Chapter 20

2.5K 57 0
                                    

Masaya kaming nag kwekwentuhan ni Sir Cyrus habang kumakain ng ice cream. Dahil sa sarap ng ice cream ay agad ko itong naubos. Inorder pa ako ni Sir Cyrus ng take out para daw may makain ako mamaya.

Kasalukuyan kaming nandito na sa loob ng kotse habang nag mamaneho na siya pauwi. Ang sabi niya ay ihahatid niya muna daw ako bago siya umuwi.

“Sir Cyrus maraming salamat sa pag libre mo sa akin ngayong araw. I just wanted to say that i had so much fun today with you.” i said happily before smiling sweetly at him. Kita ko ang pamumula sa muka niya bago niya ako nginitian.

“Nag enjoy din ako ngayon habang kasama ka, also don't call me Sir Cyrus next time. Instead call me Cyrus.” aniya niya kaya agad ko namang sinunod. Maya maya lang ay nakarating na kami sa tapat ng mansion ni Tristan. Agad niya akong pinag buksan ng pinto at agad na din akong lumabas.

“Maraming Salamat sa pag hatid mo sa akin Cyrus. Pasok na ako sa loob, mag ingat ka pauwi.” nakangiting wika ko sa kaniya bago ko siya niyakap. Agad niya din akong niyakap pabalik bago niya hinalikan ang noo ko. Hindi ko alam pero bigla na lang akong namula. Medyo kinilig ako dahil hinalikan niya ako sa noo.

Pumasok na rin ako kaagad sa loob nang maka alis na siya. Nagulat ako ng makita ko yung kotse ni Tristan sa may garahe. Nandito na siya? Akala ko ba alas kwatro pa ang tapos ng school nila?

Binalewala ko na lang ito at pumasok na ako sa loob. Naabutan ko siyang naka upo sa may sofa habang umiinom ng alak. As always malamig nanaman niya akong tinitigan. Mukang wala naman siyang balak sabihin kaya nilampasan ko na lang siya at akmang hahakbang na ako papaakyat ng hagdan nang mag salita siya.

“Saan ka galing?” malamig na tanong niya.

“Galing ako sa may mall. Bumili lang ako ng lotion.” pag sisinungaling ko. Hindi naman siguro masama kung umalis ako kahit saglit sa mansion niya diba? Saka ano naman kung mag sinungaling ako? Wala naman siyang pakielam diba?

“Liar!” sigaw niya dahilan para kabahan ako. Alam niya kung saan ako nag punta?

“I know that you're with Cyrus. Why are you with him? Didn't i tell you that you can't leave the mansion without my consent?” galit na saad niya bago siya tumayo sa kinauupuan niya at lumapit siya sa akin. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa takot na nararamdaman ko.

“Naka salubong ko lang naman siya kanina tapos inaya niya akong mag ice cream. Saka ano naman sayo kung kasama ko siya?” hindi ko alam pero bigla na lang akong nainis dahil siya pa ang may ganang mainis ha!

“Ano naman sa akin? Baka nakakalimutan mong nakatira ka ngayon sa mansion ko. Wala kang karapatang magalit or mag desisyon ng hindi ko alam.” inis sa asik niya bago niya mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

“Ano naman kung umalis o nag desisyon ako ng hindi nag papaalam sayo? Baka nakakalimutan mo din na dinadala ko ang anak mo Tristan. Saka lumabas lang naman ako at nakipag usap sa isang teacher ah. Hindi nga kita pinakelman nung nakikipag halikan sa mga babae diba?” hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinigawan ko na siya dahil sa inis. Nakaka inis dahil nakikielam siya sa buhay ko habang hinahayaan ko lang naman siya kahit nasasaktan ako.

“Wala akong pakielam sa batang dinadala mo. Sa totoo lang wala akong pakielam sa inyo. Kung bakit kase kailangan pa kitang panagutan dahil jan sa bwiset na iyan. Kahit kailan hindi ko kayo mamahalin dahil hindi niyo deserve yon.” hindi ako makapaniwalang sinabi niya sa akin ang bagay na iyon. Hindi ko deserve na mahalin niya? Hindi namin deserve ng anak niya ang pag mamahal niya? Wala na ba talaga kaming halaga ng mga anak niya sa kaniya?

“Pagkakamali lang naman yang dinadala mo eh. Hindi ko yan ginawa ng may pagmamahal. I'm just h*rny that day, sana pala wala nang nangyari sa atin. Dahil kung walang nangyari sa atin ay wala akong responsibilidad ngayon. Masaya pa sana ako ngayon at walang iniintindi.”hindi ko na kaya yung mga salitang binibitawan niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at malakas ko siyang sinampal sa muka. Sabihin na niya lahat ng masasakit na salita huwag lang yung sabihin niyang pagkakamali yung mga anak ko.

Loving Mr. Snobbish [Completed]Where stories live. Discover now