38

27 0 0
                                    

Athena Aphrodite

Nasa workroom na kami pero tila di kami makapag focus parehas ni Blanca. Mom and mommy said na sila na bahala sa preparations ng kasal, ni di ko nga alam kung kelan.

"Hey, you okay?" Tanong ko kay Blanca na kanina pa di umiimik.

"Yeah, why?" Sagot niya. I know she is sad, dahil sa tono ng boses niya.

"Ayaw pa kasi aminin sa sarili na mahal mo pa eh." Pang aasar ko.

"Tss, to hell with him. Kawawa yung babaeng ipapakasal sa kanya." sabi niya na tinawanan nalang namin.

I am busy with my sketches when my phone lit up, meaning I got a message. Tinignan ko to at nakita na mula ito sa isang restricted number. Pinagiisipan ko pa kung bubuksan ko ito pero dahil curious ako, I did. 

Hi Athena, this is Gwenette. I am happy na nakabalik ka na sa pamilya mo. I heard you want to find me but I think you should stop. I'm fine naman so no need to worry. Just move on with your life, with your real family. Forget about the painful past, forget about us. Be happy Athena. I'm proud sa lahat ng narating mo ngayon. Bye.

Gwenette may appear strong but I know that she isn't kaya mas lalo ko siyang gustong hanapin. Pero paano ko mahahanap ang taong ayaw magpahanap?

"Sino yan? Bat sobrang seryoso mo?" Tanong ni Blanca.

"Gwenette. She said to move on, forget about the past, and stop looking for her." Sagot ko.

That lunch, sabay kaming kumain ni Cassidy sa isang restaurant. Hindi pa rin mawala sa isipan ko kung titigilan ko na ba ang paghahanap kay Gwenette or not.

"Ang lalim ng iniisip mo." Kuha niya sa atensyon ko.

I released a deep sigh before showing him the message I received. Agad naman niyang kinuha yun at agad na may tinawagan na inuutos na i-trace yung number. May magagawa ba yun? Restricted number nga eh.

"I think we should stop looking for her." Sabi ko. 

Ibinaba niya ang tawag at bumaling sa akin.

"We need to find her." Yun lang ang sinabi niya pero bakit feeling ko may mas malalim na dahilan kung bakit gustong mahanap ni kuya si Gwenette?

When we returned to the company, agad siyang bumalik sa office niya dahil may meeting pa raw siya. Ako naman bumalik sa work room at nagulat na wala ang buong team dun at andun si Ares sa prenteng nakaupo sa sofa. 

Magtatanong na sana ako kung nasaan si Blanca nang bigla itong magsalita.

"Of you're looking for your team, andun sila sa cafeteria. Kung si Blanca, kasama naman ni Hades." Sabi niya. 

Hades? Bat magkasama yung dalawang yun?

Naputol ang pagiisip ko tungkol dun sa dalawa nang biglang naglakad papalapit sakin si Ares. Di ko naman mapigilan humakbang paatras dahil sa nakakatakot na aura niya. 

"B-bakit?" Nauutal na tanong ko.

"Kamusta? How are you after breaking my heart?" He asked in full seriousness that made my eyes water. I remembered how I hurt him in the past.

"Cat got your tongue Athena? Hmm?" Sabi niya at iniharap pa ako lalo sa kanya. "You left me broken, tapos babalik ka lang ulit basta basta? What did I do to you to hurt me?" Sabi niya.

Di ako makaimik. I feel like if I speak, magbabagsakan ang mga luha ko. Gusto kong sabihin ang totoo pero may magagawa ba yun? I already hurt him.

Mukhang nabwisit na sakin si Ares dahil hindi ako umiimik kaya naglakad na ito papuntang pinto. Palabas na sana ito nang magsalita ulit siya.

"Wag kang gagawa ng kalokohan para matigil ang kasal natin Athena. Consider this a warning." Sabi niya bago lumabas.

My knees tremble and I fell on the floor, pouring out the tears I stopped from pouring earlier.

Eto ba ang paghihiganti mo Ares? Will you be happy if you get married to me? Mapapatawad mo ba talaga ako? 

Blanca rushed to me and hugged me nang makita niya ako. Buti at wala pa ang iba kaya nagagawa kong umiyak. Just like how I cried to her during my first weeks in France, nung mga panahong gusto kong umuwi dahil miss na miss ko na si Ares. Now he is here, but it felt like he is miles away from me.

"Why are you with Hades?" Tanong ko sa kanya nung kumalma na ako. Buti ay nakapag ayos na ako ng sarili bago bumalik ang team.

"He's with Ares, ginulo lang ako habang kumakain kami sa cafeteria kanina. Feeling okay kami." Sabi ni Blanca. Di na siya nagtanong kung bakit ako umiiyak kanina kaya siya nalang ang tinatanong ko.

"But why are you do down?" Tanong ko. She released a sigh and look at me. Bumuka na bibig niya na tila may sasabihin pero agad din itinikom.

"You don't have to tell me." Sabi ko nalang at mukhang ayaw niya pa yung pag usapan. 

Nasa kalagitnaan kami ng pagtatrabaho. Medyo busy kasi maaga kaming nag out kahapon kaya yung mga meeting namin para kahapon ay namove ngayon. 

"As of now all we got all the measurements of all models including Ares and Hades Raixer." Sabi ko. Yup, di lang si Ares ang mag momodel, pati si Ares, though both of them will only walk on the runway and not do photoshoots. Thier outfits are the exclusive outfits na sa runway lang makikita.

"3 out of 15 finalized designs are already done and ready for the models while the other 12 are still in their finishing stages. 5 designs are still finalized but by next week expect that it is already finalized." Sabi naman ni Blanca.

May ilan pa kaming pinag usapan bago tinapos ang meeting. I am not in my seat stretching my body.

"Tara inom?" Sabi ni Blanca na nagslide pa sa pwesto ko habang nakaupo sa swivel chair niya.

"Alam mo kung anong nangyari noong huling beses na uminom tayo." Gosh ayoko nang balikan pa ang alaalang yun. 

"Di tayo maglalasing promise! Ayoko ring mauli yun no." Sabi ni Blanca.

I also think that I need to release some stress so pumayag din ako. Hinatid muna namin ang team namin bago kami dumiretso. Di na kami nag palit dahil hindi naman kami magtatagal. 

As usual, maraming tao ngayon dahil friday night. Kumuha naman kami ng pwesto ni Blanca sa medyo tahimik na parte ng bar pero safe pa rin naman dahil maraming ilang sa gawi namin. Lady's drinks lang ang inninom namin nang biglang magyaya si Blanca sa dance floor.

"Kanina pa ako nabibwisit sa mga lalaking yan." Turo niya dun sa mga lalaking kanina pa kami tinatanong para sumayaw. "Tayo nalang sumayaw dalawa." Sabi niya sabay hila sakin.


Hate U, Love UWhere stories live. Discover now