Opus 15

5K 157 3
                                    


Malapit nang sumikat ang araw kung kaya't hinahabol niya ang bawat patak ng segundo upang makabalik sa tahanan ng kanyang master; sa tahanan kung saan ikukubli ng kadiliman ang kanyang katawang mahina sa sikat ng araw.


Huminto siya sa tapat ng isang matayog na gate ng pribadong sementeryo. Bumuwelo siya ng kaunti bago tumalon.


Sa patuloy niyang pagtakbo, nadadaanan niya ang mga puntod ng mga kung sinu sinong pumanaw na. Hindi niya kilala ang mga ito sa mukha. Pero sa tinagal tagal niyang naninirahan dito, kabisado na niya ang lahat ng kanilang mga pangalan, petsa ng kapanganakan at kamatayan..


Wala nang oras! Ang kalangitan ay kulay kahel na!


Pero swerteng nakaabot pa rin siya. Pumasok siya sa loob ng isang napakalaking musuleo na may malaking estatwa ni Arkanghel Gabriel at ng dimonyo.


Naroroon ang kanyang master. Nakatingala sa napakalaking Krus sa pader na may imahe ni Hesukristo.


Lumapit siya dito at humalik sa paa niyon.


"Master.. napatay po ang aking gravehunter. Patawad po-"


Ngumiti ang kanyang master at ginulo ang kanyang buhok. "Hindi. Ayos lang ang ginawa mo, Europa. Nasisiguro kong nagustuhan ng mahal na prinsipe ang iniregalo natin."


"-Ni hindi ko man lang nagalusan si Galatea. Magsasanay pa po akong maigi upang makalikha ako ng higit sa isang gravehunter.."


"Yan ang gusto ko sa'yo Europa.. Gutom ka sa kapangyarihan. Siguradong malayo ang mararating mo. Maniwala ka."



****


Hio's POV



"Aray putcha! Dahan-dahan naman ba?" pinagalitan ko si Kape. Paano isa pang mabigat ang kamay!


Nagpapalagay ako ng salon pas sa likod ko. Namaga eh. Naaalala niyo? Binalibag ako ni manika kagabi di ba?


Pagkatapos ilagay ni Kape yung anim na salon pas, naupo siya sa harap ko. Ngiting aso.


"Pare ang swerte mo ke Shall. Daeg mo pa nanalo ng lotto! Beruin mo, cariño brotal ang genagawa sayo!"


Cariño brutal my ass. Okay nga sana kung sa waka-waka ako nasasaktan eh. Kaso wala! Battered housemate lang talaga!


"-Pareng Kape.. Sa maniwala ka at sa hinde.. MATAGAL NA AKONG FASTING! Kaya pwede wag kang masyadong berde mag-isip dyan?!"


Kelan ba ako last na nakipag-waka-waka? Hmm.. 1 month ago? Tagal na pala. Kaya naman yun ng kahit na sinong lalake, basta wag lang nilang isiping natitigang sila.

Forlorn MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon