Opus 4

7.4K 243 49
                                    

Noir's POV



Nakasilip ako sa venetian blinds na bahagya kong ibinaba. Dapit-hapon.


Wala na ang haring araw na nakamamatay sa isang tulad ko na bampira.


Binuksan ko na ng todo ang blinds para naman mapagmasdan ko ang ganda ng mga skyscrapers.


"—Kanina ka pa ba naghihintay?" umupo sa tapat ko ang nakababata kong kapatid. Kahit dati pa, mahilig na talaga siya sa mga manika. Pero wala sa hinagap ko na pati ang sarili niya ay gagawin niyang mukhang manika.


"Hindi naman Patricia—"


Tumikhim siya. "—Shall ang gusto kong itawag sa akin ng lahat."


Nangiti ako. May tao akong naaalala na ayaw ring binabanggit ang kanyang tunay na pangalan. Si Hio.


"Shall.. Ano ba ang gusto mong sabihin sa akin?"


Bam!


Binayo niya ang lamesa. "Ang relasyon mo sa Prinsipe, TOTOO BA?"


Nakarating na pala yun sa kanya kaagad. Bilib na ako sa kanya.


"Oo." sagot ko.


Paano nga ba tumatakbo ang relasyon namin ng prinsipe: Parang matalik na magkaibigan lang na nagsasabihan ng aming mga damdamin. Bukod pa dun, wala na.


Wala naman kaming ginagawang imoral sa paningin ng iba.


At wala akong balak na gumawa ng mga bagay na sa tingin ko ay di angkop para samin.


"—Alam mo ba ang ginagawa mo?!" histerikal niyang tanong.


"Oo."


Bam!


Masyado talagang highblood itong si Shall. Tama sa kanya ang deskripsyong 'Small but Terrible'.


Sa mundo ng mga kagaya naming bampira, kapag may natatangi kang kakayahan, maaari kang mailuklok sa pagiging noble ng konseho ng mga bampira.


Ako ay nagawaran ng karapatan bilang Baron; ang pangatlo sa pinakamababang ranggo.


Si Shall ay kabilang sa ranggo ng mga Knight, ang pinakamababang ranggo ng mga elitistang bampira.


Ang mga knight ay walang espesyal na kakayahan subalit sila naman ay bihasa sa pakikipaglaban. Tagapagtanggol sila ng mga noble.


At si Shall ay isa sa dalawang may pinakamataas na ranggo ng pagiging Knight. Sa kanya iginawad ang bansag na 'Galatea' bilang natatanging Knight ng mahal na prinsesa.

Forlorn MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon