1

87 0 0
                                    

Athena Aphrodite Bastio

Hi everyone! I am Athena Aphrodite Bastio, 21 years old at 3rd year BA-FDM student sa Gnosis University. Di naman sa pagmamayabang, pero just like my name, I have both beauty and brains. Gnosis University is also one of the most prestigious school and is well known like Harvard University. Buti nalang at scholar ako dito due to my good school record dahil kung hindi ay di kakayanin ng mama ko na pagaralin kami ng kapatid ko dito. 

Ay takte ang dami kong dada, malalate na pala ako sa klase ko!

"I'm so freaking late" Sabi ni Athena sa sarili habang tinitignan ang relos at tumatakbo papuntang classroom niya. Late na kasi siya akaalis ng bahay dahil naglinis at nagluto pa siya sa bahay nila. Siya kasi ang taga gawa ng lahat ng gawaing bahay sa kanila habang sitting pretty lang ang kapatid at mama niya. 

Walang tatay si Athena at wala siyang kinikilalang tatay. Isa din siyang ampon ng isang single mother at ang kapatid niya na si Gwenette ang totoong anak ng mama niya. Sabi sa kanya noong mama niya ay napulot siya nito sa labas ng hospital kung saan niya pinapacheck up si Gwenette noong bagong silang ito at saktong nakita siya nito at kinupkop.

Malaki ang utang na loob ni Athena sa mama niya kaya naman kahit na puro paghihirap lang ang naranasan niya sa puder nito ay nagtitiis lamang siya. Wala rin naman kasi siyang matatakbuhan kung sakaling umalis siya.

"Ay!" Napasigaw si Athena nang may mabangga siyang tao at nagtalsikan ang gamit nilang dalawa. 

"OMG, sorry sorry, di kita napansin, sorry." Todo sorry siya sa lalaking medyo may katabaan at nakasuot ng makapal na salamin. Tinulungan niya ang lalaki na tumayo at pinilot yung mga gamit nilang nagkalaglagan.

"Okay lang." Sabi sa kanya nung lalaki.

Nagmamadaling pinagpupulot ni Athena yung mga gamit at binigay sa lalaki. Aalis pa sana siya ng bumalik siya at ibinigay ang panyo sa lalaki. 

"Uhm ano, sorry ulit nagmamadali kasi ako. Nasugatan ka kasi, eto oh, malinis yan, ipunas mo dun sa dugo sa tuhod mo. Sorry ulit. Bye!" Sabi niya at tumakbo nang papuntang classroom. 

Buti naman ang nakaabot pa si Athena sa lesson ng prof nila kahit na napagalitan siya sa klase nito. Lunch break na niya kaya pumunta siyang food court sa campus nila para kumain. Kagabi pa kasi siya di nakakakain dahil kung ano ano inuutos sa kanya ng mama niya.

Habang naghahanap ng mauupuan, nakita niya yung lalaking nabangga niya kaninang umaga na mag isang kumakain.

"Hi, uhm, pwedeng makiupo?" Tanong niya at simpleng tango lang ang sagot nung lalaki. "Sorry ulit doon sa nangyari kaninang umaga ha. Btw, I'm Athena" Pagpapakilala niya.

"I'm Ares, I told you its okay. Nakailang sorry ka na, malapit ka na pumalit sa Super Junior kaka-sorry mo." Sabi ni Ares. 

"Salad lang kakainin mo? Sorry pero mabubusog ka niyan?" Tanong niya ng makita ang mumunting salad sa harapan nung lalaki.

"Diet ako kaya salad lang." Mahinang bulong ni Ares.

"Diet diet, ang sarap kumain magdadiet ka? Here, masarap yang sandwich na yan. Take it as my peace offering. Sayang yang cuteness mo kung magdadiet ka." Sabi niya at inilagay ang sandwich sa harap nito.

Napansin din niyang medyo natigilan si Ares sa sinabi niya.

"Cute? Me?" Nakanoon ang noo nitong natanong.

"Yeah, you're cute. Don't take it as a insult ha and I'm not flirting with you. It's a compliment" Ngiti niya. 

"Thank you" Nangiting sabi ni Ares kaya lumabas ang malalim nitong dimples na mas nakadagdag pa sa cuteness nito. 

Maya maya ay nagpaalam na si Athena dahil uuwi na siya. Na-cancel kasi ang huling subject niya kaya uuwi na siya at makaiwas sa galit ng mama niya. 

Ares looked at her amazed at how friendly she is, dagdag mo pa na sobrang ganda talaga nito, but he appreciated her kindness more.

"Bro" Napalingon si Ares sa lalaking tumawag sa kanya. It's Hades, his twin brother. 

"Nag lunch ka na ba? Eto yung tomato pasta na niluto namin sa klase kanina. Tikman mo nga" Sabi ni Hades at inilabas ang tupperware na may lamang pasta.

Hades is studying Culinary Arts while he is studying Business Management. Parehas silang 4th year at graduating na. 

"Sure." Sabi ni Ares at tinaggap. Medyo nagulat pa si Hades dahil madalas ay tinatanggihan na ito ni Ares dahil daw nagpapapayat ito.

"What changed your mind bro? Akala ko kailangan pa kitang pilitin eh." Tanong ni Hades.

Ares shrugged and took a bite of the pasta. 

"Mababawasan daw kasi yung cuteness ko pag pumayat ako." He smiled and left his twin dumbfounded. 

Hate U, Love UWhere stories live. Discover now