Opus 75

2.9K 94 2
                                    

Race's POV

Hindi ko mapigilang mangiti habang nakatitig ako kay Aster. Sa wakas ay nakadaupang palad ko siyang muli, although may mga ilang pagbabago sa kanya. Asyano si Aster at sa pagkakatanda ko ay light brown ang shade ng mga mata niya. Ngayon ay kulay asulan na ang mga yun na para bang mula sa ibang tao.

"Ako ang tito Race mo Aster." nakangiti kong sinabi yun sa bata. Too bad dahil hindi nga niya talaga maalala ang nakaraan. Ganunpaman, ang mas mahalaga ay wala na siya sa pagkakacomatose.

Tumango lang siya. Nakayapos siya sa bewang ni Galatea na sa akala niya ay kanyang 'ina'. Ganun ang instinct ng mga batang bampira eh. Naghahanap sila ng warmth ng isang ina. Pero paglipas naman ng mga taon, nawawala ang attachment na yun. Karamihan din sa mga bampirang nagmature na, pinapaslang ang sarili nilang ina.

Napatingin ako sa kamahalan. Kanina ay nakangiti siya at masaya kaming kinakausap. Bigla siyang nagbago. Halata ang pagkabalisa niya. Nung magtama ang paningin namin, batid kong may gusto siyang sabihin ngunit hindi yata niya alam kung paano sisimulan.

"May gusto ka bang sabihin, Kamahalan?"

"-Race.. may- kapatid ka ba o di kaya'y kakambal?"

Nagulat ako sa itinanong niya. Ako? May kakambal? Imposible-

"Ah wala po. Bakit niyo naman yan naitanong?"

Itinaas ng kamahalan ang kanyang hintuturo. "-Sa likod mo.. Nandun siya. May mahaba siyang pilat sa mukha."

Seryoso ba talaga yung sinasabi niya o ginugoodtime niya ako?!

Parang may naramdaman akong kung anong kakaiba sa likuran ko. Paglingon ko-

Napailag akong bigla dahil sa lumipad na drawer galing sa isang filing cabinet. Hindi lang yun, nagsilutangan ang mga botelya ng gamot na nakapatong sa ibabaw ng cabinet!

Crash! Crash! Crash!

Napasandal ako sa pader kakailag. May kung anong hindi nakikitang pwersa ang balak yata akong itarget shooting.

"HIO ANO BANG GINAGAWA MO KAY LORD RACE?!" sigaw ni Galatea habang ang kamay niya ay nakatakip sa mga mata ni Aster.

"W-WALA AKONG GINAGAWA! Siya yung gumagawa nun!" itinuro ng kamahalan ang kinapepwestohan ko kanina.

Nagpalit-kulay ang aking mga mata- mga matang nakakadetect ng mga spiritual activity. Pinag-aaralan ang eye-technique na yun. Kailangan ko nun dahil isa akong hunter; at dahil na rin siguro sa malaking takot ko sa vizcondeng si Lord Harlequin noon.

May nakikita ako sa direksyong itinuro ng kamahalan. Malinaw kong naaaninag ang mukha nun at laking pagtataka ang naramdaman ko dahil iisa lang ang mukha namin-maliban sa mahabang pilat niyon sa mukha. SINO SIYA?!

Bakit puno ng galit ang mga mata niya habang nakatingin sakin?

"H-huminto siya sa pagwawala nung mapadikit ka sa nilalang sa likuran mo-" ani Kamahalan.

Dahan dahan akong lumingon. Tas paglingon ko, direktang nasa likuran ko ang isang nilalang na nakasuot ng bungo ng isang uri ng hayop na may dalawang sungay. Nakatapis siya ng mahabang itim na tela sa bewang at ang buong katawan niya ay nababalutan ng itim na balahibo. Nakanganga siya at yung dila niya ay nakalawit na sa sobrang haba ay abot hanggang pusod niya.

****

Hio's POV

Hindi ko inaasahan ang muling pagpapakita ng kamukha ni Race. Apat sila actually. Pero wirdo kasi yun lang talaga ang naging bayolente pagkapasok ni Race sa ward. Galit na galit siya kay Race pero di ko alam ang dahilan. Since hindi niya masaktan ng direkta si Race, pinagbuntunan niya ang nananahimik na cabinet sa isang sulok.

Forlorn MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon