Chapter Seven - We're Not Even Close

128 9 0
                                    

"Tch." Walang sawang sabi ni Jiro. Kanina pa kami dito sa tambayan namin. Oo, tama kayo, tambayan na namin ni Jiro 'tong malaking puno sa likod ng campus. Ewan ko ba, feel ko safe kami dito. Kahit hindi kami nag-uusap, ine-enjoy lang namin ang presence ng isa't isa. Hindi naman kami close e, tuwing vacant talaga namin dito kami pumupunta.

Napatingin ako sa kanya, nakatingin na siya sa akin. 

"Ang tahimik, di ba?" Tanong niya sa akin. Napa-iling na lang ako, first time niya kasi magsalita ng kami lang dalawa e.

"Wala ka bang nararamdaman?" Tanong niya ulit sa akin. Nung una, hindi ko maintindihan yung tanong niya. Kung ang ibig sabihin niya ba na may nararamdaman ako sa kanya o kay Lance? Tss, si Lance -_- Asa pa.

"Anong ibig mong sabihin?" Sabi ko.

"Shh." Tumayo siya at tumabi sa akin.

Napatahimik akong bigla ng may nakita ako di kalayuan sa kina-uupuan namin. Isang babae na nakapurong puti ang nakatalikod at parang umiiyak. Tumayo naman ang mga balahibo ko sa leeg. Tumayo ako sa kina-uupuan ko dahil lalapitan ko sana ang babae, pero pinigilan ako ni Jiro.

"San ka pupunta?" Tanong niya.

"Doon sa babae." -ako

"Wag." Bulong niya ng biglang hinigpitan niya ang hawak sa braso ko.

"Bakit naman?" Nagtatakang sagot ko sa kanya. Di pa siya nakakasagot, biglang humarap ang babaeng nakaputi. Yung damit niyang puti, puno ng dugo sa harapan, yung mukha niya ay punong puno rin ng dugo. Para bang pinatay siya sa pamamagitan ng pag kaladkad sa kanya sa kung saan man. Laking gulat ko noong lumingon ako kay Jiro, nakatingin din siya doon sa babae. Nung tumingin ulit ako sa direksyon kung saan yung babae, wala na siya. Wala na yung babaeng umiiyak.

"N-nakita mo yun? Ano yun? Bakit ko nakita yun?" Nanginginig kong tanong sa kanya dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko.

"Nakita ko yun." Ang tanging sagot niya.

"Jiro, ipaliwanag mo sa akin kung ano yun at bakit ko rin nakita yun!" Sigaw ko sabay hila ng braso ko na hawak pa rin niya. Hindi ko kasi maintindihan, bakit ko nakita yun? Tsaka, ano ba yun?

"Mamaya. Dito. 4:00pm sharp." Sabi niya at umalis na naiwan ako dun na nanginginig sa kaba.

Kung ano man yun, kailangan kong malaman.

**

Nakakaantok talaga mag discuss si SP. Konting konti na lang, pipikit na ako. 

"Psst." #$*^! Nakakainis, may sumisitsit na naman -_-

"Ano?" Sabi ko dun sa lalake na nasa likod ko.

"Oh." Tapos may inabot siya sa akin na note.

"Meet me at the main gate. 4pm . Sharp

~LF"

"Sino si–" Pagkalingon ko sa likod ko, wala ng tao -_-

Sino naman si LF? Bakit siya makikipagkita sa akin mamayang 4pm? Bakit sila sabay ni Jiro? Hala! Nalilito na ako. 

LF o Jiro?

Tss. Jiro na lang, may sense pa yung sasabihin niya kaysa kay LF na hindi ko kilala.

Habang ang lalim ng iniisip ko, bigla naman akong kinulbit ng katabi ko.

"Ay Jiro!" Sht! Nasigaw ko yung pangalan niya. Bwisit naman kasi yung kumulbit... Tss. Si Hannah -_-

"Jiro ka pala ha," pang aasar niya sa akin.

"Tss." Sabi ko na lang sa kanya. Alam ko naman na hindi ako titigilan ng babaeng 'to e.

"Pano na si Lance?" Sabi niya sa akin. Sabi na nga ba't hindi ako titigilan.

"Tss." Sabi ko ulit.

"Isa pang Tss mo sa akin." Sabi niya. Mukhang naiinis na siya. Tss.

"Ano bang kailangan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman. Para lang kasing spaced out na spaced out ka dyan e." Tss. Yun lang pala.

"Oh eh ano naman?" -ako

"Wala lang. Makinig na lang tayo kay Sir." -siya

Tss.

*RING*

Hay sa wakas! Tapos na rin ang concert ni SP sa amin.

Dali dali na akong lumabas sa room na hindi pinapakinggan ang sinasabi ni SP. Nag-bell na naman e, pwede ng umalis.

A/N: Hanggang dito na muna ako. Gutom na e. Ciao

A Twist in my Story [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon