Opus 58

3.3K 107 12
                                    

Gabi noong napunta siya sa creek na iyon. Nagpaanod ang kanyang katawan kasama ng mga basura. Dumaan ang umaga nang wala man lamang nakapansin sa kanya. At sumapit na naman ang gabi.

Idinilat niya ang kanyang mga mata. Dumako ang kanyang paningin sa may dibdib niya. Nakatarak doon ang isang patalim.

"Aaaaah.. AAAAHH!" binunot niya iyon at bumulwak ang dugo sa kanyang sugat. Kumapit siya sa pumpon ng basura upang maiahon niya ang kanyang sarili.

"Miss? Ayos ka lang?"

Nilingon niya ang isang lalake. Madungis ito at may amoy. May hawak itong sako at ice pick. Nasa akto ito ng pangangalkal ng basura.

Ngumiti siya dito. "Nagugutom ako eh. Maaari ka ba?"

Lumapit siya sa lalake at dinilaan niya ang patilya nito. Maalat na maasim; lasang pawis.

Nabitawan ng lalake ang mga hawak niya. Nagpalinga linga muna siya. Walang tao. "D-dito na ba?" tanong niya sa babae. Ipinaloob niya ang kamay niya sa loob ng hapit na palda ng babae.

Umungol ito na para bang nasarapan. Sunod niyang nilamas ang dibdib ng babae. Nang hindi na siya makapagpigil, nagtanggal na siya ng sinuturon at—

Whaaaarrrghh..

Bumuka ang BUONG MUKHA ng babae at naging napakalaking bibig iyon na puno ng matatalas na ngipin. Ang mahabang dila nito na parang ahas ay lumingkis sa kanyang leeg. Bago pa siya maubusan ng hangin, nakita niya kung paano tinuklap ng halimaw ang kanyang tiyan at nilamon ang kanyang mga laman loob.

——

Madilim sa dirty kitchen ng kanilang bahay nang siya ay dumating. Doon siya dumadaan kapag late na siyang umuuwi mula sa paggimik. Natapilok siya sa sarili niyang stiletto at nasagi niya ang basong babasagin sa may counter table.

Crash!

Lumikha yun ng ingay.

"Sino yan?" may humahangos na sumugod sa kinaroroonan niya. Kinapa nito ang lightswitch.

"M-mama, ako to.. Please.. Wag mong bubuksan ang ilaw." mangiyak ngiyak siya pagkakita niyang yun ang kanyang ina.

Naningkit ang mga mata ng kanyang ina. Inaaninag siya sa dilim. "OH MY GOD RONAH! What happened to you?! Bakit ka—"

Duguan si Ronah, mula bibig hanggang dibdib. Pati kamay nito ay duguan. Masangsang ang amoy ng anak; naghalo ang amoy kanal, basura, pawis at lansa.

Humagulgol ito kaya't naawa siya. Niyakap niya ang anak.

"S-sinong may gawa niyan sayo?! Mananagot sila! Idedemanda natin sila!"

Forlorn MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon