41

26 0 0
                                    

Athena Aphrodite

Naluluha akong bumaling kay Blanca. Except for the fact na di ko alam kung sino tatay ng pinagbubuntis ko ay naisip ko kung anong mararamdaman ni Ares. I will hurt him again.

"Blanca, pano na to? Ikakasal na ako. Paano si Ares?" Iyak ko sa kanya.

Pilit naman akong pinapatahan ni Blanca.

"Di ko alam Athena, pero kailangan mong sabihin kay Ares yan. Nasa kanya na yun kung itutuloy niya ang kasal o hindi." Sabi niya.

Kinabukasan ay pumunta kami sa OB para icheck ang baby. Naisip ko kasi na nag inom kami kamakailan lang ang paka naapektuhan nito ang baby.

"Congratulations Ms. Adallia, you are 1 month pregnant." Sabi nung doctor. Naiyak pa ako nang makita ko ang maliit kong anak sa ultrasound.

"As I can see, healthy naman si baby you have nothing to worry about. I will prescribe you some vitamins and milk para mas maging maayos ang pagbubuntis mo." Ilang paalala ba ang sinabi nang doctor bago kami nagpaalam.

"Nasabi mo na ba?" Tanong ni Blanca habang papunta kami ng kompanya.

"Hindi pa. I'm still thinking on how I will say it to him pero sasabihin ko to bago kami ikasal." Sabi ko at tumango naman siya.

I busied myself with work and thinking how I will talk to Ares. It will be unfair to him na ikasal sa akin knowing na may anak ako sa di kilalang lalaki. It will be a punch to his reputation.

Thursday came nang pagdesisyonan ko nang kausapin si Ares. I called him and thankfully he answered.

"Hello." He said.

"Hello, si Athena to." Sagot ko. This is the first time I called so baka di niya alam.

"I know." Rinig kong buntong hininga niya sa kabilang linya.

"Do you have time? tonight? We need to talk." Sabi ko.

Medyo matagal pa bago siya sumagot at akala ko pa nung una ay hihindi ito.

"What time?" Tanong niya.

"Uhm, 10pm? Sa condo nalang ni Blanca since uuwi siya sa bahay nila dito ngayon." sabi ko.

"Cancel my 9pm meeting." Rinig kong sabi ni Ares sa kabilang linya na ikinalaki ng mata ko.

"Wait, pwede nating imove kahit anong oras." Sabi ko sa kanya.

"No need. I'll meet you there." Sabi niya.

Umoo nalang ako bago ibaba ang tawag. I don't know how this talk will end pero I know for sure na masasaktan ko na naman si Ares.

"Gosh, I don't deserve you Ares. Puro sakit nalang binibigay ko sayo." Sabi ko sa sarili.

10 pm came and kinakabahan na ako lalo. I hope he will understand na di ko to ginawa in purpose, this happened before I even met him again. Napabalikwas naman ako nang tumunog ang doorbell. Dali dali ko tong binuksan at nakita si Ares na naka business suit pa.

"Pasok." Sabi ko at binuksan pa ang pinto. "Kumain ka na ba?" Tanong ko.

Nakita kong kumunot ang noo niya.

"Di ka pa kumakain?" Tanong niya na may halong galit.

"K-kumain na ko. Iniisip ko kung di ka pa kumakain, may ulam at kanin pa naman." Sabi ko.

Narinig ko siyang nagbuntong hininga bago nagsalita.

"I'm fine. Kumain na ako." Sabi niya at naupo sa sala.

Okay this is it Athena. Sabihin mo na sa kanya. I let out a deep breath before calling his attention.

"Ares, may sasabihin ako." Kinakabahan kong sabi.

"Is this about the wedding?" Kunot noo na tanong niya.

"Maybe?" Sagot ko.

"Maybe? Anong klaseng-"

"I'm pregnant." Pinutol ko ang sasabihin niya at nakita kong nanlaki ang mata niya sa gulat.

"I'm one month pregnant. Sino ang ama? I don't know. I got drunk and woke up next to a man noong unang nag bar kami ni Blanca." Sabi ko.

Di ko mabasa kung anong nasa isip niya ngayon lalo na at di siya nagsasalita. I'm expecting harsh words from him but he is silent. Besides, kelan ba ako pinagsalitaan ng masasakit na salita ni Ares? Ay ako nga pala ang gumawa nun sa kanya.

"I'm sorry." Naiiyak kong sabi. "It is not my intention to ruin everything especially the wedding. Di ko talaga alam kung anong buong nangyari noong gabing yun. I don't even remember kung sino. I'm really sorry." I cried.

"Maiintindihan ko kung di ka sisipot sa sabado. Ako na ang mageexplain. Ayoko lang na matali ka sakin lalo na buntis pa ako ngayon. I'm really sorry Ares." Sabi ko.

Natahimik kami, he is still not talking kaya di ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon.

"It's late. Go to sleep." Sabi lang niya na tila walang emosyon.

"A-ares.." Balak ko siyang kausapin pa.

"Go to sleep Athena. Makakasama sa baby ang pagpupuyat." Sabi niya kaya sinunod ko nalang siya.

He left after that and I didn't heard from him until Saturday, the day of our wedding.

Hate U, Love UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon