Chapter Thirteen

Începe de la început
                                    

"Hindi ba pwedeng late lang? Tsaka bakit naman ako mauunang pumasok sa school, e, sinabi ko pa nga sayo kahapon bago ako umuwi na agahan mo?" kunot noong tanong niya na ikinatahaimik ko saglit.

Nawala sa isip ko ang sinabi niya kahapon dahil nagmumukmok ako kagabi. Mag-isa lang naman kasi ako sa bahay at wala naman akong ibang kapatid. Only child ako kaya naman sobrang lungkot ng buhay ko. Nasa malayo pa si mama dahil sa trabaho ang papa ko naman ay kasama na ni god. Hyssst!

"A-akala ko kasi ay galit ka pa rin sa'kin." mahina ang boses na sbai ko bago mag-iwas ng tingin sa kaniya.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya at ang paglapit niya sa akin.

He ruffled my hair and release a relaxing chuckled na bahagyang ikinalaki ng mata ko at ikinayuko lalo ng ulo ko.

Bigla kasing nag-init ang pisnge ko dahil aa tawa niyang 'yon. Takte!

"Ikaw talaga." natatawang panimula niya. "I forgot how softhearted you are. Nag-sorry na ako kahapon, right? Nakalimutan mo na kaagad?" malambot ang tono ng boses na sabi niya na tinanguan ko lang.

Hindi ako makapag-salita dahil aigirado akong mauutal ako at pagtatawanan niya lang ako kapag nangyari 'yon.

"I told you. Hindi ako galit. Wala lang sa mood. Sorry for taking it all out to you." sinserong sbai niya kaya naman nag-angat na ako ng tingin at nginitian siya ng maliit.

"Apology accepted." ngiti ko sa kaniya na ikinangiti rin naman nito pabalik sa akin.

Bumuntong hininga ako at seryoso siyang tiningnan. Ngumiti lang siya sa akin kaya naman lumambot ng bahagya ang matigas na ekspresyon ko sa muka.

"H'wag mo na lang uulitin. Alam mo namang mababaw akong tao, eh." buntong hininga ko na ikinatango-tango niya.

"I promise." nakataas ang kanang kamay na sabi niya na tila nanunumpa kaya naman bahagya akong napatawa.

"Okay na tayo, ah?" nakangiting tanong niya pa oara makasigurado na ikinatango ko naman.

"Oum. Tara na. Baka late na tayo sa first class natin. Nadamay pa tuloy kita." may alanganing ngiti sa labing usal ko na inilingan kang niya.

"Ayos lang. Wala rin namang masyadong ginagawa sa building namin kapag first period. Kung meron man, kokopya na lang ako ng notes kay Hiro." pang-re-reassured niya sa akin na tinanguna ko naman at ikihinga ng maluwag.

Nakalimutan kong ka-close niya nga pala lahat ng nasa building nila at kung nagkataon man na wala siyang kaibigan makakahabol siya sa klase na na missed niya dahil matalino naman ang lokong 'to.

"Sakay na, bilis."

Napakurap-kurap ako matapos mabalik sa ulirat at makita si Seven na nakabend habang nakatalikod sa akin.

Tiningnan niya ako mula sa kaniyang balikat habang nanatili siya sa ganoong posisyon. Nakaluhod ang kanang tuhod niya sa semento habang nakatukod ang isang kamay niya pang-suporta.

"Uy, ami? Sakay na bilis! Baka mahuli pa tayo sa second period." utos niya na tila nagmamadali kaya naman wala sa sarili akong sumampa sa likod niya.

Sinapo niya ang hita ko gamit ang mga kamay niya and then he rose immediately pagakatapos kong sumampa sa likod niya. Tila ba wala lang sa kaniya ang bigat ko. Tumalon pa siya bahagya upang ayusin ako sa likod niya.

Tahimik lang ako habang ginagawa niya 'yon. I can't find my voice to speak, sobrang na-overwhelmed ako dahil sa ginawa niya.

"Kumapit ka ng mabuti sa leeg ko, huy! Baka malaglag ka niyan." sita niya sa akin ng mapansing nasa balikat niya lang ang kamay ko.

Napabalik ako sa ulirat at natauhan dahil do'n.

"S-sorry." nahihiyang sambit ko bago marahang ipalupot sa leeg niya ang dalawang braso ko.

"Ayos ka lang ba d'yan? Komportable ang pwesto mo?" medyo may pag-aalala sa boses na tanong niya at nag-simula ng maglakad.

"A-ayos lang." tipid na sagot ko at saka siya tinitigan.

Kalmado ang muka niya habang nakatingin sa daan. Sobrang gwapo niyang tingnan sa perspective na 'to.

Gwapo siya kapag nakaharap ka sa kaniya ngunit sobrang gwapo rin ng side view niya. Lutang na lutang ang matangos niyang ilong at ang mahahaba niyang pilik mata. Para siyang isang anghel sa paningin ko. Isang gwapo at mapag-alagang anghel.

"I-ikaw? Ayos ka lang ba? H-hindi ba ako mabigat?" nagdadalawang-isip na tanong ko pero imbis na sagot ay malakas na bungisngis niya lang ang naging sagot ko.

"Syempre naman hindi ako okay, ang bigat mo, e." sagot niya kaya naman hinigpitan ko ang pagkakayakap sa leeg niya dahil sa inis.

"Bwisit ka! Huminto ka at baba na ako!! " inis na singhal ko sa kaniya at saka nagkakaqag ngunit hinigpitan niya lang ang kapit sa likod ng binti ko.

"Hey! Stop! Malalaglag ka sa ginagawa mo, e. Nagbibiro lang naman ako." kinakabahan na suway niya sa akin kaya naman napatigil ako kaagad.

"Ang bilis mo talaga mapikon. Nagbibiro lang naman e." buntong hininga niya na ikina-irap ko bago napa ismid.

"Hindi magandang biro 'yon, no!" mahinnag asik ko na bahagyang ikinatawa niya.

"Maagan ka lang, don't worry. Be confident nga. Hindi na ikaw 'yung dating amethyst. Ikaw na 'yung 2.0 version ng dating ikaw." mahabang sbai niya na bahagyang ikinatahimik ko.

"Ikaw na yung amethyst na matapang at palaban. Maganda at matalino. Mabait at laging maasahan. Ikaw na yung better version ng sarili mo. You should be confident about that." dagdag pa niya na siyang ikina-ngiti ko ng patago.

"Maglakad ka na nga lang. Ina-alaska mo na naman ako, eh." kunwaring inis na sabi ko na siya namang tinawanan niya.

"Hindi, ah. Totoo kaya ang sinasabi ko." sabi niya sa gitna ng pag-tawa.

Hindi na ako sumagot pagkatapos no'n at tinawanan na lang siya. Hindi ko kasi alam kung anong isasagot ko. I was flustered at sigurado ako na kapag nagsakita ako ay mauutal lang ako or manginginig ang boses ko.

A comfortable silence was place between us after that hanggang sa makarating kami sa school at luckily nakaabot naman kami sa second period namin.

Hindi naman ako makapag-pokus dahil tanging ang imahe ng side profile ni seven ang pumapasok sa isip ko at ang mga tawa niya at hagikgik.

Napakagat ako sa pang ibabang labi ko habang nakatanga sa tecaher namin na hindi ko maintindihan ang sinasabi.

Seven really occupied my mind. Nakakatakot dahil habang tumatagal ay lalo akong nahuhulog. Para akong nasa alapaap kanina habang nakakarga ako sa likod niya at habang pinapakinggan ko ang malambot niyang boses at parang musika niyang tawa.

Ang ikinatatakot ko lang ay mamali ako ng hakbang. I am afraid that if I take the wrong step, I will step on nothing and fell with a loud bam.

Nakakatakot din palang ma-inlove at magmahal ng palihim. Hyssst!


Moonillegirl🌷

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum