Opus 67

2.9K 90 3
                                    

Hio's POV

PUTEK MAY NAKALIMUTAN AKO!

"Bakit ka biglang bumangon?" takang tanong sakin ni Shall. Pati siya bumangon rin. Gaya gaya puto maya.

"Nakalimutan ko yung pinagagawa ni Ji Hyun at ni Hype." explain ko habang nagsusuot ng robe.

Sinundan ako ni Shall hanggang library. Inisa isa ko ang spine ng bawat libro. Tama nga yung mga sinabi ni Ji Hyun na marami siyang aklat dito. Mabuti na lang at organized siya kaya hindi na ako mahihirapan. Halos tatlong shelf din ang pinuno ng mga aklat tungkol sa Alchemy. Inalis ko sila isa-isa sa shelf.

Gumamit ako ng wooden ladder para maabot yung mga nasa itaas.

Kumuha ng isang aklat si Shall mula sa pile ng mga ibinabagsak ko sa sahig. Agad akong bumaba para kunin yun sa kanya.

"Wag mong bubuklatin. Ang sabi ni Ji Hyun, wala nang dapat makabasa ng mga yan."

Inirapan niya ako sabay halukipkip. "—Himala at di ka curious ngayon. Samantalang nagawa mong ilagay ang buhay mo sa panganib nung inalam mo ang tungkol sa nakaraan mo."

Ngumiti ako. "Nahanap ko na ang sagot sa mga tanong sa buhay ko. Ayoko nang maghanap ulit ng panibagong sagot."

Lumapit siya sakin, tumingkayad, at pagkatapos ay dinuro duro ang sentido ko ng kanyang hintuturo. "Bakit ang dami dami mo nang sinasabing talinhaga? Wag ka ngang maging matalino!"

Hindi sa ayaw niya sa matatalino; preferred lang niyang mangbash ng mga tatanga tanga.

Nahawakan ko ang braso niya. Marahan kong hinila yun. Dahil nakatingkayad pa siya, nawalan siya ng panimbang kaya napayakap siya sakin.

Hinaplos ko ang mahabang buhok niya sa likuran.

Sandali akong natanga nang may makita akong mukha ng kung sino na nakasilip mula sa siwang ng isang shelf na hindi ko pa tapos tanggalan ng libro.

Pamilyar ang mukhang yun dahil yun din ang mukha ko.

Mabilis siyang nawala sa paningin ko na para bang namalik-mata lang ako.

Kumalas ako mula kay Shall at pinuntahan yung bookshelf. Sumilip ako sa siwang. Hindi pa ako nakuntento, umikot pa ako sa likod ng shelf.

Naguluhan yata sakin si Shall. "May hinahanap ka ba?" tinanong niya ako.

"Wala. Nagkaroon lang ako ng guni-guni."

Tinapos ko ang ginagawa ko hanggang sa nagkaroon na ng bundok ng mga libro sa gitna ng library. Saka lang ako napaisip.

Hindi ko sila pwedeng sunugin dito sa library. Meaning, kailangan ko silang ibaba lahat sa open ground. Amp.

Forlorn MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon