04: MISERY

147 3 0
                                    

APRIL 4, Tuesday

Panay pa rin ang reklamo ni Aiden dahil sa pagkagat ko sa braso niya kahapon. Nagmarka ito at medyo nagkapasa pa. Served him right though. Kasalanan niya rin naman eh.

I created a group chat for our reporting and named it FE-G5.

                    1:32 PM

                    Hello, everyone!

                    Magbibigay ako ng division ng

                    works natin within this day.

                    Thank you.

Nang maka-receive ako ng reply ay binlock ko na ulit ang Messenger app ko. Hindi naman ako katalinuhan sa engineering, but compared to my groupmates' capabilities in handling a group, I think I'm a better option to act as the leader.

Wala kasing pasok buong maghapon kaya inaya ko na munsa si Aiden na pumunta sa library. Never ko pang nakita si Aiden na nag-aaral, pero matalino ito. Mas matalino kaysa sa akin. Madaling makaintindi si Aiden ng concepts, sa kaniya nga ako parating nagpapaturo 'pag litong-lito na talaga ako sa isang topic. Sa tuwing pumupunta kami rito, ang tanging ginagawa niya lang ay magbasa saglit ta's maiidlip na. Hinahayaan ko na lang si Aiden dahil paniguradong buong magdamag na naman itong nag-e-edit at naglalaro. Masyado kasing focus si Aiden sa mga passion niya, media and editing.

Katulad ko, parang wala rin itong interest sa civil engineering, pero kahit ganoon ay parating pumapasa si Aiden sa lahat ng subjects namin. Unlike him, kinakain ng kurso ko ang lahat ng oras ko kaya minsan lang talaga ako nakakapag-drawing at sulat.

After kong ma-annotate ang printed materials na pinrepare ko kagabi ay dumiretso na kami sa Mintea. Maliit lang 'to na establishment at hindi rin masyadong kilala. May anim lang na table of two at dalawang table na kakasya ang anim na tao.

Napahawak ako sa ulo ko habang naghihintay sa pagkain namin at napapikit.

Inanounce officially kanina sa'min na wala kaming pasok from April 5 to 10 dahil holy week. Naiinis talaga ako sa tuwing may breaks. Not that I was eager to go to school, which I totally wasn't, but I disliked the idea of myself procrastinating.

Ewan ko nga ba, baka may ADHD ako, 'di ko rin alam. Sa tuwing naiiwan kasi ako sa bahay kasama ang cellphone ko, I would always find myself wasting hours upon hours on mindless activities through social media. It was a vicious cycle, kaya nagi-guilty ako parati.

And now, with a whole week of free time stretching out before me, I knew that I was in trouble. I could already feel the urge to procrastinate creeping up on me. Pero malay natin, baka chance ko na 'to para mag-recharge. Or it would be a week wasted na naman. Wala pa naman talaga akong self control.

Napamulat naman ako agad nang marinig ko ang boses ng isang babae sa harapan namin. Mga nasa mid-30s ito at nakabalot ng net ang buhok niya. Ngumiti ito ng malapad. "26," sabi niya at kinuha ang standee na nasa table namin. We cleared our table at inilagay na nito ang plates mula sa tray niya. His gaze shifted to the receipt briefly, double-checking the items listed. Nang masigurado niyang kumpleto ay umalis na ito.

"Sana all perfect," I started, watching Aiden's brow furrowed in confusion pagkakagat niya ng fries. Inilapag niya ang cellphone niya sa table.

Pagkainom ko ng milktea ay medyo nawala nito ang pagkainis ko. Sobrang na-miss pala talaga ng panlasa ko ang Matcha-Stawberry nila.

Pinatong ni Aiden ang malapad niyang kamay sa ulo ko na mabilis ko namang winaksi. "Dahil na naman ba 'to sa 10/10 na score ko sa STS kanina?" Napatawa ito. "Mag-move on ka na."

The Burnt Out Gifted Kids (Under Revision)Where stories live. Discover now