Chapter 15

2.3K 57 0
                                    

Kasalukuyan akong naka higa ngayon sa sofa habang nag papahinga. Napagod kase ako kanina dahil sa ginawa namin ni Tristan. Hindi ko inaasahang nag selos pala siya kanina nang makita niyang naka pula ako. At ang nakakatawa pa doon ay inakala niyang boyfriend ko si Kuya Henden. Gusto ko nang sabihin sa kaniya na hindi ko boyfriend si Kuya Henden pero gusto ko pa siyang asarin.

Habang naka higa ako ngayon ay nag bibihis si Tristan. Nag bihis agad siya? Agad siyang lumapit sa akin bago bumuntong hininga at nag salita.

"Get out." malamig na saad ni Tristan dahilan para mabigla ako. Get out? Bakit parang malamig nanaman ang pakitungo niya sa akin? Saka bakit pinapaalis niya na agad ako? Ganun lang ba yun sa kaniya? Pag katapos ng s*x ay bumalik nanaman siya sa dati?

"Bakit parang nag iba nanaman ang ugali mo Tristan? Akala ko ba nag seselos ka kay Henden kanina?" sunod sunod na tanong ko sa kaniya.

"I'm not really jealous Keisha, your such a fool. Can't you see that i just use you? Now that I'm satisfied, get out. I don't need you anymore." aniya niya dahilan para kumirot ang puso ko. Ginamit niya lang ako? Kaya niya lang ba ako pinapunta dito dahil nalilib*gan nanaman siya? At ginamit niya ang katawan ko para maibsan iyon? Ganiyan na lang ba talaga kababa ang pag trato niya sa akin? Bakit ka nagiging ganito? Akala ko pa naman magiging maayos na kami. Niloloko niya lang ba nanaman ako?

Dahil sa galit at sakit na nararamdaman ko ngayon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at malakas ko siyang sinampal.

"Ganito na lang ba talaga ako sa iyo Tristan? Niloko mo na ako noon at hinayaan kita pero itong oang gagamit mo sa akin, hindi ko na ito papalagpasin. Siguro nga kailangan na kitang kalimutan. Para lang akong nag mamakaawang aso na hinihiling na mahalin mo. Pagod na ako, ayoko na hindi ko na kaya.

"Tiniis ko ang ugali mo kahit minsan ay halos wala na akong tulog dahil sa pinapagawa mong projects ni Sevy. Tinitiis ko kahit minsan pangalan ni Sevy ang binabanggit at inuung*l mo. Ngayon sawang sawang na ako." galit na sigaw ko sa kaniya habang tumutulo na ang mga luha ko mula sa aking mata.

"Ano naman kung nag sasawa ka na sa akin? Inutusan ba kitang tiisin mo ako? Hindi ko kailangan ng pag mamahal mo Keisha dahil maaari ko yang makuha sa iba pang mga babae. Saka hindi ko na kailangan ang katawan mo, maari ko din naman gawin ang bagay na iyon sa ibang babae. Wala na akong pakielam sayo kaya umalis ka na." malamig at seryosong saad niya. Agad kong kinuha yung mga damit ko at isa isa ko itong sinuot sa harapan niya bago ko hinubad lahat ng alahas na ibinigay niya sa akin. Yung bracelet namin na ibinigay niya nung first monthsary at yung necklace at promise ring na ibinigay niya sa akin nung fifth monthsary namin. Hindi ko na kailangan ang mga bagay na ibinigay niya sa akin.

Ito na ang huling pag kakataon na pinatawad ko siya, okay na sana eh pero sinaktan nanaman niya ako. Minahal ko siya ng sobra sobra tapos sinabi niya lang sa akin na wala siyang pakielam sa pag mamahal na ibinigay ko? Pwes, tutal masasayang lang sa kaniya iyon ay mas magandang sa iba ko na lang ibigay. Tutal diba ayaw niya naman, ang masasabi ko lang sa kaniya ay hindi siya kawalan. Kung ayaw niya sa akin, ayaw ko din sa kaniya!

"Minahal kita ng sobra sobra pero hindi pa pala sapat iyon para sa iyo. Hindi naman kita masisisi saka desisyon mo yan." huling aniya ko bago lumabas ng opisina niya. Umiiyak akong tumakbo papaalis sa lugar na iyon. Hindi ko na kayang mag mahal muli.

_

"Keisha ano ba kaseng kinain mo? Ito na ang ikalawang beses na sinamahan kita dito sa cr." nag aalalang aniya ni Jaslyn habang hawak hawak niya ang buhok ko para hindi malagyan ng suka.

Hindi ko alam pero grabe ang pag ikot ng paningin ko, saka hindi ko mapigilan ang pag labas ng suka sa aking bibig. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba ako nagkaka ganito?

Loving Mr. Snobbish [Completed]Where stories live. Discover now