Chapter Nine - Steve

165 7 1
                                    

"Kailangan ba talaga 'to, ma?" Tanong ko kay Mama habang nakatingin sa sarili ko sa salamin.

"Syempre naman, anak. Kailangan maging bongga ka mamaya." Sagot sa akin ni mama habang inaayos ang aking buhok.

"Eh saan ba tayo pupunta?" Sabi ko.

"Surprise na lang yun anak." Bulong niya sa akin.

Pagkatapos ko mag-ayos, bumaba na ako para tingnan kung ready na si mama. And to my surprise, ready na ready nga siya. Saan ba talaga kami pupunta at ganito siya ka-handa?

"Ma, pwede ko bang isama si Hannah?" Tanong ko sa kanya.

"Sige, tawagan mo na lang siya." Sagot niya.

"Ge ma, labas lang ako."

Pagkalabas ko, agad kong kinuha ang cellphone ko at sinimulang magpipindot ng kung ano ano para matawagan si Hannah.

Calling Bitz Hannah...

("Hello?")

"Hoy! Sama ka sa akin."

("Saan?")

"Hindi ko nga alam e. Si Mama kasi, pinaghanda ako ng masyado. Kinakabahan tuloy ako. Hindi niya naman sinabi kung saan kami pupunta kaya sumama ka na." Pang-pipilit ko sa kanya.

("Kelan ba yan?")

"Ogags! Handang handa na nga ako e. Edi ibig sabihin, ngayon na yun! Slow mo! Pagong." Pang-aasar ko sa kanya. Ang slow e -_-

("Hala! Ikaw na nga 'tong nagpapasama, ikaw pa ang ganyan. Dyan ka na nga. Di kita sasamahan.") Pagkukunwaring nagtampo na si Hannah. Tss. Masyadong obvious.

"Bilis na kasi, Hannah. Samahan mo na ako." Pag-mamakaawa ko sa kanya.

("Hindi pwede. Sorry talaga! Kasi naman, itong si Drake–")

"Drake? As in, Drake na kuya ni Bl–"

("Hephep! Don't even dare.")

Okay, napatigil ako kasi nakakatakot na yung boses niya. Hindi naman ganyan si Hannah eh. Minsan nga nagkakaganyan siya kapag seryosong seryoso na ang topic at ayaw niya iyon pag-usapan.

(*sighs* "Kasi naman. Wag mo na lang siya imention.")

"Sige sige. Eh kung sasama ka nga?"

("Sorry ha. May slumber party kasi kina Drake. Eh pinilit ako sumama. Kaya ayun. Tsaka may mga bago sa grupo na hindi ko kilala, kaya pumayag na lang ako.") Pag-eexplain niya.

"Talaga lang ha."

("Pwe! Bye na nga.") At binaba niya na ang phone.

So final na, ako lang mag-isa. Hindi naman talaga mag-isa, kasama ko naman si Mama, pero kainis e.

Maya-maya lang ay lumabas na din si Mama. Dala dala ang Hermes niyang bag. Di ko talaga maintindihan bakit ganun siya. Kasi dati, simple lang naman manamit si Mama e. Pero ngayon, ibang iba na. Ganyan ba ang impluwensya ng London sa mga tao? Tch. Nahawa na ako kay Jiro e.

"So ready ka na, anak?" Tanong niya sa akin.

"Eung [yes]." Sagot ko sabay labas sa gate.

Nung sumakay na kami, may nakita akong kakaiba sa balikat ni Mama. Isang tatsulok na may bilog sa gitna na parang mata. Okay, ang weird.

"Ma, asan tayo?" Tanong ko habang inalalayan ako ni Mama sa paglalakad. Naka-piring kasi ako ngayon. Ewan ko ba anong nakain ni Mama, baka may ipapa-date siya sa akin. Ganun daw kasi yun kapag business woman/man ang parents mo. Ipapa-date ka sa mga anak ng ka-business partners nila. Tss. Ang gulo ng buhay.

"Surprise!" Sabi ni Mama habang tinatanggal ang piring niya sa akin.

Nasa garden kami, may nga flowers sa gilid, candles, lahat ng maiisip niyong romantic! Nandoon. Pina-upo ako ni Mama sa isang chair. At nakalimutan kong imention na may dalawang chair lang dito, so ibig sabihin may date ngang magaganap.

"Ma, sino namang– Steve?" Sabi ko nung nakita ko ang kababata kong si Steve.

"May! Ang ganda mo na ah. Namiss kita." Sabi niya habang yakap yakap niya ako.

Grabe! Namiss ko 'tong kutong lupa na 'to. Oh BTW, Siya si Steven Emery Salvador. Friend ko siya simula nung 4 years old pa lang ako. Bad boy siya dati. Ewan ko lang ngayon. Umalis kasi siya last two years ago. Nagpunta silang Korea kasama ang family niya para sa isang business. Akala ko doon na nga sila titira, pero nagbalik siya! At ang  saya saya saya ko :))

"Gaga. Kaganda mong kutong lupa ka. Mas namiss kaya kita!" Pagbibiro ko sa kanya.

"Grabe. Kwento ka naman, May." Sabi niya habang umupo sa tapat ko.

"Ayun, may mga nakikita ako." Pabulong kong sinabi kasi alam kong nalulungkot siya sa tuwing pinag-uusapan namin iyon. Dati kasi noong 11 years old pa lang ako, may nakita ako. Katulad ng nakita namin ni Jiro. Pero nawala na iyon. At bumalik na naman ngayon.

"Wag ka nga babakla-bakla dyan! Ikaw naman magkwento." Sabi ko sa kanya.

"Kaka-uwi ko lang dito kahapon eh. Tapos may isang babae na tinabihan ko sa isang bench sa park. Maganda siya. Eh napansin kong nakatingin siya sa akin, odi biniro ko. Ta's ang moody pala. Bigla akong sinampal. Sayang di ko tuloy nalaman pangalan niya. Tsk." Pag-eecplain niya.

"Kakatawa naman 'yan! Hahaha. Wag ka mag-alala, makikilala mo rin yan. Maliit lang ang mundo noh!" Sabi ko.

"Gutom na ako. Tara, kain na tayo."

At kumain na nga kami. Pagkatapos namin kumain, napagpasyahan namin na maglakad lakad muna kasi nasa garden lang kami ng park ng subdivision namin. After ilang minutes, na-upo kami sa isang bench.

"Saan ka nga pala mag-aaral?" Tanong ko sa kanya habang naka-sandal ang ulo ko sa balikat niya. 

"Saan mo gusto?" Sabi niya habang tinitignan ang mga nagniningningang butiun.

"Sa school ko." Sagot ko.

"Sige." 

:)

Ang saya ko. Akala ko habang buhay na akong dadalawin ng takot ko. Salamat at nandyan si Steve.

**

A/N: Yan na! Nag-UD na ako. Birthday kasi ni Myungsoo kaya pagbigyan na. At napagdesisyonan ko na rin na ang portrayer ng mga characters ay KPOP idols. 

At si Steve ay si Myungsoo. Mwahahhahahahaha! Btw, basahin nyo side-story nito.

Just click the External Link.

That's all. Comment, vote, fanimos!

A Twist in my Story [ON HOLD]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang