24

24 0 0
                                    

Athena Aphrodite

Sinundo ako ni Ares pagkatapos ng mga klase ko pero tulad kaninang umaga ay hindi ko siya masyadong naiimik. Nakikita ko na gusto niyang magtanong pero pinipigilan lang niya. 

"Athena. Goddess, please talk to me." Sabi niyang nang makarating na kami sa bahay.

Nilingon ko siya dahil hawak hawak niya ang kamay ko.

"May problema ba tayo? Hmm?" Malumanay na tanong niya.

Gusto kong sabihin sa totoo lang, pero ang pangit tignan. Sobrang pangit tignan.

"Wala tayong problema Ares. You are such a great boyfriend. Sorry, may iniisip lang talaga." Sabi ko at pilit na ngumiti.

Nagbuntong hininga muna siya bago hinalikan ang likod ng kamay ko.

"I love you. See you tomorrow." Sabi niya.

"I love you too Ares. Ingat sa pag uwi." Sagot ko bago bumaba.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay ay nakita ko agad si mama na naghihintay. Excited pa siyang lumapit sakin. 

"Anong sabi ni Ares? Tutubusin niya ba sa banko yung agency natin?" Excited na tanong niya.

"Hindi ko sinabi kay Ares ma." Pagkasabi na pagkasabi ko nun ay isang malakas na sampal ang tumama sakin. Ang namamaga kong pisngi ay mas namaga pa.

"Ma!" Rinig kong sigaw ni Gwenette na nagmamadaling lumapit samin.

"Wala ka talagang kwenta! Simpleng bagay di mo magawa!" Sigaw ni mama habang hinahablot ang mahaba kong buhok. Pilit naman siyang hinihiwalay sakin ni Gwenette pero may lahing tuko ata si mama. Di mabitawbitawan buhok ko.

"Ma, ako nalang gagawa ng paraa. Mag papart time job ako. Huhulughulugan natin yung agency. Wag natin idamay si Ares ma please. Baka isipin niyang pera lang habol ko sa kanya." Naiiyak na pakiusap ko.

"Ha! Mahal? Sa pangit ni Ares mahal mo siya? Di ako naniniwala sayo Athena! Pera lang ni Ares ang gusto mo! Gusto mo siya dahil isa siyang Raixer!" Umiiling ako habang nagsasalita si mama at sinasaktan ako.

"Ma enough! Please!" Pilit na pumapagitna si Gwnette kaya nasasaktan din ito.

"Tumabi ka diyan Gwenette!" Malakas na tinulak ni mama si Gwenette at napasinghap ako ng tumama siya sa corner ng lamesa namin at rinig na rinig ko ang sakit sa sigaw niya.

"Bibigyan kita ng isang linggo Athena. Pag di ka nagsabi kay Ares ay ako ang magsasabi sa kanya. Sa palagay mo ba matatanggihan niya ang nanay ng girlfriend niya lalo na pag sinabi kong ilalayo kita sa kanya pag di siya pumayag? Andyan na ang grasya Athena, wag kang plastik." Sabi ni mama.

"Ma, ako nalang. Ako nalang gagawa ng paraan please." Nagmamakaawang sabi ko.

"Pagtatrabahuhan namin ni Athena, ma. Labas si Ares sa problema natin." Sabi ni Gwenetter habang nangingiwi sa bawat galaw niya.

"Ha! Kayo? Pinagloloko niya ba ako? 3 milyon! 3 milyon ang babayaran niyo! Pag di nabayaran yun ay kukunin nila pati ang bahay natin! Kaya niyo? Sige kung kaya niyo gawin niyo." Sabi ni mama na ikinalaki ng mata namin.

Bakit umabot ng 3 milyon? 

"1 linggo Athena. Tandaan mo yan." Sabi ni mama bago ako iniwan at kinaladkad si Gwenette sa kwarto niya. 

3 milyon? Kahit kay Ares ay sobrang laking halaga nun! Hindi biro ang 3 milyon! 

Dumaan ang mga araw at di ko masyadong pinapansin si Ares. Pati paghatid sundo niya ay minsan iniiwasan ko. Alam kong nagtataka siya pero binibigyan niya ako ng space. Gusto kong mag isip isip. Ilang araw nalang ang palugit ni mama at di pa rin ako nakakaisip ng ibang paraan. Saan ako kukuha ng 3 milyon?

"Huy ang lalim ng iniisip mo riyan." Sabi ni Blanca.

Magkasama kami ngayon sa mall habang bibili daw siya ng damit para sa paparating sa party nila Ares. Naalala ko na mag 1 year na kami ni Ares pero sa mga nangyayari ngayon, di ako maexcite excite.

"Mag 1 year na pala kami ni Ares." Malungkot na sabi ko sa kanya.

Alam ni Blanca ang nangyayari, nag offer siya ng tulong pero tinanggihan ko.

"Sabi kasi sayo tutulungan kita eh." Sabi niya.

"3 milyon yung Blanca. Kahit mayaman kayo, sobrang laking halaga nun." Sabi ko.

Narinig ko nalang siya nagbuntong hininga at pinalitan ang topic.

"Maganda ba sakin to?" Tanong niya at pinakita ang isang knee length dark blue off shoulder dress tapos ang pinaka skirt nito ay ombre. Dahil sa puti niya ay nagmatch and dark color nung dress.

"Maganda yan! Bagay sayo." Sabi ko dahil ang ganda ng fit sa katawan niya. "Baka mainlove na sayo si Hades." Dagdag ko pa.

"The hell I care for him. Sila tito at tita ang pinunta ko. Hindi siya." Sabi nalang ni Blanca.

Siya rin ang bumili ng dress ko kahit ayaw ko. Pumili siya ng isang black and red ombre dress na backless at knee length lang din. 

"Perfect!" Palakpak pa niya na parang binibihisan ang mga barbie doll niya. "Kung di ka magiging fashion designer, maging model ka nalang." Sabi niya pa na inilingan ko nalang.

Hindi ako nagpasundo kay Ares ngayon. Nung una ay tumutol pa siya pero kinalaunan ay pumayag din. 

"I miss you. Ang dalang kitang makita at makausap goddess. I love you. Good night." Basa ko sa text niya na di ko na nareplayan dahil sa pagsigaw ni Gwenette mula sa sala na agad kong pinuntahan. 

Hate U, Love UWhere stories live. Discover now