Chapter 18

2.3K 53 0
                                    

Ilang buwan na ang nakalipas pero hindi pa rin nawawala sa aking isip ang pangyayaring iyon. Aaminin ko kinabahan ako ng sobra sobra dahil muntikan na niyang makita yung tiyan ko.

“Keisha?” biglaang pag tawag ni Ate Tanya sa pangalan ko. Nabalik ako sa wisyo ng tawagin niya ako at dahan dahan akong tumayo mula sa aking kinahihigaan.

“Bakit po?” tanong ko nang makapasok siya sa loob ng kwarto ko.

“Bakit hindi ka pa nag bibihis? Pupunta na tayo mamaya sa reception para sa gender reveal mo diba?” aniya ni Ate Tanya. Sh*ta! Ngayon nga pala ang gender reveal ng anak ko, bakit ko nakalimutan?

“Ayaw mo bang malaman ang magiging gender nila kaya hindi ka pa nag bibihis?” malungkot na tanong nito bago siya umupo sa may aking kama.

“Hindi naman po sa ganun, may iniisip lang po ako kanina at nakalimutan ko po na kailangan ko nang mag bihis.” pag papaliwanag ko sa kaniya. Sa totoo lang ay matagal ko nang gustong malaman ang gender nila. Malapit na din ako manganak kaya nahihirapan na akong mag lakad dahil malaki na ang tiyan ko.

“Ganun ba, oh siya tutulungan na kitang mag bihis. Huwag ka nang mahiya at parehas naman tayong babae.” nakangiting saad niya bago siya pumunta sa may kabinet ko at ikinuha niya ako ng damit.

“Huwag ka sanang mag tanim ng sama ng loob sa magiging anak niyo ni Tristan. Alam kong sobra ang pananakit na ginawa niya sayo pero sana huwag niyong idamay ang magiging anak niyo.” aniya niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Bakit naman ako magagalit sa magiging anak ko?

“Huwag po kayong mag alala Ate Tanya. Kahit naman po hiwalay na kami ng ama niya ay hindi ko sila idadamay sa galit ko. Saka anak ko po sila, limang buwan ko na din pong dinadala sila at wala akong pinag sisihan nung nabuo sila.” pag papaliwanag ko sa kaniya. Nung malaman ko na buntis ako ay alam ko na agad sa sarili ko na aalagaan ko sila.

“Napaka bait mo talaga Keisha, hindi deserve ng kapatid ko ang babaeng katulad mo.” aniya ni Ate Tanya dahilan para mapatawa ako. Deserve na sana ako ng kapatid mo, kaso mas pinili niyang mag paka playboy kaysa mag seryoso sa akin. Nakakalungkot isipin na ginamit niya lang ako, kahit minahal ko siya ng sobra sobra.

Akmang mag sasalita na sana siya muli nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Agad siyang lumapit doon at kita ko ang pagka gulat sa muka niya nang makita niya kung sino yung nasa labas. Bigla naman akong nag taka dahil bakit siya gulat na gulat?

“A—Anong ginagawa niyo dito?” kinakabahang tanong niya sa kung sino man yung nasa may pinto.

“You didn't expect me to be here, huh? Why are you keeping this big secret from me Tanya?!” halos matuyo ang dugo sa aking muka nang marinig ko ang boses ni Tita Celine. Bakit siya nandito? Paano niya nalaman na nandito kami?

“Ma... paano niyo nalaman ang tungkol dito? Sinabi ba sa inyo ni Kuya?” galit na aniya ni Ate Tanya. Pumasok sila sa loob at gulat na mapatingin sa akin nang makita nila akong naka upo sa kama habang naka suot ng dress at malaki na ang tiyan ko. Ngayon ko lang din napansin na kasama ni Tita Celine si Tito at parehas silang gulat na gulat. Hindi na ako nagkaroon ng pagkaka taon na itago ito dahil ang bilis na ng mga pangyayari. Nakatingin na sila sa akin ngayon habang ako naman ay kinakabahan.

“Your brother didn't tell me, but i heard him talking to you about letting Tristan know that he gotten Keisha pregnant. Bakit hindi niyo sinabi sa amin ang tungkol dito? At bakit parang hindi din alam ni Tristan ang tungkol dito?” galit na sigaw ni Tita Celine kay Ate Tanya kaya natahimik ito.

“Tita huwag po kayong magalit kay Ate Tanya, ako po ang nag sabi sa kaniya na isikreto ang pag bubuntis ko.” pagtatanggol ko kay Ate Tanya. Ako naman talaga kase ang nag sabi na isikreto ang tungkol dito. Dahil ayaw kong malaman ni Tristan ang tungkol sa magiging anak namin.

Loving Mr. Snobbish [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon