Chapter 31

15K 384 6
                                    


MARGARITA

   NAGISING ako nang may marinig akong nagkakagulo. Mabilis naman akong bumango at lumabas ng kuwarto.

And I saw Aqua. Sinasakal niya yung isang lalaki.

"Aqua?" Natigilan ito at lumingon sa'kin. "Anong mayroon?"

"S-she impregnated my sister!" Muli nitong sinakal yung lalaki.

"Bitawan mo, Aqua." Hindi ito nakinig. "Aqua!"

Inis naman nitong binitawan yung lalaki bago lumapit sa'kin. Huminga ito nang tatlong beses, bago medyo kumalma.

"I told him, not my sister." Sabi nito. "She's playboy!"

"At ikaw? Hindi?" Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Aqua, pabayaan mong sila ang mag usap. And look at him, he looks nice and handsome."

"Thank you." Nakangiting sabi nung sinasakal niya kanina. "By the way, I'm Thadeo-"

"-She's not interested!" Singhal dito ni Aqua. "Babe, I want to kill him."

Natawa lang ako. "That's normal. By the way, where's the twin?"

"Nasa labas, nilalaro ni Cideon. " Sagot nito. "Let's go outside?"

"Mabuti pa nga," sagot ko dito.

Dinala ko siya sa labas. Mukhang mas kumalma naman ito, kumpara kanina.

Mabilis na lumapit sa'min yung dalawang bata nang makita kami. Kasunod nila ang isang lalaking guwapo.

"Mommy! Daddy!" Masayang sabi nung dalawang bata.

Yumakap ito parehas sa beywang namin.

"Ano? Napatay mo ba?" Tanong nitong lalaki kay Aqua.

"Hindi nga eh, sayang." Inakbayan ako nito. "By the way, babe. He's Cideon. My cousin."

"I'm Margarita." Nginitian ko siya. "Ang gaganda ng lahi niyo. Masaya akong hindi niyo sinasayang."

Napailing ito. "I have to go now. Loexie, called me."

"Sige, ingat."

Ngumiti ito bago umalis.

"Siya yung asawa ni Loexie?" Tanong ko kay Aqua.

"Yeah, yung pinagseselosan mo." Ngumisi ito.

Inirapan ko naman siya bago maupo sa damuhan. Kumandong naman sa'kin yung dalawang bata.

"Mommy, nakilala mona sila Ninong ko?" Tanong ni Margareth. Tumango ako. "Mabait sila po. Para kona rin sila pong Daddy."

Napatango ako.

"They are the one who helped me to raised, Margareth." Napalingon ako kay Aqua, na nakaupo na nasa tabi ko. "Biglaan ang pagdating sa'kin ni Margareth. I don't know how to raise a baby, buti na lang Tatay na si Cideon at Qwedei. Your parents and my parents helped me too." Ngumiti ito. "I always talk to you through video call. Pinapakita ko sa'yo kung paano ko padedehin, paliguan, at palitan ng diaper si Margareth, kahit hindi mo nakikita o hindi ako siguradong naririnig mo. I always updated you, Margarita."

"Thank you." Natawa ako. "Now, I'm lucky because I became obsessed at you. Buti pala, hindi agad kita sinukuan."

"Margarita, kung sinukuan mo man ako. Hahabulin kita. Dahil una pa lang, nabihag mona din ako. Naging in-denial lang ako sa sarili ko."

"Yes, Mommy. Daddy is always indenial," sabad ni Margareth. "Laging sumasakit ulo ni Daddy, sa'kin. Lagi po kasi akong may inaaway sa school."

"Bakit ka nakikipag away?" Tanong ko dito. "Masama yun."

"Mommy, inaagaw po kasi nila crush. Gusto ko po kasi, ang akin, ay akin lang."

"Tama yan," pagkampi ko dito. "Wag kang papayag na may ibang aagaw nang sa'yo."

Nag apir kaming dalawa. At sabay tumingin kay Garnet at Aqua na parehong nagkakamot ng noo.

"Mag ina nga talaga kayo," komento ni Aqua.

Natawa lang kami ni Margareth at niyakap ang isa't isa. After we talked outside, napagdesisyunan na naming pumasok.

Sakto namang palabas na yung mga kaibigan pa ni Aqua. Mukhang uuwi na sila.

"Hindi pa tayo tapos, Thadeo." Banta ni Aqua dito. "Sinasabi ko sa'yo."

Tumango lang ito at nagkamot sa ulo.

"Una na kami." Tinapik ng isang lalaki yung balikat ni Aqua. "Next time na lang ulit."

Umalis na ang mga ito. Sumunod namang nagpaalam ang Pamilya ko at ang Pamilya ni Aqua.

"Luai, please, pahirapan mo si Thadeo." Sabi ni Aqua sa kapatid. "And take care your baby."

"Thank you, Kuya."

Nang tuluyan na silang makaalis, ay naupo kami sa sala. Napapagitnaan namin ni Aqua yung dalawang bata.

"Mommy, lilipat na ako sa school ni Garnet?" Tanong ni Margareth. "Gusto ko mag aral sa school niya. Ang dami kasing pogi."

"Margareth!" Saway dito ni Aqua. "Stop with that."

"Daddy, wala kang magagawa. I love handsome!" Tinaas pa nito ang kamay na animo'y tuwang tuwa. "Nagmana ako kay Mommy."

"Dad is right, Margareth. You're too young for that." Sabi ni Garnet sa kapatid. "And one more thing. Marami ding magaganda sa school ko, at kung hindi mo naitatanong. I'm one of the hearthrob there."

"That's my son." Nag apir yung mag ama.

Naitaas naman namin ni Margarita yung isang kilay namin at sabay nag cross arm.

Natigilan naman yung mag ama at parehong natikom yung bibig.

"Sorry, boys. Pero kami ni Margareth ang batas sa bahay." Nakangiting sabi ko.

Pareho silang napasimangot, kaya kami ni Margareth ang nag apir.

   KINAUMAGAHAN ay maaga kaming nagtungo sa school ni Margareth para asikasuhin yung papel niya para sa paglipat sa school ni Garnet.

"Nasaan yung dalawang bata?" Tanong ko kay Aqua.

Lumingon ito sa likuran niya at wala na yung dalawa.

"Nakipaglaro ata," sabi nito.

Nang matapos kami sa lahat ay hinanap namin yung dalawang bata. Natagpuan namin ang mga ito, na nakikipaglaro sa mga bata.

"Kambal, aalis na tayo." Tawag ko sa dalawa, kaya agad silang napalingon sa'min.

Nagpaalam ang mga ito sa kalaro nila at agad lumapit sa'min.

"Mommy, Daddy. MCDO, tayo po." Sabi ni Garnet. "Gusto ko ng chicken."

Tumango lang kami at dumiretso sa kotse.

"Kids, gusto niyo bang ikasal na kami ni Mommy niyo?" Biglang tanong ni Aqua sa dalawang bata.

"Yes, Daddy!" Sabay nilang sagot.

"Kailan?" Tanong ni Margareth. "Mommy, kapag hinagis mo yung flowers mo, dapat sa'kin ah?"

Natawa ako sa sinabi nito.

"Daddy, maganda po kapag beach wedding." Sabi naman ni Garnet. "Pakasal na kayo."

Nilingon ako ni Aqua. "Payag ka daw ba?"

"I'm always ready, Aqua babe. Ikaw na lang ang hinihintay kong mag-propose."

Ngumisi lang ito.

Obsessed Margarita [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon