Opus 52

3.5K 108 0
                                    

Div Umbra's POV

Bumalik ako sa loob ng bar dahil bumalik ang asawa ko sa loob. Ang ginawa niya— mas lalong naglasing.

Ang bigat siguro ng pinagdadaanan niya. Ang lakas ng toyo. Kahit minsan di ko pa yata siya nakikitang tumawa o ngumiti man lang. Kung hindi siya seryoso, galit.

Pinaglihi ba to sa sama ng loob? Sinasayang niya ang ganda niya eh.

Sabagay ganyan ako dati. Naiintindihan ko siya, marami talagang nakakainis sa mundong ito.

Binubuksan na niya ngayon ang pangatlong bote niya ng Vodka. Wala akong balak pigilan siya sa paglalasing niya. Gusto ko lang siyang panoorin.

Napasandal siya sakin. Lasing na lasing na nga, sige inom pa rin!

Mayamaya, pumikit na ang kanyang mga mata at nakatulog na siya.

Hinubad ko ang overcoat ko at ibinalabal sa kanya. Sinipat ko ang aking relo. Kapag lumipas ang tatlumpung minuto at hindi pa dumarating ang hinihintay ko, iuuwi ko na ang asawa ko.

Habang naghihintay, hinawakan ko ang kamay niya kung saan nakamarka ang fleur de lis.

Naroroon pa rin naman ang markang yun pero alam kong wala na iyong bisa. Napansin ko yun kanina nang may makabanggaan siyang mga alipin.

Idiniin ko ang aking hinlalaki sa gitna ng kanyang palad. Kung gusto ko siyang mapasakin nang buo, kailangang umibig siya sakin.. yun na lang.

Nakakainis nga talaga ang puso ng bampira. Daming inarte!

"—Hinihintay mo ba ang pagdating ko?" anang binatang huminto sa harap ng aming mesa. Sa wakas dumating na ang kapatid ng asawa ko.

"Ikaw si Noir tama? Nararamdaman mo bang gustong gusto kitang makausap ngayon?"

Tumango siya. Lumingon ako sa asawa ko. Tumayo ako at binuhat ko siya bago ako nagtanong kay Noir. "Saan ko siya pwedeng ihiga pansamantala?"

"Sa dressing room katabi ng backstage. Mayroong mahabang couch dun." sagot ni Noir. Sinamahan niya ako papunta dun. Nang maihiga ko na sa couch ang aking asawa, sumama ako sa kanya.

Tumungo kami sa loob ng isang maliit na opisina katabi lang ng dressing room.

Iminuwestra niyang maupo ako sa isa sa mga silya. Siya naman ay naupo sa likod ng desk.

"Hindi ka isang bampira pero nagpapanggap kang bampira. Hindi ka naman din isang tao. Napapaisip tuloy ako." panimula ko. Ayoko ng paligoy ligoy.

Ngumiti muna siya. "Napakagaling mo para makilatis mo ang pinakatatago kong lihim." aniya.

Forlorn MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon