✮ LOVE RIDE 31 ✮

Start from the beginning
                                    

"Thank you, sis! Teka, okay na siguro 'to. Gutom na rin ako. Tulungan mo 'ko, sis, alam mo na, marami 'to."

"Proud ka pa sa pagiging impulsive buyer mo 'no? Gaga." Napailing na lang ako.

Nasa department store kami. Actually, medyo kanina pa kami rito sa fitting room. Kanina pa nga ako nakapili, ang bagal-bagal niyang magsukat. Ako rin pumili ng mga dress niya. Well, madalas ako naman talaga. 'Di kasi 'yan marunong ibagay clothing purchases niya. Tho, these days, sa mga sine-send niya sa messenger at pino-post niya sa instagram, nag-i-improve naman na siya.

"God! 'Yung two-piece ko!" she exclaimed n'ong nasagi ng isang hanger 'yong isa.

I was schocked na may pinili pa lang siyang gan'on. 'Di ko naman napansin. Ayaw yatang ipakita nang sira.

"Ba't naman may two-piece?"

"Sis, kasi naman 'no, magna-19 ka na next year, pag-aaral lagi inaatupag mo. Nahuhuli ka na tuloy. Baka nga, mabulok lalo 'yan! Gamitin mo naman!"

"Bunganga mo, gaga ka. As if naman need kong i-display, sira ka ba? At kanino naman? 'Di obvious na wala?"

"Wala ba talagaaaa? Sabihin mo lang sa 'kin sino ba 'yang helmet guy na 'yan, ako na bahala mag-plan tutal, tinulungan mo rin ako n'on.

"Good advice, ha, gaga. Not a good role model. Kadiri ka."

"Sus. Babaho talaga 'yan, nako!"

"Hygiene. Feminine Wash. Gaga."

"You don't understand kasi, sis. Hindi 'yun. Wala ka talagang excitement sa katawan."

Wow. Excitement. As if naman ang excitement para lang sa love for the opposite sex at 'kala mo naman talaga, sa love lang 'yon mafi-feel.

Dahil nag-uumpisa na akong mainis sa kaniya, ako na mismo lumabas para makabayad na rin siya kasi malamang, hindi matatapos 'yon.

But I was wrong. Ang gaga, akala ko tapos na kami sa topic na 'yon, pero 'di pa pala. Nasa mall pa n'yan kami, ha?

"Sa tingin mo, sis, magugustuhan kaya ni Khalil 'yung two-piece?" Napatingin tuloy si ateng isa.

Matagal naman na kasi siyang ganyan. Hindi siya takot kahit gan'on 'yong topic and I know marami namang katulad niya. Well, good for them. No filter. Transparent. Pero, I'm wondering if do they consider what their company would feel? Na awkward. Nakakahiya. 'Pag may ibang tao. Gan'on.

"Paano ko madya-judge? 'Di ko nakitang suot mo. Pero, I actually like its appearance and color."

"Sis, kahit naman siguro 'di bagay, magugustuhan pa rin ni Khalil." Lumipad 'yong kanang kamay niya sa bunganga nito at sinira ng nakakainis niyang pagbungisngis ang tenga ko. Ewan ko na lang talaga.

"Tara na nga. Nagiging baliw ka na."

"Sus. Wala ka kasing mapag-send-an."

"What the fuck, Kate?"

Noong time na 'yon, naglalakad na kami papuntang counter at wala talaga siyang pake dahil ang lakas-lakas ng boses niya.

"Sis, parang ang dumi naman yata ng naiisip mo? Evident sa reaction mo. It's not like that naman na for thirst trap gan'un. Naiintindihan ko naman din kasi nga you don't have a boyfriend pa. You've been living under a rock."

"Ga'no kadalas 'to? Sabihin mo. Do you casually send pics to him? Boys are boys. Has it came to a point na pino-force ka niya to send pics na alam mo na? And you're not just telling it to me?"

"Why are you curious, sis? I mean, hindi naman sa ayokong sabihin sa 'yo, it's new lang kaya!"

"I'm concerned, that's it. Magagalit talaga ako sa 'yo 'pag 'di ka nagsabi lalo na ganito pa. Sasampalin kita, sasabunutan."

Love Ride (LOVE TRILOGY #1)Where stories live. Discover now