Opus 66

2.9K 91 7
                                    

Hio's POV

Hindi na makapalag pa si Jack nang balutin siya ng napakalaking itim na tela. Nagshrink ng nagshrink yun hanggang sa nawala ng tuluyan ang higanteng kalansay ko.

Saka bumalik sa dating anyo ang nilalang na kakampi ni pierrot.

Bukod pa yan sa alalahanin namin dahil binabalot ni pierrot ang paligid namin ng dalawang kulay ng laso.

"HAHAHA! Nakaranas na ba kayo ng panaginip sa loob ng panaginip?! Humanda kayooo!" anak ka ng— talagang tinakot kame?

Useless ang magteleport dahil hindi na abot ng tanaw namin ang mga daanan. Sinadyang iobscure ni pierrot ang mga escape route!

Nung tumigil sa pagrolyo ang mga laso, saka nagliwanag ang mga yun.

Patay na!

Niyakap ko na lang si Shall. Mamamatay na rin lang eh, gusto ko yung happy ako!

Nung sa akala ko ay wala nang pag-asa, bigla na lang lumanding mula sa itaas si Mad Hatter Ji Hyun.

Nakaharap siya kay pierrot at nakatalikod samin. Sumulyap muna siya sa akin. "Bago ako napunta dito, namaster ko na ang Reverse Alchemy. Ililigtas ko kayo dahil may ipagagawa ako pagbalik niyo sa totoong mundo."

Kumumpas kumpas ang kamay niya. Para siyang may dinodrawing sa ere.

Nagliwanag ang lupang tinatapakan namin ni Shall at may nabuong circle na kakatwa ang mga simbolo.

"Isa yang porter na rekta sa dimension point mo mister."

"Salamat sa tulong Ji Hyun—"

"Huwag kang magpasalamat dahil may ipagagawa ako. Sa lumang mansyon na pag-aari ni Orpheus, doon sa bansang Pilipinas— nandun ang daan daang aklat at mga research ko tungkol sa reverse alchemy. Ang gusto ko ay sunugin mong lahat yun at wag kang magtitira ni isa. Natatakot ako dahil kapag may isang taong kasing talino ko ang makabasa kahit isa sa mga yun, sigurado kong hahanapin din niya ang sagot."

Kasing talino niya.. Amp nagbuhat ng bangko.

"Anong sagot?" tanong ko.

"—Ang katotohanan sa likod ng katotohanan. Ang katotohanan kung bakit posibleng maging ginto ang kahit na anong metal kahit pa conflicting ito sa nature. Ang katotohanan kung bakit posibleng malikha ang maalamat na Philosoper's stone na lunas sa kahit anong sakit ng mundo."

Si tango na lang ako. Wala pang nagtatagumpay sa alchemy kahit pa mga bampira. Yun ang alam ko.

Nanlalabo ang katawan namin ni Shall, good sign na gumagana na ang porter.

"Pangahas na mare! Hindi mo sila maitatakas, sinisiguro ko yan." may lumitaw na baraha sa kamay ni pierrot.

Forlorn MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon