Chapter Four - Kiss

162 11 5
                                    

Dedicated to Nelshuu. 

Labyaaa Lovidoves muahkissy bunch :)) 

Dali dali kong hinabol si Lance sa hallway. Anong problema nitong mokong na 'to? Ba't biglang di namamansin? Matapos niyang gawin sa akin yun! 

*flashback*

Dali dali akong tumayo sa kinahihigaan ko at tumakbo pababa. Natigil ako bigla nang marinig kong may kausap si Hannah. Teka, si Hannah may kausap? Sino namang nilalang ang pumupunta sa bahay ko sa ganitong oras? E anong oras na nga ba?

*tingin sa relo*

9:47 pm. 

Hinay hinay akong bumaba sa stairs. O____________o

Si...

Lance

Si Lance? Sheet! Anong ginagawa nun dito? Hala? Bakit ang pogi niya sa white shirt niya? Anla! Ba't yun ang iniisip ko? Concentrate Isabella, concentrate. Sa mukha ka tumingin, huwag sa...

Sheet! Naghuhubad ng shirt sa harap ni Hannah? Anong trip nung dalawa? Akala ko ba ikukuha ako ni Hannah ng gamot? Bakit siya nakikipagharutan kay Lance?

"Hoy, tama na ang titig." I snapped back to reality nung sinabi ni Lance yan. Hala? Nakita niya pala ako. Walangya!

"Oh, Bella, andyan ka pala! Halika dito, andito si Lance. Boyfriend mo siya di ba?" Sabi ni Hannah na nagbbeautiful eyes pa. Ang landi talaga nitong babaeng to'! Ipapaalala niyo nga sa akin kung bakit ko siya naging bestfriend? Hays.

"Anong boyfriend? Hindi ah! And FYI, hindi kami close. At ikaw naman Lance, anong ginagawa mo dito?" Sabi ko.

"Wala lang" Wow! Ang gandang sagot nyan! Hiyang hiya ako sa kanya kasi hindi siya matipid magsalita. Isang paragraph din yun. Nagspeech talaga sa harap namin. Tss.

"Lumayas ka–" Aray! Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit. Nagdidilim na naman ang paningin ko. Teka, ano yung sa likod ni Lance? Itim na may sungay. 

"Bella!" Sigaw ni Hannah pero hindi ko medyo narinig kasi parang ang daming bumubulong sa akin. Hindi ko sila maintindihan.

"Ha? Anong 'Tuo Meus es Tu' pinagsasabi mo Lance?" Nagdidilim na talaga paningin ko.

"Bella, ano bang pinagsasabi mo? Hindi umiimik si Lance!" Bulong ni Hannah.

"Aaaaaahhh!!" Sigaw ko. Hindi ko na kaya yung mga naririnig ko. Ang sakit sa ulo. Mahihimatay na yata ako nito. 

Si Lance, lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang mukha ko at nilapit ang mukha niya.

O____________o

O_____________-

-___________O

-__________-

O_____________O

Hinalikan ako ni Lance. Hinahalikan ako ni Lance!

*end of flashback*

"Aba! Lance!" Sigaw ko sa kanya. Ang snob kasi. Naka-isa lang sa akin, snob na agad? First kiss ko kaya yun. Tapos mapupunta lang sa mokong na di ko pa masyadong kilala na snob na 'to? Unfair yun fre. Sarap kutusan. Kung hindi lang talaga nagdilim ang paningin ko noon, nasapak ko na siya. Ang FC kasi. Tapos tignan mo ngayon!

Lance's POV

Kanina pa ako tinatawag ng babaeng 'to ah. Pero hindi ko siya dapat pansinin, kasi basta! Hindi niya pwedeng malaman yung tungkol sa plano ko. Aish! Nasigaw na naman. Ang kulit niya talaga.

"Ano bang kailangan mo?!" Napasigaw ako sa kanya. Nagtinginan naman yung mga babae sa gilid, tapos nagpacute. Tss, pathetic. Nandito lang naman ako dahil kay...

"Bakit ang snob snob mo ha?! Matapos mong lapastanganin ang labi ko, i-isnobin mo na ako?! Ayos ka rin e. Ipapakulong kita sa kulungan! Di mo ba alam na pulis ang–" Di ko na siya pinatapos. Hinalikan ko na siya. Di ba the best way to shut a girl up is to kiss her? So ayun, I kissed her. Smack lang naman. Hehehe :3

"You're welcome." - ako

Tapos umalis na ako. Naiwan lang siya dun, tulala.

A/N: Pasensya na sa chap na 'to. Di ako marunong humalik e. Kaya ganun lang yun! Haha. Tsaka 13 years old lang ako! Malamang hindi marunong, at wala pa akong balak mag aral kung papaano yun. Hindi ako pinaglihi sa KALAN.

Kaya comment, vote and fan! :))

A Twist in my Story [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon