Chapter 17

2.3K 62 1
                                    

“Ano ang balak mong gawing palusot para hindi malaman ni Tristan na anak niya yung sanggol na dinadala mo?” malamig na tanong ni Kuya Kiello habang naka upo kaming lahat sa sofa. Kasama ko si Ate Tanya, Sir Tyler, Jiro, Kuya Henden at Jaslyn. Kausap namin ngayon si Ate Kamerine at Kuya Kiello pati na rin sila Mama at Papa.

Inamin ko na rin sa kanila na buntis ako at hindi naman sila nagalit. Masaya si Mama dahil matagal na niyang pinag aasawa si Ate pero ayaw pa nito kaya wala pang apo si Mama. Si Papa naman ay supportive at excited na daw siyang makita ang magiging anakko. Okay naman kay Ate Kamerine pero medyo malabo kay Kuya Kiello.

Muka kaseng hindi siya sang ayon na hindi malaman ni Tristan ang tungkol sa magiging anak namin at gusto ni Kuya na panagutan ako ni Tristan. Ilang beses ko na ipinaliwanag sa kaniya pero hindi ko pa rin siya nakukumbinsi.

“Huwag po kayong mag alala dahil handa kaming suportahan si Keisha kahit hindi alam ng kapatid namin. Nung una ay gusto din namin ipaalam kay Tristan pero nirespeto namin ang desisyon ni Keisha kaya handa kaming itago ito.” aniya ni Ate Tanya habang umiinom siya ng tubig. Medyo kinakabahan ako dahil naka simangot pa rin si Kuya.

“Handa naman kaming irespeto ang desisyon mo pero sigurado ka na ba? Kaya mo bang palakihin ng mag isa ang magiging anak mo? Kung kailangan mo nang tulong ay ichat o tawagan mo kami ng Papa mo” saad ni Mama bago niya hinawakan ang kamay ko. Alam king nagulat sila nang malaman nilang buntis na ako pero dalawang taon na lang ay matatapos na ako sa pag aaral.

“Opo Ma, sa ngayon kailangan ko na munang mag leave sa school at mag ho-home school na muna ako. Medyo lumalaki na din kase yung tiyan ko at kailangan ko na munang mag pahinga dahil mabilis akong mapagod.” aniya ko habang kumakain ng rambutan. Hanggang ngayon ay ito pa rin ang pinaglilihian ko.

“Ako na ang bahala makipag usap sa Principal niyo. Kung sakali mang mag ho-home school ka, dito ka na lang ba sa bahay mag-iistay o sa ibang bahay natin?” tanong ni Mama. Marami kaming mga bahay na malapit dito pero mas gugustuhin kong lumayo dahil may chance na makita niya ako. Mayroon kaming bahay sa Batangas, doon sa pinuntahan ni Jiro nung nakaraan at doon ko na lang napag pasyahan na mag stay. Medyo malaki ang bahay namin doon at maaliwalas. Maari ko nga din pa lang bisitahin si Nay Dalia dahil medyo malapit ang bahay namin doon.

“Yung bahay natin sa Batangas Mama, doon ko napag pasyahang mag stay habang pinag bubuntis ko pa yung anak namin. Baka kase makita niya ako dito kapag dito lang ako nag stay. Kaya ko naman po alagaan ang sarili ko.” aniya ko.

“Okay, kung yan ang gusto mo. Pero kailangan mo nang makakasama, sakto uuwi doon si Janine kaya may makakasama ka. Saka si Henden ay may tatapusin na trabaho sa Batangas kaya may makakasama kang lalaki. ” aniya ni Mama dahilan para maging masaya ako. Si Ate Janine ay isa sa mga paborito kong Ate. Palagi niya akong sinasamahang mag gala noon at mag laro. Pero dahil kailangan ko munang umuwi ng Manila kaya hindi pa kami ulit nag kikita.

“Talaga ba Ma? Ilang taon na din since nung huli kaming nag kasama ni Ate Janine.” masayang aniya ko.

“Yung babae nanaman na yun?! Hindi ko pa rin makakalimutan nang bigla niya akong hampasin ng walis tambo dahil umiinom ako ng kape. Napag kamalan ba naman akong mag nanakaw. Tskk.” inis na aniya ni Kuya Henden. Bigla tuloy akong natawa nung maalala ko ang pang yayaring yun. Si Ate Janine ay pinsan ko sa mother side ko habang si Kuya Henden at Jiro naman ay sa side ni Papa.

Gabi na kase noon at kakauwi lang ni Kuya Henden, yun din ang araw kung kailan uuwi si Kuya Henden sa bahay. Natakot si Ate Janine nang may makita siyang tao sa kusina kaya agad niyang kinuha yung walis at hinampas niya si Kuya.

“Oh, naiinis ka ba talaga? Baka naman type mo di Janine.” panunukso ni Jiro dahilan para matawa kaming lahat. Para kaseng aso't pusa yung dalawa kapag nag kikita. Palaging mag kaaway at palagi ding nag sisigawan.

Loving Mr. Snobbish [Completed]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz