7

24 0 0
                                    

Athena Aphrodite

Sunday ngayon at kahit na tinatamad pa akong bumangon ay tumayo pa rin ako at nag ayos bago bumaba. Laking gulat ko ng makita si Ares sa sala kausap si mama.

"Oh ayan na pala." sabi ni mama ng makita ako.

"Good morning." Ngiting sabi ni Ares.

"A-anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko.

"Nagpapaalam si Ares sakin. Di mo naman sinabi na may lakad pala kayo. Mag ayos ka na at wag paghintayin si Ares." Ngiting sabi ni mama.

Nagulat ako sa inaarte ni mama ngayon. Parang nung isang araw lang ay galit na galit siya nung nagpaalam ako sa kanya, ngayon naman ay siya pa nagtutulak sakin mag ayos.

Maya maya ay nakapag ayos na ako. Pababa na ako ng hagdan ng makita ko si Gwenette at tila di malaman kung ano ang emosyon nito.

"Pinagsabihan na kita Athena. Di ka pa rin nakinig." Sabi nito at nilagpasan ako.

Nakita ko ang paglawak ng ngiti ni Ares nang makita ako kaya kinalimutan ko muna yung sinabi ni Gwenette.

"You look beautiful. Let's go?" sabi niya at tumango nalang ako. Takte kinikilig ako nung sinabi niyang ang ganda ko.

"Mag iingat kayo." Excited pa na sabi ni mama.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Ares at kapansin pansin ang mga marites naming kapitbahay na nakatitig sa kotse ni Ares.

"Damn, you really look so beautiful." Sabi ni Ares habang nagdadrive.

"H-hoy ano ka ba." Takte kinikilig talaga ako.

Maya maya ay nakarating na kami sa bahay nila. Di mo maiikaila na bahay ito ng mga Raixer dahil isa itong apakalaking mansion! May malaki kaming gate na pinasukan at saglit pang nag drive si Ares bago kami nakarating sa mismong harap ng mansion nila kung saan may naghihintay sa kasambahay.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Ares bago ako bumaba. Kinakabahan ako pero napalitan yun ng kilig ng hawakan ni Ares ang kamay ko at pinisil yun.

"They don't bite Athena. Wag kang kabahan." Ngiti niya.

"Good morning Sir Ares." Sabi nung kasambahay nilang lalaki.

"Good morning. Pa park nalang po ng sasakyan ko kuya. Nasa loob po yung susi." Magalang na sabi ni Ares sa valet pala nila.

Binuksan ni Ares ang malaking pinto at mas nanlaki ang mata ko nang makita ang loob. It screams wealth, kahit isang bahid ng alikabok at wala kang makikita. Modern ang interior at exterior nila kaya mas lalo itong nagpaganda.

"Oh they are here." Salubong samin ng isang babae na feeling ko ay mga nasa 30s na. "You must be Athena. Buti nalang at pinayagan kang pumunta dito." Nakangiting sabi sakin nito at yinakap ako.

"Mom, kalma, mapipisat mo si Athena." Sabi ni Ares.

"Mom?!" Di ko sinasadya na masabi ng malakas. "Hala, sorry po, akala ko po pinsan kayo nila Ares." Sabi ko na ikinatawa ng mom ni Ares.

I'm not kidding, mukhang nasa early 30s lang ang mom niya. Sobrang ganda nito at mukhang bata. Sabi ni Ares na nasa 50s na mom niya kaya sobrang nagulat pa ako lalo. 

"Gosh, I love you already." sabi ni Mom Wynes. Yup sabi niya na tawagin ko siyang mom.

"Let's go. Nakaluto na si Hades sa loob at naghihintay na ang dad mo." Sabi ni mom Wynes at hinila na ako papuntang dining room. Nainis pa si Ares dahil ayaw na akong bitawan ni mom.

"Athena!" Sigaw ni Hades na palabas ng kitchen na may bitbit na ulam.

"Hi Athena, nice meeting you." Sabi nung lalaki, which is dad Zyto nila. Katulad ni mom Wynes ay mukha din nitong bata at kayang kaya nitong makipaglaban sa mga batang model ngayon. Sobrang alaga kasi ng katawan nito at sobrang pogi. Alam na kung saan nagmana ang kambal.

"Hello po." Nahihiyang sabi ko.

"Ang ganda ni Athena hon no?" Proud na proud na sabi ni mom Wynes. "Kaya pala patay na patay si Ares eh." Dagdag pa nito.

"Mom!" Sigaw ni Ares na namumula ang mukha. 

Masaya kaming nagkuwkentuhan at binabati si Hades sa successful opening ng restuarant niya kahapon. Nabalita pa nga siya sa ilang network.

"Ma'am, Sir, andito na po sila Ma'am Hera at Sir Casper." Sabi ng isa sa mga kasambahay nila.

Maya maya ay pumasok na sa dining room ang mag asawa na tulad nila mom at dad na mukha ring mga bata. Kasama nito si Cassidy Adallia, classmate ni Ares at isa pang sikat na sikat sa Gnosis. 

"You must be Athena. Apaka gandang bata." Sabi ni Tita Hera. "Apaka swerte mo naman Wynes." Sabi nito kay mom Wynes.

"I know right." Proud na sabi ni mom pero di ko naintindihan kung bakit. 

Masaya silang kumakain at nagkukwentuhan. Sobrang aliw din kasing kausap ng mga magulang nila Ares at ang mga magulang ni Cassidy. Napagalaman ko ring kasing pangalan ko pa ang namatay na anak ni Tita Hera kaya naman ay tuwang tuwa sila na makilala ako.

Mag gagabi na at nagpaalam na si Ares na ihahatid na ako. Tinapik pa siya sa balikat ni Cassidy at Hades bago kami tuluyang lumabas. Nasa kotse kami ng hawakan ni Ares ang kamay ko kaya naman nag paparkour na naman tong puso ko.

"Athena.." Sabi ni Ares na tila sobrang seryoso pa.

"Hmm?"

"I like you." Nanlaki ng sobrang ang mga mata ko ng sabihin yun ni Ares. Nakatingin lang ako sa kanya habang naka-focus siya sa pag dadrive. 

"A-ano?" Tila di ako makapaniwala sa narinig.

"I like you Athena and I will court you." Sabi nito at ngumiti sa akin saglit bago nagfocus ulit sa pagmamaneho. 

"Will? Di ka muna magpapaalam sakin?" Sabi ko.

"I asked your mom already at pumayag siya. I want to show how much I like you Athena whether you like it or not." Sabi niya pa. " Don't be pressured to like me too Athena, kasi kahit sagutin mo ako o hindi, I will still be your friend. Walang magbabago." Dagdag niya.

Actually natatakot akong mawala ang pagkakaibigan namin ni Ares kaya naginhawaan ako sa sinabi nito.

"Okay" Sagot ko nalang.

Nakarating na kami sa bahay at pinagbuksan niya pa ako ng pinto.

"Good bye Athena. Dream of me." Lokong sabi nito.

"Good bye. Thank you sa araw na to." Sabi ko.

Hinintay niya pa ako makapasok bago tuluyang makaalis. 

Hate U, Love UWhere stories live. Discover now