Opus 78

2.6K 82 1
                                    

Minerva's POV

Ginawa ko na ang lahat ng pagmamakaawa at pagluhod; kumapit din ako sa kanyang binti.

"Parang awa mo na Lord Race, pigilan mo ang kagustuhan ng kamahalan— kung hindi ay—"

Niyukuan niya ako. "Kung hindi ay ano? Titiwalag ka sa monarkiya? Ilalayo si Kape? Ganun ba? Lady Minerva, hindi ka nag-iisip."

"Bakit mo nasabing hindi ako nag-iisip? Mas mahalaga ba yun kesa sa damdamin?" bakit nangyayari to? Parang kahapon lang, masaya ang lahat. Tapos ngayon, naitakda na ang kasal namin ni Lord Race sa susunod na gabi. Uhuh. Kamahalan paano mo nagawa to sakin?

Naupo si Lord Race sa sahig at hinawakan ang mga balikat ko. "Nakakasiguro akong may nangyari. Magtiwala ka sa ating kamahalan. Alam kong hindi siya gagawa ng ikasasama natin."

"—Pero nasasaktan ako Lord Race!" halos isigaw ko na yun.

Naramdaman ko na lang na niyakap niya ako. "Sa mga sinasabi mong yan, sa tingin mo ba'y ikaw lang ang nasasaktan?" pagkasabi niya nun, agad siyang tumayo at lumabas ng silid.

Pinahid ko ang mga basang pisngi ko. Makikipagkita ako kay Kape. Kailangan naming mag-usap.

Hindi ko ginamit ang kapangyarihan ko para makarating sa kanya. Sumakay ako sa sasakyang ang salamin ay tinted at anti-UV na minamaneho ng mga pang-umagang porter. Kung kinakailangang umagahin ako ay ready ako!

Nandun pa rin sa dati nilang apartment nakatira si Kape. Nasa loob siya ng bahay dahil bukas ang ilaw. Matagal akong nasa tapat ng pinto pero hindi ko magawang kumatok man lang. Tapos may narinig akong parang hikbi kaya sumungaw ako sa slightly open na bintana. Nakita kong nakaupo sa couch si Kape, sapo ng mga palad niya ang kanyang mukha at sumisigok. Umiiyak siya. Lalo akong nawalan ng lakas para magpakita sa kanya.

Kung sa patatagan rin lang, masasabi kong expert ako dun dahil binantayan ko siya buong magdamag. Bandang alas otso ng umaga nung lumabas siya ng apartment. Nasa loob na ako ng kotse nung time na yun syempre.

Maayos at simple ang suot niya tapos may kipkip siyang envelope. Naglakad siya sa di kalayuang kanto at pumara ng dumaang tricycle.

"Kuya, sundan natin yun." abiso ko sa porter habang itinuro ang papalayong tricycle. Sa labas ng subdivision bumaba si Kape, nakipagtawanan pa siya sa tricycle driver. Nag-abang siya ng jeep at sumakay. Again, sinundan namin siya.

Nasundan namin siya hanggang sa tapat ng isang pamantasan.

Kinausap niya yung guard at pagkatapos ay pinapasok siya.

Mayo na nga pala.. So I think may balak siyang mag-enroll para sa next term?

Tumutulo na pala ang luha ko habang idle dito sa loob ng sasakyan. Para akong tanga na nakasandal ang noo sa salamin ng kotse. Andun siya, heto ako. Hindi siya panghabambuhay na makakatiis sa dilim; habang hindi ako maaaring mabuhay sa liwanag.

Forlorn MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon