11

24 0 0
                                    

Athena Aphrodite

Di ko alam pero kinakabahan akong pumasok sa univ ngayon. Di ko naman ikinakahiya o itatago ang relasyon namin ni Ares, sadyang kabado lang talaga.

"You okay?" Nabalikwas ako ng hawakan ni Ares ang kamay ko habang naka focus siya sa pagmamaneho. Papunta na kami sa univ ngayon at sinundo niya ako.

"Yeah." Tipid na sagot ko nalang. 

Maya maya ay nakarating na kami ng univ. Magkahawak ang kamay namin ni Ares habang naglalakad papuntang building namin. Halatang halata rin na pinagtitinginan at pinag uusapan kami ng mga tao, mapa-studyante man o professor.

Sila na?

Yuck di sila bagay.

For I know ginamit lang niya mukha niya para makahuthot ng pera sa mga Raixer. 

Balita ko close din sila si Cassidy

Whore

Sa ganda ni Athena kay Ares pa siya pumatol?

Mas nagmukhang baboy si Ares sa sexy ni Athena.

Barbecue sila. Isang sexy stick at isang malaman na baboy. Yung taba sa dulo ng barbecue.

Ilan lang yan sa mga naririnig namin na pilit nilang binabalewala. Napansin ko rin na humigpit ang hawak sakin ni Ares kaya naman napalingon ako sa kanya. Inaatake na naman siya ng insecurities niya. Kaya naman bago kami lumiko papuntang building namin ay hinila ko siya papunta sa likod nito kung saan walang makakita samin.

"Why Athena?" Kunot noo niyang tanong.

"You're being insecure again." Sabi ko.

"Don't mind me, sa sobrang ganda kasi ng girlfriend ko di talaga maiiwasan yun. Tara na, male-late ka niyan." Tipid na ngiti niya.

"Ares.." Malambing na tawag ko sa kanya at hinawakan ang cute niyang pisngi. "I love you, I love you because you're you and not because of your family. I love you, the whole you, especially these cute cheeks and dimples of yours. Wala akong pake sa mga sinasabi nila, wala akong pake sa pisikal na anyo mo.All that matters to me is that you love me and that I love you. Wag mo silang pansinin. You are handsome, very handsome. Stereotypes lang nila yun kaya di nila makita kung gaano ka kagwapo, okay?" Sabi ko.

Nakita ko naman siyang napangiti bago ako siniil ng halik. Isang puno ng pagmamahal na halik.

"I know Athena. I know. Gosh, I'm so lucky to have you. I love you so much" Ngiti nito. 

Hinatid na niya ako sa building namin at nagsabi pa na sabay kaming mag lalunch kasama si Cassidy at Hades mamaya bago ito umalis.

Hindi siguro siya type ni Hades kaya kay Ares pumatol.

Basta naman pera kahit di pogi tutukain mo.

Ano kayang gayuma ginamit nung baboy na yun.

Hindi nalang pinansin ni Athena ang mga kaklase at naghanda nalang para sa mga lecture nila.


"Takte?! Kelan pa? Athena Aphrodite, anong ginawa mo sa kapatid ko?!" Pinagtitinginan tuloy kami dito sa food court sa sobrang eskandaloso ni Hades. Wala pa kasi si Ares at nagdedefend pa ng thesis nila kaya si Hades at Cassidy palang ang kasama ko ngayon.

"What are you talking about Hades? Apaka OA mo." Si Cassidy na nagpipigil batukan si Hades.

"Kaya pala parang baliw kung makangiti si Ares kanina paalis ng bahay. Kayo na?! At ngayon ko lang nalaman?! Paano naman akong nagtulak kay Ares na umamin sayo? Di ba dapat ako unang makakaalam?!" Sabi ni Hades na maarteng humawak sa dibdib. 

"Tumigil ka nga Hades Zyo! Ang arte mo!" Binato ni Cassidy ng paper cup na walang laman si Hades na bwisit na siguro.

Natawa nalang ako sa kanilang dalawa.

"So, kelan pa naging kayo?" Tanong ni Cassidy.

"Hmm, nung araw ng birthday nila Ares. Nag date kami sa rooftop tapos ayun sinagot ko na." Sabi ko na tila nag faflashback pa kung gaano kasaya ang gabing yun.

"Ahh, kaya pala nawala kayo." Ngising sabi ni Cassidy na tila nang aasar.

Ilang minuto pa kami nagkwentuhan bago nakita si Ares na naka formal attire na mas nagpakagwapo sa kanya. 

"Laway tumutulo." Sabi ni Hades sa kanya.

"Patay na patay yan?" Asar naman ni Cassidy.

"Kamusta defense?" Tanong ko kay Ares pagkatapos halikan ang pisngi nito. Nakarinig pa nga ako ng kunwaring nasusuka mula kila Hades at Cassidy.

"Successfully defended. Ako pa." Sagot ni Ares.

"I'm so proud of you." Sagot ko.

"Cassidy tayo nalang kaya? Para di naman nakakahiya diyan sa magsyota na yan." Sabi ni Hades.

"Kilabutan ka nga Hades Zyo. Bakit di mo kaya puntahan sa France." Makahulugang ngisi ni Cassidy na tinawanan ng nakaka asar ni Ares at kitang kita pagkainis ni Hades.

"Foul. Sumbong kita kay Gwenette eh." Sabi naman ni Hades na ikinawala ng ngisi ni Cassidy.

"Gwenette? Anong meron sa inyo?" Tanong ko.

"Nothing important." Sagot nalang nito at biglang iniba ang topic kaya kinalumutan ko nalang ito.

Hate U, Love UWhere stories live. Discover now