Opus 23

4.3K 121 8
                                    

Hio's POV



Wala ang ForMad sa bar ngayong gabi. Sa isang recording studio kami pumunta.


Langya. Kami na ang magrerecording nang gabi!


Importante para samin ang oras kaya pumunta lang kami dito nang prepared na talaga kami. Ready na ang mga songs namin at pre-recorded na ang mga gusto naming arrangements.


Bago ang actual recording, nagbriefing muna kami kasama ang mga staff at recording engineer.


Pinalitan namin ni kape ng mga bagong heads ang gagamiting drums at pinalitan din namin ng bagong strings ang mga guitars.


Mas maganda daw ang tunog kapag fresh ang mga strings at heads. Tumulong din kami sa pagpaplug ng mga instrument sa amplifiers at mics.


Tapos nun, nagvocalization sina Kape at Manika.


And finally, pagkatapos ng 983762 years, nagsimula na kami ng session.


Pack up na kami bandang alas tres ng madaling araw. Nakatapos kami ng ilang kanta. Hindi pa rin totally tapos ang buong recording kaya babalik pa kami.


Sa kotse na lang talaga kami nagkausap-usap ng kaswal.


Si Noir ang driver. Nasa front passenger's seat si manika. Kaming dalawa ni Kape ay magkatabi sa backseat.


"—Malapet na pala berdey mo no pareng Heyo?" sabi ni Kape.


Taeng yan. Pinaalala pa.


"Wala akong balak magcelebrate." maagap kong sagot.


"Bakit wala?" singit ni Noir sa amin.


"Ordinaryong araw lang ang tingin ko sa mga ganyan. Kahit kasi taunan mo pa icelebrate, hindi mo naman talaga mararamdaman kung ano nga ba talaga ang ipinagdiriwang mo. Eh nung lumabas tayo sa mga nanay natin wala pa tayong malay—" tangena, talaga bang galing ang mga salitang ito sa bibig ko?


Side effect na yata to ng pakikipaglaplapan kay manika!


"—Kehet enuman man lang pareng Heyo?"


"Yon! Pwede!" dun lang naman kami magaling.


Ilang araw na nga lang ba bago ang birthday ko?


Binilang ko sa mga daliri ko simula sa petsa ngayon. Pitong araw na lang. Saktong isang linggo mula ngayon.


May mababago na ba sa akin o sa paligid ko o sa takbo ng buhay ko kapag nadagdagan na ng isa ang edad ko?


Forlorn MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon