40

30 0 0
                                    

Athena Aphrodite

"Takte?" Nagulat si Blanca nang sabihin ko na next week na ang kasal. Pati siya nagulat na ang bilis lahat nang nagyayari.

"Di ba? Haay nako. Tara na nga, gutom na ako." Yaya ko sa kanya. Lunch time na kasi kaya gutom na kami. Yung team naman ay ayaw umalis at sa cafeteria nalang daw sila.

Si Blanca ang namili kung saan kami kakain. Pahikab hikab pa ako habang nag dadrive siya papuntang isang seafood restaurant.

"I saw a review na must try tong restau na to." sabi ni Blanca at tila sobrang excited pa.

Pagbukas naman niya ng pinto ng restaurant ay bigla akong naduwal sa amoy. Takte, akala ko must try? Bakit ang baho?

"Okay ka lang?" Tanong niya at lumapit sakin.

"Ang baho naman dito Blanca." Sabi ko na ikinakunot ng noo niya.

"Ha? Hindi naman ah." Sabi niya at inaamoy pa kung may mabaho pero sabi niya wala naman daw.

"Lipat nalang tayo ng restaurant, di ko talaga matagalan yung amoy." sabi ko kaya wala siyang nagawa kundi ang sumunod. In the end, sa Hellion's Kitchen kami kumain. 


"Andito na ako mommy." Sabi ko nang makarating sa mansyon. Since ikakasal na ako, gusto kong makasama ang pamilya ko dahil sure na lilipat na ako sa bahay namin ni Ares pagkatapos. Oh di ba? Ilang araw ko palang sila nakakasama pero ipapakasal na agad ako sa iba.

"Nasa kitchen ako." Rinig kong sigaw ni mommy. Masayang pupunta na sana ako sa kitchen nang may maamoy ako mabaho na nagpaduwal na naman sakin  to the point na nasusuka na ako kaya tumakbo ako sa cr.

"Are you okay?" hinagod ni mommy ang likod ko at alalang alala sakin.

"Okay lang po. Mommy anong niluluto mo at ang baho?" tanong ko habang nagmumumog.

"Buttered shrimp. Your daddy's favorite. Mabaho ba? Di naman, fresh yun na nabili ni manang." Sabi niya.

"Nababahuan ako mie. Siguro may nakain ako kaya iba ang takbo ng tiyan ko ngayon. Magpapahinga nalang po muna ako." Sabi ko at tinagnuan nalang ako ni mommy sabi na dadalhan nalang ako ng pagkain sa taas. 

Dinalhan naman ako ni Cassidy nang adobong manok sa kwarto kaya natakam ako.

"Kuya, kuha mo ko mang tomas please." Sabi ko. Gusto kong samahan ng mang tomas tong adobo.

"What? Yuck Athena." Sabi niya.

"Please." sabi ko na medyo naluluha pa. What the heck? Bat ako naluluha.

"What?" Nagulat din siya tulad ko. "Fine. Wait for me." Nagningning naman ang mga mata ko sa narinig. Maya maya nga ay bit bit na niya ang mang tomas kaya nilagyan ko yng adobo na kinakain ko. Ang sarap talaga, nakarami pa nga ako ng kanin eh.

"You're weird." Sabi lang niya bago lumabas ng kwarto ko. 

Kinabukasan ay nagising ako at dumiretso sa CR dahil nasusuka ako kahit parang puro tubig lang naman ang suka ko.

"Hey, you okay?" Nagulat ako na andun si kuya. "Ayan, nagloloko tiyan mo dahil nilagyan mo ng mang tomas yung adobo." Sabi niya.

Di ko naman kinwestion yung sinabi niya kasi baka nga dahil doon kaya nagloloko ang tiyan ko. 

Pagkababa ko ay nakita ko si mommy na nag aayos ng mga malalaking box sa may sala kasama si daddy nang mapansin nila ako.

"Oh anak, papasok ka na?" Tanong ni mommy na hinalikan ko sa pisngi. "Sabi ni Cassidy nagsusuka ka raw. Kaya mo ba pumasok ngayon?" Tanong niya.

"Opo mi. Okay naman na ako. Ano po yan?" Tanong ko. 

Masaya naman niyang kinuha ang pinakamalaking box at binuksan.

"You're wedding gown is finished. I'm so excited to see you on this." Sabi ni mommy.

Saka ko lang napansin na mga damit namin yun sa kasal pati ang mga sapatos at hair dresses andoon.

"Pagpasensyahan mo na ang mommy mo at sobrang excited." Sabi naman ni daddy na hinalikan ako sa noo.

I bid farewell to them and started driving towards the company. Medyo humihikab pa ako sa antok pero kaya ko naman mag drive. I can't believe na next week ay ikakasal na ako. Parang kelan lang ay nag iisip ako kung paano babayaran yung 10 million na utang ni mama ngayon naman ay ikakasal na ako sa lalaking sinaktan ko.

Naging busy ako noong araw na yun dahil kailangan kong maraming matapos lalo na at mawawala ako para sa honeymoon keme namin ni Ares. Kahit na inaantok at medyo nahihilo ay pili ko paring nagtatahi ng mga outfit.

"Hoy anong nangyari sayo?" Tanong ni Blanca dahil tumakbo na naman ako sa CR para sumuka. Takte, ganito ba talaga epekto ng mang tomas at adobo sakin?

"Kumain kasi ako ng adobo na may mang tomas kagabi kaya ayan nagloloko tiyan ko." Sabi ko nang makapag mumog ako. 

Natahimik naman si Blanca kaya nilingon ko siya na tila may iniisip siya.

"Kelan ka huling nagkaroon?" Tanong niya na ikinalito ko.

"Ha? Bakit?" Tanong ko.

"Di kaya... buntis ka?" Sabi niya. Tinawanan ko pa siya nung una thinking that it is a joke pero napatigil ako nang marealize na di ako dinatnan ngayong buwan.

"Fuck." Sabi ko.

"Yeah. Fuck. Uminom kapa ng emergency pill after nung may nangyari doon sa hotel?" Tanong ni Blanca.

"H-hindi. Shet." Sabi ko nalang.

"I'll buy a PT para makasigurado tayo pero ngayon palang alam kong buntis ka." Sabi niya.

Bumalik muna ako sa table ko at pilit iniiisp na impossibleng mabuntis ako nung gabing yun pero sa loob loob ko, alam kong buntis ako and I'm not wrong.

"Two lines." Sabi ko kay Blanca habang hawak ang 3 PT na binili niya kanina.


Hate U, Love UWhere stories live. Discover now