Chapter Two - Bestfriends

254 13 7
                                    

Hingal na hingal ako. Tinakbo ko simula campus hanggang park e. Para kasing may sumusunod sa akin. Pag tingin ko naman sa likod, wala pala. Sayang effort. Tumakbo ako sa wala. Tch. Maka uwi na lang.

Kinuha ko yung iPod ko sa bag. Soundtrip lang pag maglalakad pa uwi ang lagi kong trip e. Pagkatapos kong pumili ng kanta, pinlay ko na. Sumabay sabay din ako ng konti sa kanta.

"Shit." Nagbuntong hininga ako ng may bumagsak sa harap ko.

"Dahon lang pala." Sabi ko sa sarili ko. Tapos pinause ko yung kanta sa iPod ko.

May nararamdaman na naman ako na sumusunod sa akin. This time, tumingin ako ng diretso sa likod. Sus. Pusang gala lang pala.

Puro maling akala ako ngayong araw ah. Baka mali din ang iniisip ko na snob yung Lance? Hala! Bakit ba yun ang pumasok sa isip ko? Erase, erase, erase.

**

Nakarating na ako sa bahay. As usual, wala na naman ang parents ko. Palagi kasi silang busy sa work. Kaya naman di kami close e. Kapag may mga reunion, may sarili akong mundo. Lagi na lang nakaheadset. Kasi nga hindi close sa family. Ano magagawa ko? Laging wala e.

Umakyat na lang ako sa kwarto ko ng biglang tinawag ako ni yaya.

"Señorita Isabella, may pinaiwan si Señora Isabel sa inyo." Sabay abot niya sa akin nung letter.

Tss, pwede naman akong itext ni Mama ah, bakit may pa letter letter pa siyang nalalaman?

Binuksan ko na lang yung letter

'Anak, pasensya na at hindi ako makakaattend sa Family Day niyo sa school. Wala kasi ako nun dito sa Pinas. Pupunta ako sa London next week para sa business natin. Matatagalan ako dun. Alam mo naman na growing ang business natin. Siguro two months ako dun. Pasensya na talaga anak. Baka hindi rin ako makarating sa birthday mo. Pero magththrow ako ng party para sa'yo. Promise anak, next year, babawi talaga ako.'

Mangiyak iyak na ako nung nabasa ko yung sa pahuli. Okay lang naman sa akin na hindi sya makadalo sa Family Day namin sa school. Sanay na ako dun.

Pero sa 16th birthday ko, di pa din siya makakarating? Lagi na lang siyang ganun. For the past 5 years, ganun siya. Sari sari ang binibigay na dahilan.

Ang sakit lang, sarili mong ina hindi madaluhan ang birthday mo. Isang beses lang sa isang taon yun. Yun din ang araw kung kailan ka niya iniluwal sa sinapupunan niya. Kaya dapat special yung araw na yun.

Pero ano? Wala di ba? Buti na lang andyan si Papa.

Tinawagan ko na lang siya.

Nagring. Kaso walang sumasagot. 

Ano ba yan.

Pagkababa na pagkababa ko ng phone ko, bigla naman itong nag ring.

Tiningnan ko ang caller id.

Bitz Hannah calling...

Sinagot ko

"Herrrrrrooooo!! Bitzzzzz!" Hyper na hyper na sagot ni Hannah. Siguro nakapanlalake na naman to'. Ang saya e.

"Oh? Problema mo?" Sarkastikong sagot ko sa kanya.

"Ang saya! Nagtapat na siya sa akin! Nagtapat na siya!" Nakakabinging sigaw niya. Grabe, mababasag eardrums ko nito e.

"Hannah Jade Guzman! Kalma lang. May bukas pa." Pasigaw kong sabi. Kakabingi na e.

"Kasi naman, Bella! Ikaw ba naman hindi kikiligin na kung yung lalakeng mahal na mahal mo simula bata e malalaman mong mahal ka rin pala. Palibhasa kasi hindi ka pa naiinlove." Tuloy tuloy niyang sinabi.

"Oo na, oo na. Punta ka na lang dito para hindi ka nagsisisigaw dyan." Sabi ko sa kanya habang sumalampak sa bed ko.

"Sure sure. OTW na ako. Bye."

"Bye"

After 10 minutes...

"Isabella May G. Shapiro!" Nagising ako bigla ng may sumalpok sa pinto ko. Andito na pala si Hannah. Kahit kailan talaga ang babaeng to', puro katiklahan.

"Andyan ka na pala." Sabi ko sa kanya tapos tinakpan ang mukha ko. Nakatulog pala ako.

"Hello. Hi din. Hindi, wala pa ako dito. On the way pa ako. Kaya tumayo ka na dyan at mag psycho dance na tayo kasi ang saya saya saya ko!" Tuloy tuloy nyang sabi.

Ang weird din nitong babaeng to' e. "Wala ako sa mood." Walang buhay kong sagot sa nag psypsycho dance na babae sa harapan ko.

"Hala, anyare na naman? Dahil na naman ba sa family mo? Specifically, dahil sa nanay mo?" Hmm, alam na alam. Bestfriend ko nga to'.

"Kasi naman..." Nagbuntong hininga ako. "Di na naman daw siya makakaattend sa birthday ko." Mangiyak iyak kong sabi.

Umupo naman siya sa tabi ko at pinat ang likod ko. "Tahan na, Bella." Sabi ng bestfriend ko habang pinapat pa rin ang likod ko.

"Kasi..naman.. 5 years na.. 5 years ng hindi ako sinisipot ng sarili kong ina sa araw ng pagkasilang.. ko. Ang sakit kaya. Miss ko na rin siya e. bakit ba hindi nila ako maintindihan? Gusto ko lang naman ng time e. Hindi ko kailangan ng mga kayamanan na yan. Gusto ko lang makasama sila.." Umiyak na ako. Di ko na mapigilan.

Sa tuwing pinag uusapan kasi yan, naiiyak ako.

"Shh.. Tahan na. Andito naman ako e. Icelebrate na lang natin yan kasama ang dad mo." Sabi nya habang hinahug ako.

Umiiyak pa rin ako. Wala akong masabi. Every year kaming ganito ni Hannah. Buti pa siya, laging nasa tabi ko. Pero yung sarili kong ina? Wala. Ni hindi nga ako matawagan e. Gaano ba kahirap ang idial ang number ko? Hindi naman aabot ng sampung pindot nun sa screen.

Ang sakit lang talaga.

"Shh. It'll be better." Sabi ni Hannah.

Maya maya lang, nakatulog na ako.

**

"Good morning, señorita Isabella." Bati ni yaya.

"Good morning po. Si Hannah?" Tanong ko sa kanya.

"Ah eh nakauwi na po siya, kanina lang." Sagot niya at ngumiti.

Ang bait talaga ng bestfriend ko. Kaya naman mahal na mahal ko yun e.

Kumain ako ng breakfast at naghanda na para sa school.

Haish. May klase na naman.

Pagkalabas na pagkalabas ko sa bahay, may nakita akong shadow.

"Shit." Nagbuntong hininga ako. Seriously, sa tuwing lalabas ako ng bahay, lagi na lang akong may nararamdaman na may sumusunod sa akin.

Naglakad na lang ako, di ko na lang pinansin yung feeling na yun.

"Psst."

Shit. May sumitsit

A Twist in my Story [ON HOLD]Where stories live. Discover now