni Crystal. Nabigla ako dahil sa inutos niya kay Sevy. Kita ko naman ang pamumula sa pisnge ni Tristan na parang gustong gusto niyang mahalikan ni Sevy. Bigla nanaman akong nakaramdam ng selos kaya agad akong umiwas ng tingin sa kanila.

Mas lalong nasaktan ang puso ko nang makita kong halikan ni Sevy si Tristan sa pisnge at nginitian siya nito. Mas lalo akong nalungkot dahil alam kong hindi niya ako titingnan kung paano siya tumingin kay Sevy. I think I just have to accept the fact that he will never like me. He likes Sevy kaya kailangan ko nang tanggapin na wala akong pag asa sa kaniya.

Napansin siguro ni Sevy na nakatingin ako sa kanila kaya agad siyang napatingin sa akin at umiwas ako. Alam kong alam niya na nag seselos ako pero ano nga bang magagawa ko?

Muling nag simula ang laro at this time sa tapat ko naman ito tumigil.

“Dare na lang Crystal.” mahinang saad ko. Ramdam kong nakatingin silang lahat sa akin kaya medyo kinabahan ako.

“Uyy exciting. Okay drink this five glass of beer and seat besides Sir Cyrus.” utos ni Crystal na nag pagulat sa akin. Limang baso neto? Bakit parang andami naman? Saka kailangan kong lumapit kay Sir Cyrus? Akala ko ba isa lang ang dare?

Hindi na ako nakatanggi kaya agad kong ininom isa isa yung mga alak hanggang sa naubos ko ito. Tumayo na rin ako sa kinauupuan ko at lumapit kay Sir Cyrus. Grabe ang lakas pala ng tama nung alak na yun? Parang umiikot na yung mundo ko dito.

Nag patuloy nang nag patuloy ang laro hanggang sa malasing na yung iba.

Napansin kong umalis si Sevy at sumunod sa kaniya sila Tristan at Ate Tanya kaya napagpasyahan ko na ding matulog. Nagpa alam ako kay Jiro na mauuna na akong bumalik sa kwarto dahil umiikot na yung paningin ko at gusto ko nang matulog. Agad naman siyang pumayag kaya agad akong tumayo sa kinauupuan ko at nag paalam na ako sa kanila at nag lakad papunta sa hotel.

Medyo natatakot ako sa dadaanan ko dahil medyo madilim ito pero antok na antok na talaga ako. Habang nag lalakad ako ay nakasalubong ko sila Ate Tanya, Crystal, Sir Andrew at Tristan. Madiin siyang naka titig sa akin pero hindi ko siya pinansin.

“Babalik ka na sa kwarto mo Keisha?” tanong ni Ate Tanya kaya tumango tango na lang ako bilang pag responde. Hilong hilo na ako para mag salita kaya itinuloy ko na yung pag lalakad ko hanggang sa nakarating ako sa loob ng hotel. Sa pagkaka alam ko 228 yung room number namin kaya agad akong pumasok sa kwarto namin at nahiga sa kama. Ang lamig.

Loving Mr. Snobbish [Completed]Where stories live. Discover now